Chapter 18- When Rome fell down
Rome's POV
I heard Jack once. Kausap niya si Cailee and Khal. Pinag-uusapan nila si Zoey at ang British na nag-aaya sa kanya manood ng sine.
Masakit isipin. Sayang ang chance ko dati...
Mahal ko ba si Zoey? O ego ko lang ang nasasaktan?
--------------
"Si Zoey?" Tanong ko kay Khal ng maabutan ko siyang mag-isa sa porch.
"Nasa likod..."
"Sige puntahan ko na lang." Hindi ko na pinatapos si Khal magsalita. Baka humaba pa ang usapan.
Hindi ako napansin ni Zoey. Kausap niya si Trevor... Hindi ko alam na kakausapin niya si Trevor ngayon.
"Gusto kong sabihin kay Rome kung ano tayo talaga." Sabi ni Zoey.
Kinabahan ako.
Umilingsi Trevor. "Sorry. I can't Zoey."
Naging malungkot ang mga mata ni Zoey. Sumagot si Trevor pero hindi ko nadinig.
"You know, I'm always here for you, right?" Tanong ni Trevor sa kanya.
Tumango si Zoey pero hindi nagsalita.
"Just call me when you need me Zoey. Hindi man kita mapakilala sa public, alam mong nandito ako para sayo." He kissed her head and slightly hugged her. Natikom ko ang mga kamao ko.
"Lagi kang mag-iingat. Lalo na sa mga volunteer works mo." She told him. She cared for him...
He smiled at her.
Hindi ko na nadinig ang sinabi ni Trevor at kung ano ang sinagot ni Zoey. She rested her head on his shoulder. Nagdidilim ang paningin ko sa nakikita ko. Hindi ko gusto ng away... sawang sawa na akong makita sila kaya aalis na lang ako.
Tumalikod ako at nagmamadaling umalis. Tinawag ako ni Cailee pero hindi ko sila pinansin. Sumakay ako ng kotse at lumabas ng Country Club...
I heard my phone ringing... It's Allison. I don't want their shit today so I off my phone and tossed it on the passenger side.
Tangina... I am willing to marry her... I am picturing a life with her... only her. And she's with TREVOR!!!!
"Damn you!!!" Hinampas ko ang manibela ko sa galit. Babalik ako sa Makati. Ayaw kong makita si Zoey. She will just lie to me...
A tear fell on my cheek. I dried it angrily and continue to drive on over speeding.
How pathetic my fate. And guess what, people, my karma just knocked at my door. Ako na ngayon ang niloloko.
Putang-ina... Nagsusumigaw ang utak ko sa galit.
Pagdating ko sa condo, tinaggal ko ang connection ng landline at kinuha ang pinakamahal na alak sa bar. Naupo ako sa sala saka tinungga ang bote.
I never feel so alone in my life until now. The betrayal... it's too much. Hindi ko maintindihan bakit kailangan itago ni Zoey ang relasyon nila ni Trevor!! Of all people, si Zoey ang hindi mo aakalaing manloloko.
I hate this feeling... The anger that consumes me... The bitter taste of my own medicine. Karma is a bitch... A fucking bitch.
Hindi ako nasiyahan sa isang bote ng brandy, binuksan ko pa ang isa... at isa pa... Nilunod ko ang sarili ko sa alak hanggang sa hindi ko na alam ang nangyayari... hanggang sa makatulog ako sa sahig. Hanggang sa hindi ko na alam kung nasaan ako.
Kinabukasan, sinimulan ko ang umaga sa isang bote ng alak... hindi ko alam kung anong oras akong natapos uminom... Nagising akong alak pa rin ang hinahanap ko.
Anong araw na? Ilang araw na ako dito? Pwede naman palang mabuhay na alak lang ang hawak...
Napangiti ako ng mapait ng maalala ko si Zoey... Kung paano hawakan ni Trevor ang kamay niya. Kung paano siya ngumiti, yumakap kay Trevor...
Nagsimula na naman mabuhay ang galit. Ang galit na parang pinipiga ang kaluluwa ko... Tumayo ako at kumuha ulit ng alak... The hell with my collection. Uubusin ko kayong lahat.
Halos hindi ko makilala ang sarili ko ng mapadaan ako sa salamin. Pula ang mata, magulo ang buhok. May tumutubong balbas at bigote at mukhang mabaho na ako. Mukha na akong taong grasa...
Bumalik ako sa kinauupuan ko sa sahig at simulant ang bagong bukas na alak.
Susunugin ko ang atay ko makalimutan ko lang si Zoey.
-------------
A/N
Selos to the highest level si Rome.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top