Prologue: Zodiac University

--- SKY'S POV ---

5 Years ago..

"Good luck on your journey Zodiac Circle," wika ni sir Polaris.

Nasa loob kami ngayon ng Zodiac Shrine para sa pagpupulong ng aming pinakaimportanteng misyon.

At ang misyon namin ay..

Bawat elemento ay may inaatasang bahagi ng bansa upang kanilang protektahan at pangalagaan. Earth sa hilaga, Fire sa timog, Air sa Silangan, at Water sa Kanluran. We will be deployed for 5 years and after 5 years, we will come back here in Zodiac University for our mission report, and as well as for our graduation.

Nagsilabasan na ang mga kasamahan namin at naiwan kaming tatlo ni sir Polaris at miss Lydia sa Shrine.

"Sky, are you alright?" biglang tanong ni sir Polaris.

"Po?" tugon ko.

"Dahil sobrang tamlay ng mga mata mo," aniya.

"Ah, kasi po hindi lang talaga ako makatulog nitong mga nakaraang gabi, pinapraktis ko po kasi ang sarili kong magbasa ng mga libro," tugon ko.

"Ah ganun ba?" sir Polaris.

"Opo," ako.

"Sky, napagpasyahan namin na i-assign ka sa sentro ng ating bansa," miss Lydia.

"Sentro po?" aniyo.

"Sa Mongkugo, ang lokasyon ng sentro ng apat na elemento," sir Polaris.

"B-but hindi po alam nina Kim, Blu at Cyrus na hindi na ako makakasama sa kanila, okay lang po ba iyon?" tanong ko.

Napabuntong hininga lang si sir Polaris. "Kanina pa sila umalis Sky, hindi mo na sila maaabutan pa."

"EHHH??" react ko. Bakit nila ako iniwan?

"I guarantee Sky na hindi mo pagsisisihan ang lugar ng Mongkugo," miss Lydia.

So I guess ako lang mag-isa sa journey ko as a Zodiac Circle for five years. Ang sad naman. Lels, I should be proud na ako lang ang mag-isang poprotekta sa mga tao ng Mongkugo. And besides, wala ng digmaang mangyayari.

Wala na..

Wala na..

After 5 Years..

I am back, Zodiac University.

Na miss ko lahat ng tao rito. At since wala na kaming dorm sa campus, naisipan kong manatili muna sa clinic ni miss Twinkle.

"Sky, how are you?" bungad ni miss.

"I'm still the same miss, ikaw?" tugon ko.

"Same. Wow Sky, mature na mature ka nang tingnan ah? Have you already met your friends? Nakita ko si Oe kanina," miss.

"Hindi pa po, bukas nalang po ako magpapakita sa kanila, I just want to sleep for a while," tugon ko.

"Anong bukas bukas! You dare to ditch us ha??!" biglang sigaw ni Cass sa akin nang bigla siyang lumitaw sa harap ko.

Tumawa naman si miss, "kayo talaga, ganoon pa rin kayo kakulit."

Agad akong inakbayan ni Cass, "miss Twinkle, dadalhin ko na po 'tong bagahe namin sa dorm namin."

"O sha! Sige," miss Twinkle, at ngumiti.

Nagteleport si Cass tungo sa isang kwarto na may siyam na higaan. Hindi siya gaanong kalaki ngunit sakto na ito para sa amin.

"Omg! Sky!"

Hindi pa nga ako nakapagbati sa kanila ay agad nila akong niyakap nang napakahigpit.

"G-guys! I can't breathe!" reklamo ko.

Isa-isa naman silang umatras sa akin. Aww I really missed them. Si Oe na sobrang taas na ng buhok ngayon at kinulayan niya ito ng dark brown, si Ara naman na mataas na rin ang buhok ngunit may cute na bangs pa rin siya, si Cass na mas lalong gumanda, at ang ibang girls na halatang-halata ang glow up.

"So what are we waiting for? Let's celebrate our reunion!" masiglang wika ni Anna.

"Pass muna ako, gusto kong matulog na muna," tugon ko.

"Ais, mamaya ka na matulog, sandali lang naman," ani ni Cass.

"Sorry guys, I'm not kidding, I'm really tired," tugon ko ulit.

Inilapat ni Oe ang likod ng kamay niya sa noo ko. "Nilalagnat ka ba?"

"H-Hindi naman, medyo puyat lang talaga," ako.

"Dalhan nalang natin siya ng foods pagbalik," suhestiyon ni Carina.

"Sige," tugon ko at ngumiti.

Lumabas na sila at ako naman ay natulog.

DREAMING..

"Sky, Sky, may nakalimutan ka ba?"

"Sky, figure it out!"

Ang daming ko na namang naririnig na mga boses sa isipan ko, bakit ba nila ako ginugulo, ano ba ang nakalimutan ko?

I saw my friends crying in pain, and saw blood coming out from their mouth.

"Oe, Ara, Cass," wika ko.

"Figure it out before it's too late."

"Sky, the battle is not yet over."

Nararamdaman kong pinagpawisan na ako, I want to wake up pero hindi ko maibuka ang mga mata ko, I want to move pero naparalyze ang katawan ko. Somebody, please wake me up.

"SKY! SKY! ANONG PROBLEMA?" alog-alog sa akin ng isang babae.

At nagising ako sa aking masama na naman na panaginip.

Nakita kong si Oe pala ang gumising sa akin, mabuti naman.

"Sky? Bakit ka binabangungot? May problema ka ba?" tanong ni Oe sa akin.

Hindi ako nakasagot sa kaniya. It's been a month since naging ganito ako. Hindi ako makatulog dahil parati nalang akong binabangungot.

"Sky, look at me, ako 'to, si Oe, you can talk to me," aniya.

"Masamang panaginip lang," tugon ko.

"30 minutes ka pa lang naming iniwan pero binabangungot ka na, since when ka na ba nagkakaganito?" Oe.

"A month," ako.

"Ano? Teyka, ito ba ang rason kung bakit ka pagod na pagod? Dahil hindi ka makatulog nang maayos?" Oe.

Huminahon na ako.

"Baka may anxiety attack ka kaya ka nag sleeping paralysis, may kinakatakutan ka ba ngayon Sky?" Oe.

Napatingin ako sa kaniya. Anxiety attack?

Siguro nga.

Hindi ko alam.

"May dala akong meal para sa iyo, kumain ka muna, at huwag kang matulog kapag ikaw lang mag-isa," Oe.

Tumango ako.

"Oo nga pala, ipinasa mo na ba ang mission report mo sa principal's office?" Oe.

"Oo, kanina," ako.

"Good, kasi bukas may organization event tayo, kailangan mo talagang matulog ngayon kaya sabihin mo nalang sa akin kung matutulog ka na para sabay na tayo," Oe.

"Sige," malumanay kong sagot.

"Sky, the battle is not yet over."

Napaisip ako sa mga naririnig ko sa panaginip ko. Hindi ko talaga maintindihan.

Ewan.

××××××

Zodiac University :
Travel Back in Time

© Axinng 2021

Please do not forget to vote for this chapter and follow me. See you on next chapter.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top