Chapter 7

--- OE'S POV ---

Bumukas ang malaking gate ng bahay para makapasok kami. Pumarada na si Third sa parking area ng property ng mga Nunez at ganoon din ang doctor.

Inalalayan na ni Third si Sky at tamang-tama naman ang pagsalubong sa amin ng isang magandang matanda sa entrance ng bahay nila.

"Sky!" bungad niya na may halong pag-aalala.

"Magandang gabi po, mga kaibigan po kami ni Sky," bati ko.

"Alam ko Oe, pasok kayo," aniya.

Ha? Kilala niya kami?

"May dinala na rin po kaming doctor para kay Sky," ani naman ni Cass.

"Tara, doon tayo sa kwarto ni Sky," Lola.

Namangha ako sa sobrang laki ng bahay ng mga Nunez, sanay na ako sa amin pero grabe sobrang laki rito.

Pagpasok namin sa kwarto ni Sky ay namangha kami sa daming large size portraits ni Sky sa buong kwarto. Ibig sabihin kaya ay nagkaroon ng magandang ala-ala si Sky sa kaniyang limang taon na pamamalagi rito sa Mongkugo?

"Bakit ang putla ni Sky?" tanong ng lola niya.

"Hindi rin po talaga namin alam, hindi ko po kasi nakita lahat ng nangyari kanina," tugon ko.

Ini-arrange na ng doctor lahat ng medical equipments para kay Sky, at palagi niya rin minomonitor ang puso nito.

"Doc, ano ng kalagayan ng apo ko?" tanong ng lola ni Sky sa doctor.

Bumulong naman sa akin si Cass. "Kinakabahan talaga ako sa doctor eh, pero mukhang okay naman ang lola ni Sky sa kaniya kaya hindi na dapat ako mag-aalala."

Tiningnan ko rin si Third na halos nag-abot na ang kilay sa kakatingin sa doctor, at kanina pa siya nakacross-arms.

"Pahina nang pahina ang lungs niya, kailangan nating makahanap ng epektibong paraan para mawala sa kaniya ang virus," ani ng doctor.

"What? Did you just say virus?" Cass.

Biglang sinunggaban ni Third ang doctor na ngayo'y nakahawak sa coat nito at sinamaan ng tingin.

"Ayusin mo ang trabaho mo, huwag kang gumawa ng kwento," galit na sambit ni Third.

"Sabi ko nga diba? She inhaled that virus through a smoke, a black smoke that can turn a person's mind into paranoia, wala pang gamot sa ganoong virus sa mundo," tugon ng doctor at itinulak si Third palayo.

"Y-you mean--," Cass.

"I will explain it using your terms para maintindihan ninyo nang maayos. May nalanghap na itim na usok ang pasyente, isa itong usok na papatay sa internal organs ng isang magic user, at kapag tuluyan nang mamamatay ang lamang-loob ng tao ay iyon na ang pagkakataon na magiging masama siya, wala na siyang ibang hahanapin kundi ang kadiliman hanggang sa --mababawian na siya ng buhay," doctor.

"Wait? Who the hell are you and how did you know about us?" Cass.

"Let's just say na ako ang kailangan ng pasyente ngayon, at may kilala rin akong makakapagbigay ng sagot sa mga katanungan ninyo," doctor.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Ako.

"Katanungan sa kung anong paraan ang makapagpagaling sa pasyente, kilala ko ang makakasagot sa katanungang iyan," doctor.

Napatingin ako kay Sky na natutulog sa higaan niya.

"Now, please excuse me for a while, tatawagan ko lang ang taong iyon," lumabas ang doctor sa kwarto ni Sky.

"She's so creepy, what the heck," Cass.

Pareho na kaming tatlo na nakaupo sa sofa sa kwarto ni Sky habang tinitingnan ang lola ni Sky na binabantayan ang apo niya.

"Itim na usok," wika ni Third.

May sumagi sa isipan ko.

Black hollow.

"Posible kaya?" ako.

"Ang alin?" Cass.

"Na buhay pa ang Dark Source kingdom?" Ako.

Cass gasped. "Oh no, narealize ko rin."

"Pero imposible, Dark Source ay matagal nang wala," ako.

"May napansin ba kayong kakaiba simula pagbalik natin sa Zodiac University?" tanong ni Third.

"No, everything seems normal," Cass.

"Wala rin akong napansin dahil sa sobrang pagkabusy ko sa mga gawain," Third.

"Ais, wala namang nangyari sa loob ng paaralan eh, at isa pa, sa labas ng paaralan nangyari ang insidente," ako.

"Naaawa talaga ako kay Sky, kung pwede lang sana tawagan si Miss Twinkle ngayon, ginamot na sana niya si Sky," Cass.

"Tandaan mo Cass na wala na tayong koneksyon sa Zodiac University ngayon," ako.

"Eh kung maghahanap tayo ng ibang healer sa mundo, baka magamot niya si Sky," Cass.

"Oo pero panandalian lang din naman, si Miss Twinkle kasi ang pinakamakapangyarihan na healer sa buong mundo," ako.

Natigil kami nang tumunog ang phone ni Cass. Si Ara pala ang tumawag.

"Guys! Kamusta na si Sky? Is she okay now?" tanong ni Ara.

Nag-video call na kami ngayon.

"Not yet, we are still figuring out how to help her," Cass.

"Ara, may kilala ka bang healer aside ni Miss Twinkle?" Ako.

"Healer? Nope! Those people are really rare to find," Ara.

Paano na iyan? Sky is getting worse.

"Guys, I am really sorry if wala ako riyan sa tabi ninyo," paumanhin ni Ara.

"It's okay Ara, just focus yourself on your family's company," ako.

"But I will really try my best to visit you all soonest kapag matapos na ang problema sa kompanya namin," Ara.

"Sure Ara," tugon ko at ngumiti.

"Bye for now," Ara.

Tapos nag end call na sila.

May pumasok na kasambahay na nagdala ng inumin at sinalubong ito ng lola ni Sky para siya na ang magbigay nito sa amin.

"Masaya ako't nagkita na tayong lahat, sa wakas," Lola.

"Magalak po kami lola," ako.

"Ikaw si Oe, ang best friend ng apo ko," sabay turo sa akin.

"Ikaw naman si Cassiopeia, ang inaadmire ng apo ko sa angkin mong talento sa disenyo, at siyempre ay matalik na kaibigan niya," Lola.

"T-talaga po? Inaadmire ako ni Sky?" Cass.

"Oo," malumanay na sagot niya. "At ikaw naman si Third, ang boyfriend ng apo ko."

"Opo lola," Third.

"I am so happy to meet you like this, in front of me," Lola.

"Kami rin po," Cass.

"Sky saved all of you, five years ago, kung hindi lang sana siya nagtagumay noon ay baka hindi na tayo magkikita ngayon," Lola.

Tumingin siya kay Sky.

"Dahil doon, marami ang nagbago sa kaniya, hindi na ganoon ka-active ang resistance ability niya gaya ng dati kaya siya tinablan ng usok," Lola.

"A-ano po bang ibig niyong sabihin?" Cass.

"She meant.. Sky traveled through time to save us all from the Dark Source, and because of it, she slowly losing her active ability which is the resistance ability," Third.

"W-what? Time travel? S-she can time travel?" Cass.

Makapagtime-travel si Sky?

"Madam, may bisita po kayo," ani ng kasambahay ng lola ni Sky.

Pagkatingin ko sa orasan ay pasado alas onse na ng gabi. Sino kaya ang bumisita sa kanila ng ganitong oras?

"Nagkita tayong muli, Aitana," wika ng kakapasok na si..

What?

PRINCIPAL EVANS?

"Wilma," bati ng lola ni Sky.

××××××

Zodiac University :
Travel Back in Time

© Axinng 2021

Please do not forget to vote for this chapter and follow me. See you on next chapter.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top