Chapter 6

--- OE'S POV ---

Nasa gitna na kami ng hi-way nang magising si Sky na nakahiga sa hita ko. Gamit ni Third ngayon ang sasakyan niya at siya na ang nagmamaneho. Si Cass naman ay katabi ni Third na nasa front seat, tapos kami ni Sky ay nasa back seat.

"Klyde..," wika ni Sky.

Bumangon siya't hinihimashimas ang ulo niya.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ko.

"Pakipatay ng aircon," sambit niya.

Nagtinginan kami ni Cass ngayon.

"Mas mabuti siguro kung dadalhin muna natin si Sky sa hospital, sobrang putla kasi niya," ani ni Cass na ngayo'y nag-aalala.

"Nasaan ba tayo?" ani ni Sky.

"Papunta na tayo sa lola mo, medyo traffic nga lang," sambit naman ni Third na pasilip-silip sa rear mirror para tingnan si Sky.

"Sabi ng patayin ang aircon eh!" biglang sigaw ni Sky kaya sobrang nagulat kami sa kaniya.

"Sky, huminahon ka, hindi naman pinaandar ang aircon," malumanay na sagot ni Cass.

Pinagpawisan siya kaya agad kong kinuha ang panyo ko sa bag para sana ipahid sa kaniya pero bigla siyang naglabas ng apoy sa kamay niya.

"Pwes! Gagawa ako ng init!" wika niya.

Agad ko itong nilabasan ng wind tick para patayin ang apoy na nasa kamay niya at hinawakan ko ito.

"Sky, ano bang nangyayari sa'yo?" aniyo. Pero nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang sobrang lamig na dumadaloy sa mga kamay ko. Talagang sobrang lamig.

"Sky, okay ka lang ba talaga? Bakit ang lamig mo? Para ka ng bangkay!" kompirma ko.

"L-Let's bring her to a hospital," Cass.

"Sa palagay ko, may malapit na hospital dito, pupunta tayo roon," ani ni Third at nagsearch ng location sa navigation system ng sasakyan niya.

"Cass, can you teleport us immediately there?" suhestiyon ko.

"No! Are you nuts? Nasa public area tayo ngayon, we cannot risk showing our powers to non-casters," Cass.

"Don't worry, hahanap tayo ng pribadong area," Third.

And when we got to a private lot ay agad na nagteleport ang sasakyan namin sa likod ng hospital na nilocate ni Third. Mabuti nalang at walang cctv camera sa paligid kaya dumiretso na kami sa parking area.

"C'mon Sky," bulong ko at inalalayan si Sky.

Pagpasok namin sa entrance ng hospital ay sobrang busy ng mga doctor at nurse, may banggaan kasi raw na nangyari sa hi-way. Kaya pala sobrang traffic kanina.

"Nurse! Nurse! Help us!" tawag ko sa nurse.

"Uh, y-yes po, u-um, maaari niyo po bang dalhin ang pasyente sa vacant bed, m-may aasikasuhin lang ako saglit," natatarantang tugon ng nurse sa amin, sobrang busy kasi talaga nila.

"Ipapa-upo na muna natin si Sky roon," ani ni Cass.

"Tatawag ako ng bakanteng doctor dito, hintay lang kayo," wika ni Third at umalis.

Tiningnan ko si Sky na sobrang pawis na pawis na pero ang lamig lamig ng kamay niya. Ano bang nangyayari sa kaniya? I also saw that weird hoodie guy pero hindi ko nakita kung anong ginawa niya kay Sky, I couldn't sense it's aura too.

Tapos bigla siyang naglaho kanina na parang bula.

"O-Oe, is it safe to let the doctors check on Sky? I mean, supernatural ang nangyari, and they will find out about Sky's ability or whatsoever," Cass.

"Huwag ka ngang negative Cass, remember na ikaw ang nagsuggest nito," sumbat ko.

"I know, nag-aalala lang kasi talaga ako kay Sky, hindi rin kasi natin alam ang exact location ng lola niya," Cass.

May lumapit sa amin na isang doctor at kasama si Third. Blonde ang buhok ng doctor at naka-face mask siya. May wavy side bangs din siya. Isang babae. At ang apilyedo na nasa coat niya ay Lim, Dr. Lim.

"Sobrang putla na niya, she's almost turning to purple, at---," bigla niyang dinampi ang kamay niya sa noo ni Sky. "Sobrang lamig niya, para siyang taong buhay pa ngunit mukhang patay na," sabi ng doctor.

Nagtinginan ulit kami ni Cass.

"Anong nangyari sa kaniya bago kayo nakarating dito? Bakit siya nagkakaganyan?" tanong ng doctor.

Kinakabahan kami. Wala rin akong maisip na rason para nito, eh kasi naman supernatural ang gumawa ni Sky nito eh. Paano kung sabihin namin sa doctor ang katotohanan tapos ipagkakalat niya ito sa buong mundo?

"Her lungs are getting weaker and weaker, she will die at this rate," doctor.

"H-Help her please," Cass.

Paano na ito? Hindi rin kasi namin makontak si Miss Twinkle sa Zodiac University para gamutin si Sky.

And I really think that Sky needs a supernatural medication.

"Get me out of here," sambit ni Sky tapos biglang nagbrown out saglit sa hospital.

"T-Third," tawag ko kay Third, senyas para alalayan si Sky at lalabas kami ng hospital, kinakabahan na rin ako na baka maglabas ng kapangyarihan si Sky rito nang wala sa lugar, hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko sa puntong ito.

"Um, aalis po muna kami doc," pamamaalam ko at sumunod na kina Third at Sky.

"She might have inhaled something weird in her nose that's why she's slowly getting paralyzed, am I correct?" sambit ng doctor kaya sabay kaming tumigil ni Cass at napatingin sa kaniya.

"Ano? Ulitin mo nga ang sinabi mo?" ako.

"She needs proper medication, and I am the only one who can do that, she needs me," dagdag niya.

Teyka, alam ba niya?

Pero, binabasa ko ang aura ng doctor ay wala naman siyang kakaiba sa sarili niya, isa lang siyang non-caster. Normal na tao kumbaga.

"How can we trust you?" Cass.

"Because I am the only one in this area who understands you all the most," tugon niya.

Dr. Lim.

Maaasahan ka ba talaga namin?

But we have no choice.

Sky needs a doctor too.

"Pero hindi natin gagawin ang panggagamot dito, may bahay ba ang pasyente? Doon ko siya gagamutin," dagdag niya.

"Y-yes," ako.

Napabuntong-hininga ako.

"Kung ganoon, wala na tayong dapat na aaksayahin na oras, pupunta na agad tayo roon, at dadalhin ko na rin ang mga gamit ko," Dr. Lim.

Tumango nalang kaming dalawa ni Cass at lumabas ng hospital, sumunod na sa amin ang doctor na nakasakay din ng kaniyang puting sasakyan.

Ilang oras ay natunton na rin namin ang malaking bahay ng mga Nunez. Sa wakas.

××××××

Zodiac University :
Travel Back in Time

© Axinng 2021

Please do not forget to vote for this chapter and follow me. See you on next chapter.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top