Chapter 5

--- SKY'S POV ---

DREAMING...

"Sky! Sky! Naaalala mo pa ba ako?"

Limang taon na ang lumipas.

"Aaaah! Tulong!" sigaw ng mga tao.

Pero bakit nandito pa rin ang delusyong ito, natatakot ako na baka darating ang araw na babalik ang lahat.

Dahil lang sa isang kamalian.

Kamalian na hindi ko namalayan.

"Sky! Sky! Ako ito."

Ilang taon na rin ang lumipas noong huli akong nakapag-usap ng mga taong namayapa na.

Mayroon akong kakayahang makipag-usap sa kanila...

Gino...

Karsten...

Mama...

Pero hindi ko ito kontrolado.

Isa itong passive ability.

'Psychic Medium Ability'

na kung saan magagamit ko ito sa pamamagitan ng panaginip.

"Sky, naaalala mo pa ba ako?"

May isang anino ng lalaki ang nakatayo sa harapan ko, hindi ko makita ang mukha niya. Sino siya?

"Ako ito."

He's familiar.

"Oh my? G-Gino?" sambit ko.

Agad siyang ngumiti sa akin.

"I came back to tell you something," aniya.

"Ano iyon?" ako.

"Bago ka nakapasok sa Zodiac University, ay wala kang ibang iniisip kundi ang protektahan ang sarili mo, at noong nakapasok ka na sa unibersidad ay natuto mong protektahan ang ibang tao, pero ngayon Sky, maaari mo bang matututunan na protektahan ang sarili mo at ang ibang tao?" Gino.

"Sarili ko at ibang tao?" ako.

"Gusto ko lang malaman mo na nagsisimula pa lang ang huling laban, Sky. Protektahan mo lahat. Huwag mong hahayaang maagaw ng kadiliman ang liwanag," Gino.

Hindi ako makasagot sa kaniya.

"Sky, mas malakas ang kalaban ninyo ngayon, kaya kailangan mong maging alerto," Gino.

"Gino, ---bumalik ka lang ba talaga rito para takutin ako ha?!" sigaw ko sa kaniya.

Tumawa siya. "Hahaha. Ohoy! Sky! Kamusta ka na??" Bigla niya akong inakbayan. Naging masigla ang mood niya ngayon.

"Ikaw talaga! Ilang taon ka nang hindi nagparamdam ha?!" reklamo ko.

"Ang hirap mo kayang ma-kontak! Pero at least ngayon ay alam mo nang mayroon kang ganitong ability," Gino.

"Oo nga eh, sobrang dami kong ability," ako.

"Alam mo bang may apat na lebel ang kapangyarihan?" Gino.

"Ha? Apat? Hindi ba tatlo lang iyon? Basic power, elemental power, at tsaka zodiac power?" ako.

"Nope nope, pang apat ay ang ultra power, ito ang pinaka-special power na mayroon ang isang tao," Gino.

"Wow naman, kahit na sa panaginip ay may natututunan pa rin ako sa'yo ha?" ako.

"Pero bihira lang ang mga taong nakakapag-activate ng kanilang ultra power, so alam mo ba ang ultra power mo?" Gino.

Ultra power ko?

Resistance ability?

Hindi naman yata, kasi nakukuha ko ang resistance ability sa Ophiuchus.

Psychic Medium Ability?

Hindi rin, kasi passive ability ito.

Ah alam ko na..

"Alam ko na kung ano, ---Time Travel," ako.

"Talaga?! At tsaka Sky, once ma master mo ang ultra power mo, iyon na ang daan para magiging Platinum ang rank mo," Gino.

"Ais, hindi ko na kailangan ng Platinum na rank no, at isa pa, gagraduate na kami sa susunod na linggo," ako.

"Ohh, edi congratulations!" Gino.

END OF DREAM...

Naputol ang panaginip ko nang nararamdaman kong nag-seizure si Klyde. Oo nga pala, natulog akong nakaupo sa tabi ni Klyde habang binabantayan ko siya sa clinic.

"Klyde! Klyde! Anong problema?" ako.

Natataranta na ako dahil bumubula na ang bibig ni Klyde.

Agad kong tinawag si miss Twinkle.

"Sky, ako na ang bahala," ani ni miss Twinkle at ginamitan si Klyde na mas malakas na healing power niya.

Ilang segundo ay huminahon siya at bumalik sa normal.

Napaiyak talaga ako habang pinapanood na naginginig si Klyde sa higaan niya.

"Sky, you may go to your practice now, you're late," ani ni miss Twinkle.

Pinunasan ko ang luha ko at nag bow kay miss. Pumunta na ako sa general hall.

"Hoy miss Ophiuchus! Bakit ka late?" Sita sa akin ni Vita.

Lutang akong nakatingin sa mga students na nakapila sa loob. Lahat ng mga kaibigan ko ay nakatingin sa akin, parang nagtataka rin pero ngumiti lang ako sa kanila.

"Oh, ginawan ka na ng sarili mong banner ha? Huwag ka ng magtampo!" Vita.

Pumunta na ako sa area ng Ophiuchus at ako lang mag-isa. Katabi kong pila ay Pisces na kung saan si Third ang nangunguna.

"Saan ka ba galing? Hindi ka raw sa dorm ninyo natulog?" Third.

"Ah, nasa clinic ako, binabantayan si Klyde, nilagnat kasi," tugon ko.

"Let's begin the practice and I hope everything goes well this time!" Vita.

GRADUATION DAY HAS ARRIVED.

Ilang araw na ang lumipas, malinis na ang konsensya ko para sa araw na ito. Okay naman daw si Klyde pero hindi ko na siya nakikita pa dahil busy ako sa practice at paghahanda sa ceremony.

Graduation day na namin.

Ito na talaga.

Nasa venue na kami ng graduation ceremony. Ang ganda ng araw ngayon, marami ring mga bisita ang dumalo. Mga parents ng mga estudyante ay nandito lalo na kina Oe, Ara at Cass.

Binibigyan sila ng mga rosas at nagyakapan.

Hindi na kami makakabalik pa sa Zodiac University pagkatapos nito. Totally good bye.

Pagkatapos nito ay magkawatak-watak na kami para ipagpatuloy ang aming sari-sariling buhay. Mamimiss ko sila.

Kinalaunan..

"Congratulations to all graduates!" Sir Polaris.

Nagsipuntahan na ang mga estudyante sa kanikanilang magulang. Ang saya nilang tingnan.

"Oh Sky? Hindi ba darating ang lola mo?" ani ni Cass.

"Hindi, sinabi ko kasi kay lola na huwag na siyang pumunta," tugon ko at ngumiti.

"Ah mom at dad, ipapakilala ko po sa inyo ang isa sa mga matatalik kong kaibigan, si Sky Nunez po," pagpapakilala ni Cass sa akin sa kaniyang mga magulang.

"Hello po," bati ko naman.

At pati na rin kay Ara. Si Oe? Kilala na ako ng pamilya niya haha.

"Sky! Congrats!" Bati sa akin ni miss Twinkle at binigyan ako ng isang bouquet ng mga bulaklak.

"Maraming salamat miss Twinkle!" tugon ko at yumakap sa kaniya.

Paglingon ko sa likod ay nakita ko si Cyrus na nakatingin sa akin kaya lumapit ako sa kaniya.

"Congrats Cy," bati ko at ngumiti. Ngiting pamamaalam.

"Congrats," bati rin niya at ngumiti.

Medyo nakaramdam ako ng awkward pero iniisip ko pa rin na naging matalik ko rin na kaibigan si Cyrus sa Zodiac University at hinding-hindi ko kakalimutan lahat ng ala-ala naming dalawa roon.

"Sky--," wika niya pero hindi na natuloy dahil tinawag ako ni Third.

"Sky, halika, ipapakilala kita nina mom at dad," wika ni Third at iniabot sa akin ang kamay niya. Sumama ako kay Third.

"Mom, dad, si Sky nga pala, girlfriend ko," pagpapakilala ni Third sa akin sa kaniyang mga magulang.

"Hello po," bati ko.

"Oh, so naging jowa mo talaga ang crush mo no?" sambit pa ng mom niya.

"Masaya kaming makita kang muli Sky," ani ng dad niya.

Oo nga pala, nagkita na kami dati sa Zodiac High.

"At masaya kami't pinasaya mo ang anak namin," ani ng mom niya.

Napakaganda sa pakiramdam na tanggap ka ng pamilya ng jowa mo.

"Oh sige, una na kami sa sasakyan anak ha, sumunod ka nalang kapag tapos na kayong magbabatian ng mga kaklase ninyo," ani ng mom niya at umalis sila.

"Hi Sky! Congrats! Congrats din sa'yo Third!" Bati ni Anna sa amin.

"Congrats guys!" Kim.

"Congrats guys!" Grus.

"Wohohoah! Congrats everyone!!" ani naman ng isa pang estudyante.

"Group hug!!!" sigaw naman ng isa pang estudyante.

Naging crowded na ngayon ang area namin dahil sa pagtutulakan nila at pagyayakapan kaya umatras na muna ako sa kanila para iwas sa siksikan.

Pero nabigla ako nang may nabangga ako sa likod ko kaya agad akong lumingon sa kaniya.

"P-Pasensya na po!" ani ko.

Isang taong nakasuot ng solid dark purple na loose dress at nakasuot ng dark purple hoodie na hindi ko naman makita ang mukha, ang nasa harapan ko ngayon. Magkasing tangkad lang kami nito. Kakaiba ang hitsura ng mga kamay niya at sobrang taas ng mga kuko na pininturahan ng kulay dark purple din. May dala rin siyang isang dark purple color na Rosas.

"Maligayang bati sa iyo Sky," wika niya ng pang matanda ang boses, boses babae ito.

Mas nanlaki ang mga mata ko nang inilapit niya ang Rosas sa ilong ko at bigla itong naging usok tapos nalanghap ko ito.

Biglang sumisikip ang lalamunan ko kaya ubo ako nang ubo. Hindi ako makatigil sa pag-ubo.

Tumawa nang napakalakas ang matandang babae sa harapan ko. Hindi ko pa rin makita ang mukha niya. At hindi pa rin ako makatigil sa pag-ubo.

Tawa lang siya nang tawa.

Ano ang nalanghap ko?

"Maghihintay kami sa iyong pagdating, aming mahal na Reyna," wika niya at biglang naglaho.

"Sky!!" Sigaw ng mga tao.

"Miss Twinkle! Miss Twinkle! Tulungan niyo po si Sky!" Sigaw nila.

Agad akong inalalayan ni Third.

"Anong problema Sky? Bakit ka nagkakaganito?" Third.

Hindi na ako makahinga sa sikip ng lalamunan ko.

"Sky!! Who was that black person??!" boses ni Cass.

"Hindi natin siya nadakip, bwesit!!"

"Bigla siyang naglaho!"

Pinagtitinginan ako ng mga estudyante.

"Miss Twinkle! Miss Twinkle! May report po galing sa paaralan, may nagsuicide daw pong estudyante ngayon," report ng isang staff.

"Ano?? Nagsuicide?? Sino?" Miss Twinkle.

"Si Klyde daw po," aniya.

H-ha?

"K-Klyde?--uho--uho," pinipilit kong magsalita pero tuluyan na akong naubusan ng hininga.

And everything went black...

××××××

Zodiac University :
Travel Back in Time

© Axinng 2021

Please do not forget to vote for this chapter and follow me. See you on next chapter.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top