Chapter 40
--- SKY'S POV ---
One month later.
"At ang mga nagbabagang balita sa oras na ito..."
Umupo na ako sa dining table para mag-almusal. Nakasuot ng pormal na damit, naka-black blazzer at black pencil skirt. I even do my hair today, medyo curl siya. At naglagay din ako ng kaunting make-up.
"You don't have to go to work today, you know," tutol ni lola. Nginitian ko lang siya at nagpatuloy sa pagkain.
"--isa na sa pinakamayamang international company ang ShriCott Corp. sa bansa na pinamunuan ni Mr. Christimatia."
Naging succesful na rin pala ang kuya ni Oe. Mabuti naman.
"Alis na po ako lola," pamamaalam ko kay lola.
Hindi ko na kayang magmokmok sa kwarto dahil wala nalang talaga akong ibang gagawin kundi ang umiyak nang umiyak. Kailangan ko ng distractions kasi hindi ako madaling makakamove-on.
Sa Kompanya.
Kompanya ko na nga pala.
Ipinamana na kasi sa akin ni lola ang kompanya ng mga Nunez kaya unang araw ko na ngayon as a newbie CEO.
"Magandang umaga po miss Sky, I'm Drill Megamillez, your secretary. Please allow me to escort you to your office," bati ng isang cute na chubby lady pagpasok ko sa entrance.
"Drill, ano nga pala ang recent activity na napagplanuhan ng kompanya?" tanong ko at sabay na kaming sumakay ng elevator.
"Since malapit na po ang Valentines, mga ilang weeks nalang po, we decided na iyon po ang ifofocus na muna namin since kaka-start pa lang po ng taon, it will be the most engrande valentines event ng kompanya in history, but depende niyo na po kung ano ang i-aapprove ninyo," sagot niya.
"Valentines is not bad," tugon ko.
"Okay po," Drill.
Pagpasok ko sa opisina ay sobrang daming papers ang nakapile sa ibabaw ng table, as in sobrang dami.
"Ano lahat iyan?" tanong ko kay Drill.
"Mga petition daw po ng mga empleyado na itutuloy po ang Valentines event," Drill.
Nantaas ang dalawa kong kilay, "petition? Bakit may ganoon?"
"Eh baka kasi raw ipopostpone ninyo ang event--," hindi niya itinuloy ang sasabihin niya dahil baka ma-offend ako.
"--Ahh, dahil nawalan ako ng minamahal? Haha--don't worry Drill, hindi ako bitter," napatawang sagot ko at umupo na.
Drill laughed nervously.
"What time is it? Is everyone, who signed the petition, already here?"
Tumango si Drill. "Opo."
"Make an emergency meeting right away," utos ko.
Kinalaunan, pumasok ako sa isang malaking conference room ng kompanya. Marami-rami ring mga empleyado ang dumalo sa emergency meeting kaya mas maganda.
"Thank you for attending everyone. I would just like to inform everyone that Valentines will never be postponed sa kompanya natin. The reason kung bakit ko kayo pinatawag dito ay dahil alam kong interesado kayo sa event. Gusto ko magbigay kayo isa-isa ng ideya kung paano natin maipaganda ang event na ito."
Nagsipalakpakan ang mga nakikinig at ang iba naman ay naghiyawan. Wasak man ang Valentines sa buhay ko, pero hindi ako papayag na masira ang Valentines ng iba.
Ilang linggo na ang lumipas, nafinalize na namin ang plano sa Valentines event. Napagkasunduan na namin ng mga board members kung anong magandang gagawin upang maging successful ang lahat.
Itinodo ko na rin ang effort ko.
"So, ang event natin ay mangyayari sa isang engradeng cruise ship tapos maraming mga elite companies ang dadalo sa araw na iyon, good opportunity na rin para sa ating kompanya," Drill.
"May I see the list of elite companies?" sabi ko.
Ibinigay sa akin ang documents ng listahan ng mga posibleng dadalo sa event namin. And all of those names are quite unfamiliar to me.
"What do you men by elite companies? Are these all?" tanong ko.
"O-opo, they're the prestigious companies in the country," Drill.
"Nah, these are below-elite companies," joke ko pa. "I need you to invite also the families of Christimatia, Guantejalla, Mita, Tarru, Marso, Kensan, Lewis, Mason, Juris, Collins, at Luan. Those people are the real elite ones."
"O-opo."
"And also, everyone should have a rest on that day, we will declare it as special non-working holiday, on February 14. Okay?"
"Eeehh?"
Kinagabihan.
Malapit nang mag-11 sa gabi ngunit babad pa rin ako sa pagtatrabaho.
"Drill, you can go home now," sabi ko kay Drill na kanina pa humihikab sa harap ko. Nadamay pa kasi siya sa pagiging workaholic ko. Well, hindi naman talaga ako workaholic, sadyang nagsasayang lang talaga ako ng oras dito.
"H-hindi po, tatapusin ko po ito," sagot niya.
"C'mon, it's okay. You can take your rest," insist ko.
"Are you going to be okay alone in here, miss Sky?"
Tumango lang ako.
Sa wakas ay napagdesisyonan ni Drill na umuwi na. At ako naman ay pumwesto sa gitna ng opisina para magmeditate.
Palagi kong sinusubukan na i-activate ang time travel ko pero simula noong insidente sa Dark Source Kingdom ay hindi ko na ito nagagamit pa. Bumabalik na ang resistance ability ko pero ang time travel ay hindi na.
A lot has already happened. From the moment I was born up to this day, maraming surprises ang dumating sa buhay ko.
Lumapit ako sa bintana ng opisina at nakatingin sa kagandahan ng city lights sa labas.
All I can think about are the smiling faces of my friends.
Why can't I use my time travel again?
I want to travel back in time.
To save them.
To protect them.
Pero hindi ko magawa.
Lola texted. "Huwag ka magpagabi nang husto, Sky."
Hays si lola talaga, itinuring pa rin akong teen ager.
Kinalaunan ay lumabas na ako ng building. Sinabi ko sa driver na hindi na muna ako magpapahatid ngayon kaya naglakad-lakad na muna ako sa kalye.
Malapit nang maghating-gabi pero marami-rami pang tao ngayon.
Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay may nakabangga akong babaeng nakasuot ng makapal na scarf at naka-brown jacket. Agad akong nagpaumanhin sa kaniya.
"Sorry," ani ko.
"Okay lang," sagot niya. Iyong boses niya. Familiar. Parang boses ni Ara.
Hindi ko masyado nakita ang mukha niya kasi agad siyang umalis pero napansin kong may bangs siya.
Namimiss ko lang talaga siguro sila na kahit saan ay naririnig ko ang boses nila.
××××××
Zodiac University :
Travel Back in Time
© Axinng 2021
Please do not forget to vote for this chapter and follow me. See you on next chapter.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top