Chapter 4
--- SKY'S POV ---
Ang dali naman ng oras. Lunes na.
"Hey girly girl! Okay na ba tulog mo these days?" bungad ni Oe sa akin. Kakagising ko lang kasi at napansin ko na ako nalang ang hindi pa bumangon.
"Yeah," tugon ko.
"Good, then my powers worked!" ani niya.
"Huh? Why? What did you do?" ako.
"Basta, just think of it na ginawan kita ng portable air bed," tugon niya at nag wink pa.
Napangiti niya ako.
Typical Oe.
"Osha! Magbihis ka na, kasi may practice tayo ngayon sa ating graduation ceremony," Oe.
Oo nga pala, lunes nga pala magsisimula ang graduation practice namin. So ito na talaga, this is the road of a new beginning. Graduation is here at last.
Sabay kaming nag breakfast, kaming Zodiac Circle. Katabi ko ngayon sina Third sa kanan at si Oe naman sa kaliwa. Nasa kabilang side naman si Cyrus na medyo tahimik sa aming grupo.
I still remember that night when he hugged me.
Naguguilty ako.
Is he still has affection for me?
Pero imposible naman, matagal na iyon eh, I think may ibang meaning ang hug na iyon. I want to know pero hindi ko kayang itanong sa kaniya.
"Hindi muna kami makakasali sa practice ngayon kasi may aasikasuhin kami," wika ni Third sa akin.
"Eh? Bakit? Anong kailangan ninyong gawin?" ako.
"Kaming mga boys ay inaatasang tingnan ang graduation area natin for next week, gusto kasi ni sir Polaris na magiging handa na ang lahat bago ang itinakdang araw," tugon ni Grus.
"Aalis kami ngayon at sa biyernes para icheck ang venue, bukas naman ay magsisimula nang magplano ang design committee," tugon din ni Crater.
"Oh, okay," ako.
Parang the old times lang talaga, na inaasahan sa mga gawain ang mga kaibigan ko.
"Ah by the way, later ay may pictorial tayong Zodiac Circle para sa Zodiacus Leaders Book," Crater.
Napataas ang kilay ko. "Meron bang ganun?" ako.
"Oo, hindi mo yata nakita ang librong iyon, nasa Safe Room iyon ng Library," Kim.
"Hmm, oh well, makikita ko na iyon mamaya," ako at tumawa.
Kinalaunan ay nasa General Hall na kami para sa unang practice namin. Marami ring mga diamond ranker ang nandito ngayon at halos lahat ay new faces.
"Okay everyone! Please fall in line according to your sign!" Announce ni Vita na nakatayo sa generall hall stage na naka-microphone.
Hindi ko akalaing uso rin pala rito ang microphone. Haha joke.
May mga banner ng zodiac signs na nakasabit sa itaas ng general hall at labingdalawa lang ito.
Nag-cross arm ako. "At bakit walang Ophiuchus, Vita?" reklamo ko pa.
Kasi nakapila na silang lahat at ako nalang ang naiwan sa likuran.
"Aba malay ko ba? Tanungin mo ang design team, baka ayaw ka nilang gumraduate, haha!" tukso naman ni Vita.
Hindi ko sinadyang maglabas ng kaunting kapangyarihan ko, biglang lumindol ang tinatayuan namin ngayon.
Agad na nag-teleport si Cass sa tabi ko. "Wo-ho-oah! Chill lang girl!"
"I didn't mean it," bulong ko.
Pinagtitinginan ako ngayon ng mga diamond rankers. Pero nakatayo pa rin akong naka-cross arm. Acting cool, hahaha.
"Aish! Pumila ka na nga lang kung saan mo gusto! Tutal kontrolado mo naman lahat ng elemento," Vita. Nag roll eyes pa siya sa akin.
Natatawa nalang talaga ako, hindi pa rin siya nagbago.
Sumali na lang ako kina Cass na grupo.
"Okay! We will start the practice now! Zodiac Circle, please stay in front of your line," Vita.
Magkatabi kami ni Cass sa harap ng Taurus line.
And the practice went well, I admit na magaling talaga si Vita sa ganito. Scorpio also has the potential to rule over the zodiac signs.
Pagkalipas ng ilang oras..
"Okay! That's it for our first day, medyo nagkagulo-gulo pa tayo but we will make this perfect next time," Vita.
Nagsilabasan na kami sa general hall tapos nagtungo sa library para sa pictorial ng Zodiac Circle. Kaming lahat ay pumasok sa Safe Room na kung saan inilagay ang Zodiacus Leaders Book na nakasilyado pa talaga at hindi basta-bastang nabubuksan ng kahit kanino.
Nakita ko ang makapal na librong iyon. Sobrang ancient ang estilo nito at ang cover ay gawa sa bakal.
Binuksan namin iyon gamit ang kapangyarihan ng Zodiac Circle. At namangha kami sa laman nito.
Mga litrato ng mga nakaraang Zodiac Circle ng Zodiac University.
At nagpapalit nga ng Circle every five years. Ibig sabihin ay pagkatapos naming gumraduate ay may panibagong Zodiac Circle na naman ang papangalanan. Ang galing!
"Oh tingnan niyo o! Si Principal Evans," ani ni Carina.
"Oo nga, ang ganda naman niya noong dalaga pa siya," tugon ni Blu.
"Wilma Evans, 1965-1970," Kim.
"Pati si Sir Polaris, 1975-1980," Carina.
Nakita ko rin ang litrato ni mama, Meggan Nunez, 1990-1995. So naging Zodiac Circle din pala si mama dati, ang galing naman.
"Dalawang Nunez, wow, pangatlo ka na Sky oh," Carina.
"Ha?" ako.
Nakita ko rin ang dalagang litrato ni Lola Aitana. Naging Zodiac Circle din siya kasabay ni Principal Evans. Does that mean na magkakilala sina lola at Principal Evans?
"Guys, tara na, maghanda na para sa pictorial," paalala ni Crater sa amin.
Una na akong kinunan ng litrato kaya lumabas muna ako sa studio. Naalala ko talaga dati noong unang pasok ko rito, si Crater ang kumuha ng ID picture ko, pero ngayon ay iba na ang in-charge. Definitely good bye na talaga Zodiac University, huhu.
Pumunta ako sa information area at namangha ako dahil hindi na ito maalikabok at wala na ring restriction sign. Isa-isa kong binuklat ang mga libro at natigil na naman ako sa picture nina Third at Karsten.
"Ang weird talaga tingnan, magkamukha talaga kami," ani ko.
"Nakakainggit naman, may picture kayo ni Third, pero pwede na rin namang picture ko rin kasi magkamukha naman tayo, pero naiinggit pa rin ako, ewan."
Hindi ko rin masabi kay Third na gusto kong magpapicture sa kaniya.
Lumabas ako ng library para mag-stroll pero bigla nalang akong hinila ni Klyde sa kung saan.
"Ate Sky, sana hindi ka na busy ngayon," wika niya.
Tinitigan ko siya. Parang may kakaiba sa kaniya ngayon. Sobrang laki ng eyebags niya at namumutla siya, pati buhok niya ay medyo buhaghag. Tapos nanginginig naman siya habang nakahawak sa akin.
"Klyde, ano ba iyon?" ako.
"A-ate Sky, hindi ko masabi sa iyo ang buong detalye kasi sobrang labo ng mga nakikita ko. Pero ate Sky, nananaginip ka ba ng hindi maganda noong mga nakaraang gabi?" Klyde.
Nanlaki ang mga mata ko. Bakit niya alam? Alam kong may ability na makakita ng future si Klyde pero hindi niya dapat makikita ang future o... nakaraan... ko.
Wait?
Nakaraan?
"Klyde, is your power developing? H-how can you see the past?" ako.
"Ate Sky, sagutin mo muna ang tanong ko," Klyde.
"Okay chill muna Klyde, huminahon ka. Oo Klyde, Oo," ako.
Napaisip siya at hindi mapakali.
"Klyde how did you glimpse mine? I have resistance ability," ako.
"H-hindi ko po alam kung paano, ako rin po ay nagtataka kung bakit ko nakita iyon, pero sana naman ate kung ano man iyon ay hindi mo sana balewalain," Klyde.
"Hindi kita naiintindihan Klyde, ano ba ang hindi ko dapat balewalain?" ako.
"H-hindi ako sigurado," Klyde.
"Klyde, bakit ka ba nanginginig? Anong problema?" ako.
"Ate Sky, huwag mo iyong balewalain, pero sana naman ay iwasan mo ito, iwasan mo ate," Klyde.
"A-ano bang ibig mong sabihin?" Pati ako ay nanginginig na rin.
"Hindi talaga ako sigurado ate kasi hindi ko gaanong malinaw na nakikita iyon," Klyde.
"D-Dark Source ba?" ako. I don't want to say it pero wala akong ibang maiisip.
"Ha? Dark Source?" Klyde.
Mas lalo siyang namumutla ngayon.
"Klyde! Klyde! Dadalhin kita sa clinic!" Insist ko.
"Tama ate, may dugo ka nga pala ng Dark Source," huling sambit niya bago siya nawalan ng malay.
××××××
Zodiac University :
Travel Back in Time
© Axinng 2021
Please do not forget to vote for this chapter and follow me. See you on next chapter.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top