Chapter 39
--- SKY'S POV ---
10 MINUTES AGO.
"Wala na tayong oras," Kim.
Napagkasunduan naming Zodiac Circle na gawin ulit ang pagkokonekta ng lahat ng Zodiac Powers para gawing Platinum si Third.
"Magsihanda na tayo," Blu.
Gumawa na naman sila ng bilog at ako ay nanatiling nakatingin kina Third at Cyrus. Si Karsten naman, wala lang siyang ginagawa sa kinatatayuan niya. Nakatingin din siya kay Cyrus.
"Sky, you have to connect us all," tawag ni Carina sa akin. Narinig ko siya pero nakatingin pa rin ako sa dalawang naglalaban.
"Sky!" Oe.
"Sky!" Ara.
"Sky! Connect us all!" Carina.
Nanlaki ang mga mata ko nang umaapoy na ang buong katawan ni Cyrus. Familiar sa akin ang technique na iyan. Isang technique ng fire elemental master na talagang masasabi kong pinakamalakas sa lahat ng uri ng kapangyarihan ng apoy. Ang hell-fire.
"Sky!" Oe.
Agad akong tumakbo tungo kay Third at tama nga ang hinala ko sa gagawin ni Cyrus. Inilabas niya ang hell-fire sa direksiyon ni Third.
"Third!!" Sigaw ko.
Agad ko itong hinarangan at gumawa ng shield barrier.
"Sky! Umalis ka diyan! Mapapahamak ka!" Sigaw ng nanghihinang si Third sa akin pero hindi ako nakinig sa kaniya. Hindi ko pa rin hahayaang mamamatay siya. Hindi ako papayag na iiwan niya ako sa mundong ito.
Biglang nag-crack ang shield barrier ko.
Pinipilit ko pa ring sanggain ang apoy ni Cyrus kahit na alam kong impossible itong mangyari lalo na sa lebel ng kapangyarihan ko ngayon.
"Sky! Umalis ka diyan!" Third.
"H-hindi, hindi kita iiwan, Third," sagot ko.
Pero hindi ko na makokontrol ang shield barrier.
"Sky!"
Pumikit na lamang ako nang nararamdaman kong nabasag ang shield barrier ko. Pero hindi tumama sa akin ang apoy. Pagmulat ko ay may ibang shield barrier ang pumoprotekta sa amin.
Shield barrier galing sa kapangyarihan ng Zodiac Circle.
Nagkakaisa ang Zodiac Circle para protektahan kami kaya inilagay ko na rin ang mga kamay ko sa shield at nilabasan din ng kapangyarihan.
"Cyrus! Itigil mo na ito! Nakalimutan mo na ba ang pinagdadaanan natin sa Zodiac University? Ako at ang mga kaibigan ko, kaibigan mo rin sila! Tandaan mo Cy!" Sigaw ko.
Sa pagkakaalam ko kasi, ang hirap na pahintuin ng hell-fire once mailabas ito. Total destruction talaga.
"Cyrus! Remember everything!" Sigaw ko.
Unti-unting lumapit ang Zodiac Circle sa paligid namin ni Third para mas lalong makokontrol ang shield barrier.
"Cyrus! Tumigil ka na!" Sigaw ko ulit.
Hindi ko makikita ang mukha ni Cyrus dahil sa kapal ng apoy na nasa harap ko ngayon.
Pero laki ng gulat ko nang biglang nag-crack ang shield barrier ng Zodiac Circle. At mas lumaki ang crack.
"Guys, lakasan niyo pa!" Sigaw ni Blu.
"Bakit ang lakas ni Cyrus?! Sobrang lakas niya!" Crater.
Mas lalong lumaki ang crack ng shield barrier.
"Sky," bulong ni Third sa likod ko. Bumangon na pala siya habang nakahawak sa tiyan niya. Namumutla siya at ang daming sugat sa mukha niya.
"T-Third, it'll going to be alright," sabi ko sa kaniya.
Hinawakan niya rin ang shield barrier at naglabas ng kapangyarihan.
Labing-dalawa na kaming sumangga sa apoy ni Cyrus gamit ang shield barrier pero parang hindi man lang humina ang kapangyarihan ni Cyrus.
Palaki nang palaki ang crack ng shield barrier.
"Sky," wika ni Third.
Tumingin ako sa kaniya.
"I love you," dugtong niya.
Agad akong napatingin sa kanang kamay niya na nasa gilid ko.
"W-what are you going to do, Third?!" tanong ko.
Bigla niya akong nilabasan ng energy bomb sa kamay niya kaya tumalsik ako sa gilid. Tumama ang ulo ko sa dingding kaya medyo malabo ang paningin ko ngayon.
"Third!!" Sigaw ko.
Nasira ang shield barrier at tumama sa kanilang lahat ang hell-fire ni Cyrus. Ang lakas ng pagsabog. Nasira ang lupa.
"Noooo!!!" Sigaw ko.
Nahulog rin si Cyrus mula sa pagkakalutang at kumalma na ang aura niya. Nakatingin siya ngayon sa mga katawan ng natamaan niya.
"What have I done?" wika ni Cyrus.
"Mom, Dad?" salita ng babae sa hindi kalayuan namin. Sabay kaming napatingin ni Cyrus.
"Manreel?" tugon ko.
Dahan-dahang lumapit si Manreel sa amin at unti-unting naglalaho. Para siyang nagiging abo na unti-unting tinatangay ng hangin.
"Mom, Dad," ulit niya. Napaluhod siya.
"Manreel, anong nangyayari sa'yo?" tanong ko.
Ngumiti siya habang pinunasan ang mga luha niya.
"Nagbago na ang takbo ng panahon, ibig sabihin ay nagbago na ang tadhana mo mom," sabi niya sa akin.
"Mom?" ako.
"Ibig sabihin ay hindi na ako mabubuo pa, wala nang saysay ang pagkakaroon ko sa mundo sa hinaharap," dugtong niya.
"M-Manreel, ano ba 'yang pinagsasabi mo?" kompirma ko.
Tumayo ako't lumapit sa kaniya.
"Galing ka sa future? Isa kang time-traveler?" tanong ko.
"Your fate has changed, --be happy --mom," nakangiti niyang sagot sa akin at tuluyan nang nawala.
"M-Manreel."
"Oe, Cass, Ara," banggit ng umiiyak na si Karsten. Napalingon ulit ako sa kanila. Inalalayan ni Karsten si Oe ngayon habang umiiyak.
"Third." Dali-dali ko ring pinuntahan si Third. Sobrang putla niya. Sumisikip ang dibdib kong pinagmasdan ang mukha ng taong mahal ko. Hinawakan ko ang kamay niya, sobrang lamig niya.
"S-Sky, I'm so sorry," wika ni Cyrus.
Niyakap ko si Third. Sobrang bigat niya. Sobrang lamig at hindi na gumagalaw. Hindi ko na nararamdaman ang aura niya at hindi na rin tumitibok ang puso niya.
"Tadhana, bakit? Bakit ganito? Bakit hindi pwedeng maging kami?" Hagulhol ko.
"C-Cyrus," wika ni Karsten.
Napatingin ako kay Cyrus. Nagiging itim na usok siya. Kagaya ng nangyari ni Manreel kanina, unti-unti siyang naglalaho.
"Cyrus, anong nangyayari sa'yo?" tanong ni Karsten.
"Karsten," wika ni Cyrus.
Sa panghuling pagkakataon, sa wakas ay binanggit ni Cyrus ang pangalan ni Karsten, naalala niya si Karsten. Si Karsten na walang ibang ginusto kundi ang mahalin siya.
Bago siya nawala ay binanggit niya ang katagang "salamat" kay Karsten.
Third, Oe, Cass, Ara, at lahat. Isinakripisyo ninyo ang buhay ninyo para sa amin.
Third. Ang pinakamamahal kong Third.
Bakit mo ako iniwan?
Ang sakit sa dibdib.
At ang huli mo pang sinabi sa akin ay "I love you", nihindi ko man lang nasabi ang nararamdaman ko. Nihindi man lang tayo nakapag-date sa labas after five years.
"ARRRRGHHHHH!!!" sigaw ko tapos may kakaibang energy wave ang lumalabas sa katawan ko dahilan upang mawasak ang kweba. Nakikita ko na ang mga kagandahan ng hapon. Maganda ang langit ngunit ang bigat sa pakiramdam.
"Bibigyan natin sila ng proper funeral," suhestiyon ni Karsten na namamaga ngayon ang mga mata sa kakaiyak habang nakatingin sa dati niyang mga kaibigan.
Pati sina Oe, Ara at Cass. Wala na sila. Ang sakit.
Ang sakit mawalan ng kaibigan.
Mahal na mahal ko sila. Sobrang sobra.
Ang sakit talaga.
"Sky, c-can you--forgive me?" hindi na maayos ang paglabas ng mga salita ni Karsten sa bibig niya dahil hindi pa rin siya huminto sa pag-iyak. "S-Sky, I'm so sorry. I'm so sooo sorryyy.. Please forgive me."
Niyakap ko siya. "Karsten, I forgive you."
"I didn't mean anything of this to happen." Humihikbi siya nang malakas at nararamdaman ko talaga ang sakit sa puso niya. Pareho kaming nawalan ng mga kaibigan at minamahal. "A-ang sakit, nakakabaliw ang sakit, Sky."
"I know Karsten, naiintindihan kita," sagot ko.
"T-They're gone, t-t-they're gone," Karsten.
Pumatak ulit ang mga luha ko. Lahat sila, lahat sila, ---wala na..
××××××
Zodiac University :
Travel Back in Time
© Axinng 2021
Please do not forget to vote for this chapter and follow me. See you on next chapter.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top