Chapter 37

--- SKY'S POV ---

Umalis ako para hanapin sina Cyrus at Third. Pero bago pa man ako makaalis ay sinigawan ako ni Karsten.

"Sky!! You took everything away from me! Cyrus is my everything!!" Sigaw niya.

Nagpatuloy ako sa pag-alis ngunit bumabagabag sa akin ang nararamdaman ni Karsten. She likes Cyrus, and there's nothing wrong with it, nagmahal lang siya and I definitely understand her.

Huminto na muna ako at dinamdam ang aura ng dalawa. Pero naghalu-halo ang enerhiya na nasa loob ng kaharian, hindi ko lubos mabasa kung kani-kaninong enerhiya ang nararamdaman ko.

"Mahal na Reyna! Okay lang po ba kayo?" Tawag sa akin ni Manreel. Dali-dali siyang lumapit sa akin at tinanong ang kalagayan ko. "Ang dami niyo pong sugat mahal na Reyna, hayaan niyo po akong gabayan kayo sa safety zone ng kaharian, doon po ay tiyak na walang makakatunton sa inyo na taga Zodiacus para saktan kayo."

Hinila niya ako at totoong dinala sa safety zone na sinabi niya. Isa itong silid na mukhang walang gumagalaw sa loob nito. Nginitian ko si Manreel at sinapak ang may batok niya kaya siya nawalan ng malay. Inayos ko ang katawan niya at mahimbing naman siyang natutulog.

Bigla na namang sumakit ang ulo ko. At pagtingin ko sa mga kamay ko ay umuusok na ito ng puting usok. Oo, kulay puti na usok. Anong nangyayari sa akin?

"M-Manreel, manatili ka rito hanggang sa magiging okay na ulit ang lahat. Pangako, ililigtas kita sa kamay ng Dark Source, at mamuhay bilang isang normal na teenager."

Umalis ako at ipinagpatuloy ang paghahanap nina Third at Cyrus. At sa wakas ay nahanap ko na sila. Nandito rin ang ibang Zodiac Circle na nakikipaglaban sa mga Dark Source. Pero nadurog ang puso ko nang makitang nanghihina si Third samantalang parang walang gasgas si Cyrus. Hindi niya kinaya si Cyrus mag-isa.

"Cyrus! Itigil mo na ito!" Sigaw ko.

Pero parang wala na sa katinuan si Cyrus. Hindi siya nakikinig. Mas lalo siyang kinain ng pagiging Dark Source niya. Hindi na niya kilala kung sino kami, o kung sino siya.

"Cyrus!!" Sigaw ko ulit.

"Manahimik ka!" Sagot niya at nilabasan ako ng napakalakas na energy bomb gamit lang ang kaniyang kaliwang kamay. Napasangga ako sa aking dalawang braso dahil sa sobrang lakas ng pagkakatama ko sa kapangyarihan niya.

"Sky! Okay ka lang?" Inalalayan ako ni Oe. Ang mga mata ko ay nakatingin pa rin sa naglalaban na sina Third at Cyrus.

"Platinum na si Cyrus kaya mahihirapan si Third sa kaniya," sabi ko.

"--we have to do something!" tugon ni Oe.

"Kailangan Platinum din ang kakalaban kay Cyrus," dugtong ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Oe.

Tiningnan ko si Oe. "K-kung mamaster ko ang time travel ability ko, I will become a Platinum."

Agad na umiling si Oe sa sinabi ko. "No, no, it's too risky."

"Oe, we have no choice," aniyo.

"Hindi Sky, we can't risk it," dugtong naman ni Carina nang lumapit sa amin. Kasama si Blu.

Serious mode na sila.

"Hindi mo ba alam Sky na sa tuwing gumagamit ka ng time travel ability ay mas lalong lalakas ang kampon ng Dark Source?"

Natigilan ako. Kaya pala bumalik ang Dark Source, dahil sa akin. Naiba ko ang kasaysayan.

"Pero posible na may gagawin tayong Platinum na warrior, si Third. Gagawin natin siyang Platinum gamit ang kapangyarihan ng Zodiac Circle," suhestiyon ni Blu. Agad akong napatingin kay Third at naalala ko ang sinabi ni Karsten sa akin na mamamatay sa kamay ni Cyrus si Third.

"P-paano natin gagawin iyon?" Tanong ko.

"We'll use our zodiac powers to form a powerful energy wave at itatransfer natin kay Third."

"But it won't be enough, kulang ng isang simbolo, ang Sagittarius."

"We'll manage it."

Tahimik kaming gumawa ng plano. Pero kinakabahan ako na baka mapansin ni Cyrus ang gagawin namin. Nag-aalala na rin ako para kay Third. Hold on my love, it will be okay again soon.

Bumalik kami sa venue ng seremonya, tinawag ang ibang Zodiac Circle at sa pagkakataong ito ay nilagyan namin ng barrier ang loob para walang Dark Source na makaka-istorbo sa gagawin namin. Kagaya ng Zodiac Circle Ritual, bumuo kaming lahat ng bilog at pinag-isa ang kapangyarihan namin. Isa-isa na ngayong lumabas ang mga guardian namin sa likod.

Gusto ko sana makita si guardian Ophiuchus pero sa panahong ito ay isa na lamang siyang kaluluwa at hindi ko siya makikita, mararamdaman ko lang siya. Walang kakayahang makakita ang Zodiac Circle sa kaniyang sariling guardian. Sad nu?

"Sky, sa gitna ka. You have to connect all of us," panuto ni Blu. Maliwanag na ang paligid dahil sa merging of power namin. At since ako ang Ophiuchus, ang bridge ng zodiac signs, I have to do a big responsibility.

"And when the time is right, dalhin mo sina Cyrus at Third rito," dugtong niya. Tumango lang ako sa kaniya at nagpatuloy sa plano namin. Mabuti nalang sumunod ang ibang warriors at wala nang satsat pa.

"In the name of the four elements, the water, the fire, the earth, and the air. I hereby summon the power of the ultimate." Lumakas ang hangin bigla at sumasabay ang buhok ko. Sobrang lakas na ng aura ng paligid, sigurado akong napansin na ni Cyrus ito.

Lumakas ang puting usok sa katawan ko. Napakagaan sa pakiramdam.

"Light Source," wika ni Ara.

"Light Source? Akala ko ba myth lang ang Light Source, so totoo nga pala talaga sila," tugon ni Anna.

"Kung may Dark Source, edi may Light Source din," Vita.

Nararamdaman ko ngayon ang kapangyarihan na bumabalot sa buong katawan ko. Umiilaw ng dilaw ang mga mata ko. At nararamdaman ko rin ngayon na papalapit sa amin si Cyrus.

"Sky, be ready," Blu.

Mas lalong lumakas ang kapangyarihan ng Zodiac Circle. Tamang timing lang ang hinihintay ko. Konting lapit pa Cyrus, I will definitely catch you.

"Sky, now!"

Agad akong nagteleport sa labas ng venue kung saan ko nararamdaman ang aura ni Cyrus. Umiilaw pa rin ng dilaw ang mga mata ko at ang mga kamay ko, palatandaan na nasa akin ang kapangyarihan ng Zodiac Circle, ang kailangan ko lang gawin ay mahawakan ang kamay ni Cyrus para makuha ang kapangyarihan niyang Sagittarius.

Pareho kaming nakalevitate sa ere. Hindi na ako nagdadalawang isip na lumapit kaagad sa kaniya.

Pero bago pa ako nakalapit ay humarang sa pagitan namin si Karsten.

"Karsten, anong ginagawa mo? Umalis ka," sabi ko sa kaniya. Sobrang lapit namin sa isa't-isa at malapit na rin sana ako kay Cyrus.

"Hindi ako papayag na makuha mo ang gusto mo," tugon niya.

Tinitigan niya ako at ginamitan ng psychokinesis. Mas malakas pa sa energy bomb ang psychokinesis ni Karsten kaya tumalsik ako at tumama ang katawan sa dingding. Ouch.

Kumupas ang kapangyarihan ng Zodiac Circle sa mga kamay ko. Nawala na ito.

"Cyrus, okay ka lang ba?" Pag-aalalang tanong ni Karsten kay Cyrus.

Pero hindi siya pinansin nito.

Nakatingin lang sa akin si Cyrus na parang kami lang dalawa ang tao ngayon sa paligid.

"Sky, bakit mo ba ginagawa ito? Bakit ayaw mo sa akin? Ano bang pinagkaiba namin ni Third?" Cyrus.

Nagteleport ngayon sa harap ko ang Zodiac Circle.

"Karsten?!" gulat na react ni Ara.

"W-wh-what the heck!?" Cass.

Nanlaki ang mga mata ni Oe.

"Huh? Sino si Karsten?" Carina.

"Oh myy, kamukha siya ni Sky!" Turo ni Anna kay Karsten.

××××××

Zodiac University :
Travel Back in Time

© Axinng 2021

Please do not forget to vote for this chapter and follow me. See you on next chapter.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top