Chapter 35
--- SKY'S POV ---
"KARSTEN."
Napakunot ang noo ko habang pinagmasdan siyang napakatalim ng mga titig sa akin. Hindi ko man gugustuhin ay may mga bagay na lumalabas sa isipan ko, mga ala-ala na ayaw ko na sana pang maalala. At isa si Karsten sa mga iyon.
"Hindi ka pa rin karapat-dapat na magiging tagapamuno ng Dark Source," sumbat niya sa akin. Naluluha siya. Pero sa mga nakikita ko sa mga mata niya ay hindi selos ng posisyon ang nakikita ko ngunit selos ng pagmamahal. Anong ibig sabihin nito?
"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, Karsten!"
Lumapit siya sa akin at sinakal ako, wala akong lakas sa ngayon dahil nahihilo pa rin ako. Ginawa niya itong advantage upang maliitin ako.
"Bakit ikaw pa? Bakit ikaw pa? Bakit hindi nalang ako?!" Sigaw niya sa mukha ko. Tumutulo ang mga luha niya habang sinasabi iyon at mas lalong sinakal ako.
"P-paano ka nabuhay Karsten? Sigurado akong nakita kitang wala nang buhay, sinaksak mo ang sarili mo," sagot ko. Hindi siya sumagot sa akin kaya nabaling ang atensyon ko sa umiilaw na simbolo niya sa kaniyang braso, kaliwang braso.
"Doppleganger..," sabi niya. "Umiilaw ngayon ang batok mo, at umiilaw rin ang braso ko, palatandaan na may koneksyon tayo bilang dopplegangers."
Hinawakan ko ang simbolo niyang aries. At napapikit ako ng aking mata habang nakikita ko sa imahinasyon ang pinagdaanan ni Karsten.
Nakikita ko ngayon yung araw na nasa clinic siya, ginamot siya ni miss Twinkle, wala na ang sugat niya, ngunit hindi na ulit tumibok ang puso niya. Patay na siya sa mga oras na ito. Hindi sinabi nina miss Twinkle at sir Polaris kina Oe ang totoong nangyari. Nasa kabaong siya na parang natutulog lang talaga. Binigyan ng proper funeral si Karsten sa labas ng campus at tanging sina miss Twinkle at sir Polaris lang ang nandoon sa libing niya na taga Zodiac University.
Pagdaan ng ilang buwan. May isang binata ang dumalaw sa puntod niya. Si Cyrus.
Nararamdaman ko na may nakaraan sila. Si Karsten, may nararamdaman siya para kay Cyrus. Gusto niya si Cyrus. Umiibig siya kay Cyrus simula bata pa sila. Magkakilala na sila simula bata pa sila. Ngunit iba ang napupusuan ni Cyrus. At ako raw iyon.
Sa araw na dumalaw si Cyrus sa puntod ni Karsten, binuksan niya ang kabaong pagkatapos niya itong hukayin. Buto na ang nasa loob ng kabaong ngunit tiningnan pa rin ito ni Cyrus na parang buhay na buhay pa rin si Karsten.
Ginamitan ito ng mahika ni Cyrus.
Isang mahika na bihira lang magkakaroon ang isang Zodiac Warrior.
Ang Ressurection Ability.
Niressurect niya si Karsten at binigyan ng panibagong buhay. Alam na ni Cyrus na malapit na siya magiging hari ng Dark Source at kinakailangan niyang kilalanin ang babaeng itinakdang ikakasal sa kaniya. At parehong babaeng napupusuan niya.
Nasaktan si Karsten ngunit wala siyang magagawa.
"Papasok ako sa Zodiac University sa susunod na buwan at sa mga araw na iyon, darating na ang bride ko," wika ni Cyrus.
"Wala ka pa ring balak na bumalik sa kaharian no? Paano kung hahanapin ka ng hari dahil malapit na ang koronasyon mo?" Karsten.
"Hindi naman niya malalaman kung hindi mo sasabihin sa kaniya, gusto ko lang naman makilala ang babaeng itinakda para sa akin, mali ba ang kagustuhan ko?" Cyrus.
"H-hindi naman sa ganoon. Sige pero sasama ako sa'yo, Cyrus. Please," pagmamakaawa ni Karsten.
"Hindi pwede, dahil alam na ng lahat na pumanaw ka na, ayokong magkaroon ng idea ang taga Zodiacus sa kilos ng Dark Source. Manatili ka rito sa labas at gawin mo ang tungkulin mo," huling paalala ni Cyrus bago siya umalis.
Nandoon palagi si Karsten sa tabi niya ngunit binalewala lang siya sa ni Cyrus. Hindi siya nakita ni Cyrus.
--
"Ano?! Masaya ka ba na malaman ang buhay ko? Tch. Wala kang karapatang malaman lahat ng iyon," sabi niya.
"K-Karsten, s-si Cyrus, siya ang first love mo?" aniyo.
Itinulak niya ako. "Oo."
Mas lalo na akong nahihilo sa pagkakataong ito, lumalabas sa isipan ko si Third. Bumabagabag sa akin ang nararamdaman ko para kay Third. Ang hirap sabihin kung anong pakiramdam ito.
"Sino ka ba? Ganoon ka ba ka espesyal ha?! Sino ka ba para sundan ni Cyrus sa Zodiac University? Sino ka ba para itago niya ang totoong katauhan niya sa harap ng maraming tao? Sino ka ba para magbago si Cyrus para sa iyo? --si Cyrus sana ang pinakamakapangyarihan sa buong unibersidad at hindi si Third. Si Cyrus, isa na siyang Platinum ranker pero nanatili siyang bronze para sa'yo."
Naguguluhan ako ngayon.
"Kung wala akong karapatang maging masaya, pwes wala ka ring karapatang maging masaya, papatayin ko si Third sa harap mo mismo," huling sabi niya tapos umalis.
T-Third, n-nooo.
And everything went black.
Kinabukasan, bumangon ako sa malambot na kama. At sa puntong ito ay naalala ko na lahat, nakakaramdam na rin ako ng emosyon. Naaalala ko ang mga taong mahalaga sa buhay ko. At naaalala ko ang mga taong kailangan kong protektahan.
"Mahal na Reyna, magandang umaga po. Maghanda na po tayo para sa seremonya mamaya," bungad sa nakaupo sa tabi kong si Manreel. Oo, tama, naaalala ko na magkasing-edad lang sila ni Klyde. At kasing kulit siya ni Klyde.
Pero hindi muna ako gagawa ng hakbang ngayon, sasabay na muna ako sa kanila. Hindi pa rin ako papayag na magiging Dark Source si Cyrus, kilala ko siya, mabuti siyang tao.
Ibang-iba ang mga tingin ni Cyrus noong magkasama kami sa unibersidad at rito sa kaharian ng Dark Source. Masayahin si Cyrus sa unibersidad kaya hindi ako papayag na mawala ang mga ngiting iyon habang-buhay.
"You lead the way, Manreel," utos ko sa kaniya.
Kinalaunan, pagkatapos ng aking preparasyon, ginabayan na ako ni Manreel at ibang alalay sa venue ng ceremony. Nakita kong nakaupo sa trono si Cyrus, hinintay akong umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya.
"Mahal na Reyna, congratulations po." Bati ni Manreel. Hindi na ako lumingon sa kaniya at nagpatuloy sa paglalakad, umupo ako sa tabi ni Cyrus. Hindi pa rin ako makapaniwala na mangyayari ito.
Umuusok ang mga kamay ko ng kulay itim. Kahit na nagkamalay na ako ay hindi pa rin nawala sa akin ang pagiging Dark Source. Anak pa rin ako ng hari ng Dark Source.
"Sky, may magandang regalo ako sa'yo na tiyak na magugustuhan mo," wika ni Cyrus sa tabi ko. Wala akong reaksiyon sa kaniya at sumagot lang batay sa mga sinasabi niya.
"Ano iyon?" tugon ko.
Tumingin siya sa harap namin, doon ko lang namalayan ang puting parihaba na naka pintura sa sahig, bakante ito.
"Ang kapangyarihan ng Zodiac Circle," tugon niya kaya nanlaki ang mga mata ko. Napatingin ako sa kaniya at iniisip na sana mali ako. Mali ang iniisip ko.
Pero sa isang iglap ay isa-isang lumitaw sa harap namin, sa loob ng parihaba, ang labing-isang tao. Ang Zodiac Circle. Lahat ng miyembro ng Zodiac Circle na ka-batch namin.
"Sky," banggit ni Third nang makita ako.
××××××
Zodiac University :
Travel Back in Time
© Axinng 2021
Please do not forget to vote for this chapter and follow me. See you on next chapter.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top