Chapter 34
--- THIRD'S POV ---
Sky.
Where did you go?
"I can't sense her anymore," wika ni Oe na kanina pa hindi mapakali sa tabi namin ni Cassiopeia. Pero mas hindi ako mapakali ngayon. Nag-aalala na ako pero wala akong magawa para sa girlfriend ko. Hahanapin kita Sky, hintayin mo ako.
--
Flashback 5 days before graduation ceremony..
"Ganoon mo ba talaga kamahal ang babaeng iyon?" tanong ni Lexi sa akin. Bumalik siya pagkalipas ng limang taon. Ang huling pag-uusap namin ay noong araw na nilusob kami ng Dark Source sa araw ng graduation ceremony ng dating Zodiac Circle bago sa aming termino.
"Oo, mahal na mahal ko si Sky," sagot ko.
"Third, inuulit mo lang ang kasaysayan. Malaking kasalanan ang pagmamahalan ninyo ni Sky, kahit na binigyan kayo ni diyosa ng Ophiuchus ng kalayaang umibig ay hindi pa rin maitatanggi ang malaking sagabal sa pagitan ninyong dalawa. Darating ang araw na paghihiwalayin pa rin kayo ng tadhana."
Napakumot ako ng aking kamay sa sinabi niya. Hindi dapat ako agad maniniwala sa sinasabi ng ibang tao ngunit natatakot ako sa kaloob-looban ko na baka magkatotoo nga, na magkakahiwalay kami ni Sky balang-araw.
"Ngayon lang ako hihingi ng pabor sa iyo Lexi, sabihin mo sa akin kung ano ang maaari kong gawin upang maprotektahan ko si Sky, at ma protektahan ko ang relasyon naming dalawa."
Biglang tumulo ang kaniyang mga luha habang tinitigan ako sa mata.
"Magkamukha kayo ng taong mahal ko kaya kita minahal, Third. Pero sa pagdaan ng mga araw kung saan mas kinilala kita, magkaiba pala talaga kayo," tugon niya. Pinunasan niya ang mga luha niya't umalis sa harap ko. As expected, hindi niya ako tinulungan. Pero okay lang.
Huminto siya. "Wala kang gagawin."
Nagulat ako sa sinabi niya kaya hinarap ko siya. "Anong ibig mong sabihin?"
"Ito na ang panghuling affection ko sa'yo, Third. Dahil mahal kita, sasabihin ko sa'yo. Si Sky, isa siyang Dark Source, kumbaga ay isang Reyna ng Dark Source. Kung gusto mo siyang protektahan, wala kang gagawin sa kaniya. Sa halip, maghintay ka na si Sky na mismo ang lilinis sa pangalan ninyong dalawa. Si Sky, hinahawakan niya ang pinakamalaking responsibilidad bilang isang Zodiac Warrior. Intindihin mo na may kailangan din siyang gawin, may kailangan siyang gampanan." Nanatiling nakatalikod si Lexi sa akin habang sinasabi niya ang gusto niyang ipaalam sa akin.
"Third, kung mahal mo talaga siya, makakahintay ka. Kung may tiwala ka sa kaniya, makakahintay ka," dugtong niya.
End of flashback...
--
Bumalik ka sa akin, Sky.
Please bumalik ka sa akin.
..
--- SKY'S POV ---
Sa silid ng Hari ng Dark Source.
"Sky," ulit niya.
Tinitigan ko siya sa mata at parang ginugulo ang konsensya niya sa dalawang bagay. Isa ay ang kadiliman, at ang isa ay liwanag. Hindi siya sigurado sa daan na tatahakin niya. Napakadelikado para sa kaharian ko ang magkaroon ng Hari na kagaya niya.
"I believe your name is Cyrus, masaya akong makita kita ngayon."
Tumawa siya saglit.
"You lost your memories, I see."
Memories? Mukhang natatakot ako sa katagang iyan. Memories, ang magiging kahinaan sa isang tao. Hindi ako papayag na babalik ulit ang ala-ala ko.
"Maaari ba akong magsalita, mga pinuno ng Dark Source," bigay-galang ng isang matandang lalaki na may itim na uwak na nakapatong sa kaniyang balikat. Yumuko siya at hinintay na sasang-ayon kami sa kaniyang kahilingan.
"Ano iyon, Keezar," sagot ni Cyrus.
"Maghanda na po kayo para sa nalalapit na kasal ninyo, may tagasunod akong inutusan upang magbigay-alam sa mahal na Reyna tungkol sa responsibilidad niya sa kaharian natin," tugon niya at nanatili pa ring nakayuko sa harap namin.
"Kung gayon, dalhin mo siya rito, upang makapagsimula na kami," utos ko sa kaniya.
"Masusunod po, mahal na Reyna," tugon niya.
Kinalaunan ay isang batang dalaga ang lumapit sa akin. Naka-pula siya ng pang-itaas na sleeveless armor, at nakapalda na mukhang gawa sa bakal. Nakasuot rin siya ng pulang boots tapos may bakal siyang nakalagay sa ulo niya bilang head-protector.
"Ako po si Manreel, mahal na Reyna," yumuko siya.
"Inuutusan kita na sagutin lahat ng mga katanungan ko," ani ko. Tumango siya kaya nagsimula na kami. Dinala niya ako sa silid ko. At doon na ako nagsimulang magtanong sa kaniya ng mga bagay na gusto kong malaman.
"Kailan ang kasal?" Ako.
"Ang kasal ninyo po ng mahal na Hari ay mangyayari na bukas. Alam niyo po ba na matagal na po kayong hinintay ng mahal na Hari para lang sa kasal ninyo, mahal na Reyna?"
Medyo nagulat ako sa biglaang pagsasalita niyang impormal. Pero hindi ako nakaramdam ng galit sa kaniya, sa halip ay naaaliw pa akong pakinggan siya.
"Bakit ganoon?"
Ngumiti siya at mas lalong sumigla. "Eh kasi po, arranged na po kayo simula sanggol pa po kayo, na love at first sight po ang mahal na Hari sa inyo at sinusundan kayo kahit saan kayo magpunta, noong pumasok na po kayo sa Zodiac University ay naging masaya siya dahil magkaklase kayo tapos nagkakasundo po kayo. Muntik na nga po niyang makalimutan dati na isa siyang Dark Source, dahil po sa inyo. Masaya rin po ako dahil nagkakilala na po kayo without knowing po na ikakasal kayo balang araw, hehe."
Gusto ko siyang pagalitan dahil sa pananalita niya pero kumukurot ang puso ko habang tinitingnan ko siya.
Biglang may nagfa-flash sa isipan ko, isang figure ng batang babae na katulad ni Manreel. At nakikita kong ngumingiti siya sa akin sabay sabi ng "Ate Sky."
"Aray..," bigla akong napaluhod habang hinahawakan ang ulo ko.
"M-mahal na Reyna, okay lang po ba kayo?" inalalayan ako ni Manreel pero napahawak ako sa mga braso niya't tinitigan ko siya sa mata. May nagtitrigger sa isipan ko pero hindi ko alam kung sino.
"L-lalabas na muna ako, dito ka lang," utos ko sa kaniya.
"Masusunod po."
Agad akong umalis sa silid. Hindi ako makakapaglakad nang maayos dahil blur ang paningin ko, parang umiikot ang paningin ko. Hindi ko maintindihan.
Hindi ko namalayan kung nasaan na ako sa parte ng kaharian. May isang babaeng humarang sa daraanan ko. Isang babaeng naka-solid purple hood. Dahan-dahan niyang ibinaba ang hood niya at doon ko nakita ang mukha niyang kamukha ko. Ang naiba lang ay maikli ang buhok niya pero magkamukha talaga kami.
"Mahal na Reyna, maligayang pagdating," bati niya.
Naalala ko siya.
Naaalala ko ang mukha niya.
Siya si Karsten, ang doppleganger ko.
××××××
Zodiac University :
Travel Back in Time
© Axinng 2021
Please do not forget to vote for this chapter and follow me. See you on next chapter.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top