Chapter 33

Present day.

--- OE'S POV ---

"PWEDE BA PAKAWALAN NIYO NA KAMI?!" Pagpupumilit ni Lexi kay Principal Evans. Kalmado lang din si Fume na nakaupo sa loob ng bilog habang tinitingnan ang natutulog na si Sky.

Sina Third at Cass naman ay tahimik lang sa upuan nila. Katulad ng lola ni Sky na tahimik lang nakaupo sa gilid ni Sky, si Odette naman ay palagi niyang minomonitor si Sky.

"Again! Let us go!" Ulit ni Lexi.

"Shut up Lexi! Bakit ba ang ingay-ingay mo ha? Hindi mo ba naiintindihan kung bakit ka ngayon nasa loob ng bilog na iyan?" Napakunot na ang noo ko sa kaniya, eh kasi naman kanina pa siya sobrang ingay, parang sirang tape paulit-ulit.

"Tama. Hindi ko nga naiintindihan! Why the heck would you imprison us like this!" Umaattitude na siya ngayon, maldita talaga 'tong si Lexi. Tapos si Fume naman, kalmado lang na tumingin sa akin.

"You fucking did that to her!" Sigaw ko sa kanila sabay turo kay Sky.

"Huwaw! Excuse you! We don't have anything to do with that! Why are you all blaming us?!"

Nag-cross arm ako sa kaniya at nilapitan ko siya. "Plus you killed Klyde, does that make any sense?"

Pero tumawa siya. "That was a joke! We didn't kill Klyde for Pete's sake! Wala kang ibedensya sa sinasabi mo."

Tumayo na si Fume at binigyan pa kami ng bored na expression. "Tama na nga 'yan Lexi, sinasayang mo lang oras natin dito eh! Sinadya mo lang 'to para makasama mo si Third. Naaawa na talaga ako sa'yo."

Sinamaan ng tingin ni Lexi si Fume. "KJ!"

"Tara na nga!" Kinatok lang ni Fume ang shield barrier at agad itong nasira. Tapos nawala sila na parang bula, pati si Principal Evans ay nagulat sa nangyari.

"Paano nila nagawang--?"

Pero nabaling ang atensyon namin nang gumalaw sa higaan si Sky. Pagtingin namin ay gising na pala siya, bumangon siya, pero emotionless lang ang mukha niya at pula na ang mga mata. Parang hindi niya kami kilala.

Walang niisang magsalita sa amin, inobserbahanang muna namin si Sky. Pero nagsimula itong maglakad palabas.

"Apo!" tawag ng lola niya pero hindi niya ito pinansin.

"Isa na siyang Dark Source ngayon," Odette.

Nararamdaman ko nga na sobrang lakas ng aura ni Sky ngayon. Pero isa na siyang Dark Source? No, it can't be.

Sinubukang tumakas ni Sky sa kwarto niya, magteteleport na sana siya pero nararamdaman naming parang nasa loob kami ng isang bubble, isang bubble na walang labasan. Mukhang sinadya ito para hindi makaalis si Sky.

Pero natunton ni Sky ang source ng kapangyarihan, agad niya itong nilingon, tiningnan niya ang lola niya, emotionless. Kahit nasa malayo siya ay umaksyon siyang sinakal niya ang lola niya, at ang lola niya ay biglang dumikit sa dingding, mukhang gumamit siya ng telekinesis nito.

"Don't ever think about it," sabi ni Sky na parang hindi niya lola ang sinakal niya.

Biglang nawala si Sky sa kinatatayuan niya. At hindi ko rin mararamdaman ang aura niya. Nasaan siya ngayon?

--- SKY'S POV ---

Wala akong nararamdaman.

Ang linis ng konsensya ko.

Sa isang iglap ay nasa isang kweba na ako. May tumawag sa presensya ko. Sino naman?

Sobrang dilim ng paligid, pero ang dilim na ito ay naging comfort ko. Mas gusto ko sa dilim ngayon.

Sinundan ko lang ang nagiisang daanan sa kweba, may nakita akong ilaw ng mga kandila sa dulo, mukhang kaloob-looban na ito ng kweba. Pagkarating ko sa dulo, may sumundo sa akin na mga naka-itim na hood. Yumuko sila sa akin na parang nagbibigay galang sa pagdating ko.

"Mahal na Reyna, naghihintay sa iyo ang bagong Hari ng Dark Source Kingdom," sabi ng isa na hindi ko naman nakikita ang mukha.

Pero hindi muna ako sumang-ayon na susunod sa kanila. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nandito, wala akong matandaan sa nakaraan ko. Hindi ko alam kung sino ako.

"Sino ang kusang tumawag sa akin dito? Sabihin ninyo sa akin," tanong ko.

"Marahil ay naninibago pa kayo sa mundo natin mahal na Reyna, ngunit sarili niyo po ang nagtunton sa kaharian natin, itinakda kang maging tagapamahala sa Dark Source at itinakdang maikasal sa Hari sa lalong madaling panahon," sagot niya.

"Anong ibig mong sabihin na itinakda akong ikasal?" kompirma ko.

"Simula sanggol pa kayo ay isinaad na ni Haring Alioth na ikakasal ka sa pinakamalakas na Dark Source warrior. Maaari niyo po siyang puntahan upang magkausap kayo," sagot niya. Naiintindihan ko ang sinabi niya, mukhang arranged marriage ang nangyari sa taong hindi ko kilala, kung sino man ang hari na ito ay handa akong makita siya.

"Dalhin ninyo ako sa kaniya," utos ko sa kanila.

"Opo," galang nila sa akin.

Nagsimula na silang maglakad. Dumaan kami sa isang makitid na tulay tungo sa mukhang entrance ng kaharian. Kung iisipin ko ang salitang Dark Source, parang kumukurot ang damdamin ko na hindi ko maintindihan. May bagay ba ako na kailangan maalala?

Huminto sila sa gate tapos tumingin sa akin iyong isa sa kanila.

"Mahal na Reyna, inihanda po namin ang iyong mga kagamitan bago tayo papasok sa bago ninyong tahanan," sabi niya. Lumapit sa amin ang mga kawal at may inilapag sa sahig na malaking kahon. Binuksan nila ito at ang laman ay isang maitim na dress at isang maitim at matinik na korona. Nababalutan ito ng maitim na usok na siyang dahilan upang magiging sabik akong suotin ito.

"Sige," sagot ko at ginamitan ng mahika ang damit. Sa isang iglap ay nasuot ko na ito pati na ang korona.

Binuksan nila ang gate kaya nauna na akong pumasok. Nararamdaman ko ang lakas ng kadiliman sa paligid. Kung ito man ang kapangyarihan ng Dark Source ay nananabik na ako.

Inihatid na nila ako sa sinasabi nilang hari. Malaki rin ang kaharian kaya medyo natagalan kami sa pagdating sa silid nito. Huminto kami sa isang kakaibang silid, ito lang ay may kakaibang disenyo ng pintuan, puno ng itim na ugat at mga diamante. Ito na siguro ang silid ng Hari.

Binuksan nila. At saktong lumingon sa akin ang isang maamong binata na nakasuot ng maitim na pang-itaas at baba, may korona rin ito at ang pula ng mga mata. Kakaiba ang aura niya.

Pero bakit parang kilala ko ang taong ito.

Habang tumatagal akong nakatitig sa mga mata niya ay parang naluluha ako. Pakiramdam ko ay hindi ko inaasahan ang presensya niya rito. Sino ba siya sa buhay ko?

"Sky," ngiti niyang sabi.

Lumapit ako sa kaniya at isinara naman ng mga alalay ang pintuan.

Walang ibang lumabas sa bibig ko kundi.. "Cyrus."

Binanggit ko ang pangalan niya na parang kilala ko na siya dati pa.

××××××

Zodiac University :
Travel Back in Time

© Axinng 2021

Please do not forget to vote for this chapter and follow me. See you on next chapter.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top