Chapter 32
--- SKY'S POV ---
Nagkamalay ako kaagad na nasa isang madilim na kagubatan at may sapa sa gilid ng tinatakbuhan ko, mukhang may tinatakasan ako. Pero bakit nag time travel na naman ako nang hindi bumalik sa orihinal kong katawan? Nasaan ba ako?
Teyka, pamilyar ito ah?
Dito ang healing river. Healing river na kinuhanan ko ng tubig para kay Third, iyong inatake ako ng isang Dark Source.
"Hindi ka na makakatakas sa akin."
Nyemas, oo nga, ito iyong gabi na muntik na akong mamatay. Pero bakit naman ako bumalik sa panahong ito? At sa wakas naman ay naglanding na ako sa mismong katawan ko, hindi na sa doppleganger ko.
Kumaripas pa rin ako ng takbo palayo sa kalaban ngunit bigla siyang sumulpot sa harap ko kaya agad akong napaatras at natumba, paatras ako nang paatras hanggang sa umabot na ako sa tubig ng healing river, basa na ang suot kong pants sa gabing ito.
At may nagflash sa isipan ko.
"Sky, tandaan mo kung bakit ka nandito."
"Sky, tandaan mo ang nakalimutan mo."
"Ito lang ang natatanging paraan upang iligtas ang iyong sarili."
"Sky, isipin mo."
"Sky, isipin mo kung bakit ka bumalik sa panahong ito."
Kahit anong imahe ang lumalabas sa isipan ko. Naalala ko nga na ito rin ang dahilan kung bakit ako nagkaroon ng lakas na lumaban sa Dark Source dati. Dahil sa healing river ay naalala ko kung sino ako.
"Sky, tandaan mo kung anong nangyari sa gabing ito."
"Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo, sumama ka na sa akin." Papalapit nang papalapit ang Dark Source sa akin pero nastuck pa rin ako sa tubig dahil iniisip ko pa kung anong dapat kong alalahanin.
Ngunit hindi ko pa rin binabaan ang dipensa ko, nang makalapit na siya ay hinampas ko siya ng bato na nakuha ko sa gilid at tumakbo na naman.
"Pagsisisihan mo ang ginawa mo!!" Biglang lumakas ang hangin sabayan ng kaniyang paglipad. Patungo na naman siya sa akin nang mabilis. Galit na siya ngayon at nararamdaman ko rin na lumalakas ang enerhiya niya.
"Flame wreck!!" Naglabas siya ng napakainit na apoy mula sa mga kamay niya, hindi ko ito na ilag dahil na distract ako sa biglang ingay di kalayuan sa area namin. T-teyka, ito ba ang ibig sabihin nito?
Oo tama. Naaalala ko na. Sa gabi ng healing river noong naglaban kami ng isang Dark Source ay may narinig akong mga tapak ng paa. May ibang tao na nagmamasid sa amin ngayon, nasaan siya?
Nagblur ang paningin ko nang saktong tumama sa akin ang flame wreck niya. Napasangga ako sa kamay ko sa lupa para hindi ako tuluyang madapa sa sakit ng pagkakatama ko sa kapangyarihan niya.
Argh nyemas! This won't do. Kailangan kong lumaban.
Naglabas ng mga flame blades ang Dark Source kaya nagkasugat-sugat ang katawan ko ngayon, napunit din ang damit ko.
Pero sa pagkakataong ito, nakikita kong umuusok ng itim ang mga kamay ko. Mukha itong black hollow. No way!!
Tapos sumasakit din ang ulo ko, pagkatingin ko sa tubig, nakikita ko ang repleksyon ko, kulay pula na ang mga mata ko. Nagpalit-palit ang kulay nito sa pula at dilaw. Naidala ko ba ang pagiging Dark Source? Napukaw ba ang Dark Source sa akin? Dahil katawan ko na ngayon ang ginagamit ko?
I feel angry.. raged.
I feel like I want to kill someone.
I want to kill that Dark Source.
Mas lalong lumakas ang hangin sa paligid namin dulot ng naglalakasang enerhiya ngayon sa katawan ko. Nakita ko pa rin ang kalaban na nakalutang sa harap ko. Nag-iinit ang katawan kong kalabanin siya.
"Aaarrggghhh!!" Kinontrol ko ang lupa sa ibaba ko. And then a bunch of sharp edges stones appeared around me na mas mataas pa sa akin, umabot din ito sa kaniya kaya natamaan siya.
"You will never have what you want you motherfucker!" Lumipad ako nang napakabilis tungo sa kaniya sabay labas ng sunod sunod na energy ball sa direksyon niya. Pero nakadepensa pa siya dahil nakagawa siya ng shield barrier, ngunit isa lamang mahina na shield barrier ang nagawa niya, ibig sabihin wala siyang kalaban-laban sa akin.
"Ganito pala ang kapangyarihan mo," tugon niya.
I healed myself. Hindi ko alam kung paano ko nagawa ito pero nagamot ko ang sarili ko. All my wounds are gone and my clothes are good as new.
"Hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo." Sinamaan ko siya ng tingin. Totoo naman na hindi niya kilala kung sino ako, isa akong Zodiac Liner, isang Zodiac Circle, at isang Ophiuchus. Sa lebel ng kapangyarihan niya ngayon ay kaya ko lang siyang pigain ng isang kamay. Nakakatawa naman, natakot pa ako dati sa isang kagaya niya.
"Kaya pala sobrang interesado ng kaharian namin sa iyo, lalong-lalo na ang hari."
"I don't care about your stupid kingdom!" For your information, patay na ang hari niyo sa panahon ko kaya huwag kang magmayabang diyan.
Pinapalutang ko ang mga bato sa paligid at itinuon ko ang direksyon sa kaniya at tumama naman ito nang sabay-sabay sa mukha niya. He is now bleeding.
"I am not done with you yet!" May gana pa akong atakihin siya. Parang kumakati ang mga kamay ko na patayin siya. Mukhang kumakalaban sa senses ko ang black hollow.
Lumipad ako ng mas mataas sa kaniya at naglabas ng umaapoy na kidlat. Mas pinalaki ko pa ito. Handa ko na sanang ituon sa kaniya pero gumawa na naman siya ng shield barrier.
"Hindi ka makakalapit sa akin!" sigaw niya.
I smirked. "Talaga?"
Nag teleport ako papasok sa kaniyang barrier at agad na ibinaling sa kaniya ang sobrang laki ng kidlat na ginawa ko kaya nakuryente siya.
I am having fun watching him die.
And then he fell down to the river pale and cold.
Pagkatingin ko sa baba ay may nakita akong babaeng nakatayo sa 'di kalayuan ko pero bago ko pa makita ang mukha niya ay nahihilo ako na parang naiipit ako sa isang dimension, puno ng kulay ang paningin ko. Doon ko nalang namalayan na nagawa kong lumabas sa katawan ko bilang isang kaluluwa, lumutang ako sa ere habang bumagsak naman ang katawan ko sa lupa. Buti nalang dumating si Principal Evans.
"Sky!!"
"Sky! Naku, itong batang 'to talaga."
Inalalayan ni Principal Evans ang katawan ko at dinala niya ito sa ligtas na area. Napansin ko naman na nagmimix color ang aura ko ngayon. Isa na akong kumukulay na kaluluwa.
Pero naalala ko ang babae.
Tama, ito nga iyong nakalimutan ko, dahil dito magsisimula ang puzzles na mangyayari sa hinaharap. Kaya hindi ko maiintindihan ang pangyayari dahil sa gabing ito, dahil ito ang sagot na hinahanap ko.
Agad kong sinundan ang babae. Nakasuot siya ng black dress, ay mali, hindi iyon black, kundi solid purple dress. Nakahoodie din siya ng solid purple. The same hoodie ng matandang babae na nagpalanghap sa akin ng black hollow.
Nararamdaman ko na naman na parang magtatime travel na naman ako, mukhang babalik na ako sa katawan ko.
No, not yet.
I need to see her face.
Marahan lang siyang naglalakad, nakatalikod siya sa akin. Nagfe-fade na ang sarili ko kaya kailangan kong magmadali.
Agad ko siyang nilagpasan at totoong nakita ko ang mukha niya.
Si Karsten.
Si Karsten ang nakita ko.
She's alive?
And everything went light.
××××××
Zodiac University :
Travel Back in Time
© Axinng 2021
Please do not forget to vote for this chapter and follow me. See you on next chapter.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top