Chapter 31

--- SKY'S POV ---

"Ano? Black hollow?" kompirma ko sa kaniya. Pinisil-pisil ko ang mga braso niya habang nasa gilid lang si guardian Ophiuchus. Paano naman natamaan ng black hollow si diyosa Hiyera? May pumasok ba na Dark Source sa silid namin?

Umiiyak siya ngayon habang sumusuka ng dugo, mukhang mas lumala pa siya nang lumala. Sa tingin ko rin ay mas malakas ang epekto ng black hollow sa panahong ito.

"Resistance ability." Naalala ko na isa rin siyang Ophiuchus kaya dapat may resistance ability siya. Kung gagamitin niya ito, hindi tuluyang sakupin ng black hollow ang dugo niya.

"H-hindi pa ako isang ganap na Ophiuchus," wika niya kaya nanlaki ang mga mata ko. Kinabahan ako sa sinabi niya, anong ibig niyang sabihin na hindi pa siya ganap na Ophiuchus? Magiging diyosa ba siya kung hindi siya ganun? Nyemas, nalilito na ako.

"Nakalimutan mo na ba?" dagdag niya.

Agad akong napatingin sa guardian ng Ophiuchus, tinawag ko siya. "Ophiuchus! Tulungan mo si diyosa! Resistance, gamitin mo ang resistance sa kaniya!"

Natataranta ang tono ng pananalita ko kaya nataranta rin ang guardian. Agad siyang pumatong sa higaan at sumanib sa katawan ni diyosa Hiyera. Pumuti ang mga mata ni diyosa at dahan-dahang kumalma. Mabuti naman.

Pero tumatak pa rin sa isipan ko ang sinabi niya na hindi pa siya isang ganap na Ophiuchus. Kung sa Zodiac University term lang iyon ay ibig sabihin hindi pa lumabas ang simbolo sa katawan niya at hindi pa siya Zodiac Liner.

Sabay kaming napatingin sa pintuan ng silid nang marinig naming may sumabog sa labas. Nagtinginan kami ni diyosa Hiyera na may ekspresyong napatanong kung anong meron sa labas.

Gusto ko ring tawagin ang atensyon ni Canopus...

Canopus!

Canopus!

Apprentice Canopus!

Pero hindi siya sumasagot, nagtatampo pa rin siguro siya sa nangyari kanina nina Alioth.

Naguguluhan na ako, hindi ko yata ma-gets ang pangyayari, bakit naman nag-iibigan sina Alioth at Canopus? Tapos masali sa usapang relasyon nila si Lexi?

"Canopus, maghintay ka muna rito, titingnan ko kung anong nangyayari sa labas." Hinawakan niya ang balikat ko tapos tumayo papuntang pintuan.

Lumabas na rin si guardian Ophiuchus sa katawan niya kaya nginitian ko ito bilang puri sa ginawa niya kay diyosa.

Tiningnan ko ulit si diyosa. "d-diyosa Hiyera," tawag ko sa kaniya. Lumingon siya sa akin bago siya makalabas at tinaas ang kilay niya.

"Mag-iingat ka," ngiting paalala ko. Tumango naman siya't nagpatuloy sa kaniyang pakay. Hindi naman nagtagal ay pumasok sa kwarto ko ang dalawang apprentice. Babae at lalaki. Humingi sila ng tulong sa akin.

"Tulungan mo ang diyosa namin, maawa ka."

"Bakit? Anong nangyari?" Agad akong pumasok sa silid ng tinututukoy nilang diyosa kasama si guardian Ophiuchus, at doon ko nasaksihan ang nanghihinang katawan nina Lexi at Fume.

"Ophiuchus," tawag ko sa guardian para gamitin niya ang resistance sa kanila pero umiiling siya. Eh kasi naman, na trauma na siya sa ginawang pambabastos sa kaniya ng mga taong 'to.

Hinawakan ko ang ulo niya. "Kailangan pa rin natin silang tulungan, kailangan nila tayo." Pati ang mga guardian ng Libra at Cancer ay nagmamakaawa kay Ophiuchus. Alam ko naman na masakit sa kaniya ang nangyari at naiintindihan ko iyon, hindi kami tanggap ng ibang simbolo ngunit heto ngayon, humihingi sila ng tulong sa amin.

Bigla akong nakaramdam ng emosyon, emosyon galing sa ibang tao. Nasasaktan siya, nararamdaman ko ito, at nung namukhaan ko ang aura niya, si diyosa Hiyera pala. Hindi na ako nagdadalawang-isip na puntahan siya.

"Ophiuchus, pagalingin mo sila ha," huling bilin ko at lumipad palabas ng silid. Pinuntahan ko si diyosa Hiyera, at nararamdaman ko rin ang aura ni Alioth malapit sa kaniya.

Nasa itaas pala sila ng Shrine na nakalutang. Naabutan kong sinakal ni Alioth si diyosa Hiyera. Tapos tiningnan pa ako nang masama ni Alioth. Umuusok ngayon ang buong katawan niya, kulay itim ito. Tama, hari pa rin siya ng Dark Source.

"Nagustuhan mo ba ang inialay ko sa'yo, Canopus?"

Gago yata 'to ah, sino bang babaeng matutuwa ng ganito? Aish, galit na ako dahil magkamukha pa sila ni Third. Pero ang bebe Third ko ay hindi niya magagawa ang ganito.

"Muntik ko ng patayin ang alaga mo, tch." Walang awa niyang inihagis ang katawan ni diyosa Hiyera sa sahig.

Agad kong nilapitan si diyosa at inalalayan, naluluha akong tingnan ang mga sugat sa mukha't katawan niya. "d-diyosa Hiyera, p-pasensya ka na kung nahuli ako ng dating."

Nanghihina siya pero nagawa pa rin niya akong tingnan sa aking mga mata. "Maaari mo ba akong tawagin ulit sa pangalan ko? Kahit huling beses na," bulong niya.

"Hiyera," aniyo.

Ngumiti naman siya dahil roon, hinawakan niya ang mukha ko't napatulo ang kaniyang mga luha. "Nakikita ko na magkakaroon ka ng mga magagandang susunod sa iyo, mga kamukha mo sila."

Kami ba ang tinutukoy niya? Ang mga descendant ni Canopus?

Wala akong masabi, pero sa pagkakataong ito ay hindi ko na makokontrol ang katawan ni Canopus, ibig sabihin nito ay si Canopus na ang kumokontrol nito.

"Hiyera, naging masaya ako't tinupad mo ang ipinangako mo sa akin. Magaling ka. Ikaw ang pinakapaborito ko sa lahat. Nang dahil sa'yo, naprotektahan natin ang Ophiuchus." Sabi ni Canopus kay diyosa Hiyera.

"Masaya ako bilang apprentice mo diyosa Canopus," huling sambit ni Hiyera bago niya ipinikit ang kaniyang mga mata.

P-pero. .

What??!

Ano daw sabi niya?

d-diyosa Canopus??!

S-si Canopus ang diyosa ng Ophiuchus??!

P-paano?

Tumayo si Canopus at handang sumalakay kay Alioth. Nararamdaman ko ang galit niya ngayon, galit siya dahil sa ginawa ni Alioth kay Hiyera. Agad siyang naglabas ng kakaibang energy wave sa paligid kaya sumakit bigla ang ulo ni Alioth habang nakalutang pa rin sa ere.

Ganito rin ang kapangyarihan na ginamit ni miss Friah dati sa digmaan ng Zodiac University at Dark Source.

"Tama na ang lahat ng ito Alioth! Nakalimutan mo na siguro kung sino ako," wika ni Canopus na ngayo'y puno na ng poot ang mga mata.

"Hiyera, hinding-hindi magwawalang-silbi ang sakripisyo na ginawa mo, maging manatili ka pa rin bilang si diyosa Hiyera sa puso't-isip ng mga bubuo ng Zodiacus sa hinaharap. Gagawin ko iyan para sa'yo," dinig kong bulong ni Canopus sa kaniyang isipan.

Kaya pala si Canopus, ay este diyosa Canopus ang magtatayo ng Zodiac University.

There must be a reason kung bakit nag switch ng places sina Canopus at Hiyera. Kaya sa pagdaan ng mga panahon, ang kinikilalang diyosa ay si Hiyera at apprentice naman si Canopus.

"Umalis ka na sa katawan ko Sky, laban namin ito, hindi ko gusto na madamay ka." Bigla siyang lumipad nang napakataas, mas mataas pa sa pwesto ni Alioth at naging puti ang ang kaniyang buong aura.

Doon ko na rin napansin na lumabas nga ako sa katawan niya bilang isang kaluluwa. Maliwanag ngayon ang paligid ni diyosa Canopus tapos pa itim nang paitim naman ang paningin ko.

"Nakalimutan mo na siguro kung sino ako Alioth! Ako si Canopus! Ang tagapamuno sa lahat ng simbolo ng mga bituin, ang liwanag at dilim, ako ay isang Ophiuchus!"

"Dahil sa kasakiman mo! Pinaparusahan ko ang lahat ng simbolo na hindi maaaring umibig sa hindi kaparehong elemento. Magdusa kayo," dugtong niya.

Gumawa ng shield barrier si Alioth. "Hindi mo ako kayang patayin, Canopus."

Pero ngumiti lang si Canopus nito. At naririnig ko pa rin ang isipan niya gamit ang telepathy. Sinabi niya, "hindi kita papatayin dahil kailangan pang mabuhay ni Sky, magiging anak mo ang tagapagligtas ng buong uniberso".

Ako?

Tagapagligtas?

Why me?

And everything went dark.

××××××

Zodiac University :
Travel Back in Time

© Axinng 2021

Please do not forget to vote for this chapter and follow me. See you on next chapter.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top