Chapter 30

--- SKY'S POV ---

Pinagbuksan kami ng tagabantay ng pintuan sa Zodiac Shrine, kagaya ng dati, ganoon pa rin ang pintuan nito, may live wallpaper na iba nga lang kaysa sa panahon namin.

Pagpasok namin ay ibang-iba sa expectation ko ang paligid. Sobrang liwanag at kulay ginto lahat, nakikita rin sa itaas ang kalangitan, walang bubong ang Zodiac Shrine sa panahong ito.

Tapos may malaking table naman sa gitna na kung saan kailangan magkatabi ang amo at ang apprentice.

May mga bakanteng upuan pa at halatang wala pa ang ibang namumuno rito.

"Okay Sky, ipapakilala ko sa iyo ang mga diyos at diyosa ng Zodiacus," Canopus.

Okay, noted.

"Iyong nasa pinakadulo ng mesa sa kabila, siya si Hertix, ang diyos ng Sagittarius. Katabi nito ay si Klit, ang diyosa ng Pisces. Sunod naman nito ay si Vyana, ang diyosa ng Aries. Sunod ay si Mnemo, ang diyosa ng Aquarius. Ang katabi natin ay si Ardin, ang diyos ng Taurus. Sa kabila ay si Mix, ang diyosa ng Virgo. Tapos si Zisco, ang diyos ng Leo. Tapos si Laven, ang diyos ng Capricorn, at yung bagong dating ay si Diara, ang diyosa ng Gemini."

Ang cool naman nilang tingnan.

Lalo na yung Aries, may bangs siya at kulay dilaw ang buhok niya.

Si Sagittarius naman ay napakaseryoso ng ekspresyon. Opposite sila ni Cyrus.

Tapos si Pisces naman ay sobrang ganda. Parang kalahi na talaga siguro nila ang pagiging maganda.

Sobrang puti naman ni Virgo, at ang ganda ng hugis ng mga mata niya.

Si Taurus naman, napakagwapo. Parang kapalaran na talaga nilang maging elegante. Hay nako.

Pero may tatlo pang wala sa silid.

"Sino bang nag-utos sa'yo na isara ang pinto ha?!" Biglang sigaw ng babae sa labas. Pumasok sila na nakakunot ang noo. Dalawa silang magkasabay na pumasok.

Pero nanlaki ang mga mata ko sa kanila.

Shet!!

No way!!

Sina Lexi..

at Fume..??!!

"Hoy! Hoy! Ano na naman bang ingay 'yan ha? Magsisimula ka na naman ng gulo," ani ng diyosa ng Aries.

"Bakit wala pa si Alioth?" tanong ni Lexi.

"Sky, sina Lexi at Fume naman ang kakarating lang. Sila ang diyosa ng Libra at Cancer."

Sobrang nanlaki ang mga mata ko.

As in..

Nagulat ako sa nalaman ko..

Si Lexi at Fume pala ay mga diyosa?

"Ugh! Bakit nandito na naman ang Ophiuchus? Akala ko ba bawal ang outsiders dito?!" reklamo ni Lexi.

Napansin kong napakumot ng kamao si diyosa Hiyera sa tabi ko kaya hinawakan ko ito upang pakalmahin.

"Manahimik ka nga Lexi! Pwede ba isara mo iyang bibig mo kahit isang beses lang?" sagot ng diyos ng Leo.

At doon ko narealize na isa nalang ang wala pa sa silid. Wala pa ang diyos ng scorpio. Simula na akong kabahan.

Dahil ang diyos ng scorpio.

Ay ang ama ko.

Natigilan ako nang bumukas muli ang pintuan ng Zodiac Shrine. At nakaramdam ako ng lamig na hangin sa paligid. Kinakabahan akong tumingin sa kaniya. Dahil hindi ko inaasahan na darating ang araw na ito, na makikita ko ang orihinal na mukha niya.

"A-at siya n-naman si Alioth, ang diyos ng scorpio." Canopus.

"Sa wakas dumating na ang pinakamamahal kong si Alioth," bungad ni Lexi.

Naririnig kong paupo na siya sa upuan niya. Ang bakanteng upuan ay sa kabilang side ng table na kung saan katabi niya ang diyosa ng Aquarius at diyosa ng Virgo.

Doon na ako naglakas-loob na tingnan ang mukha niya.

At napaatras ako hanggang sa matumba ang inuupuan ko sa gulat.

A-ang scorpio ay..

K-kamukha ni..

Third.

"Okay ka lang Canopus?" pag-aalalang tanong ni diyosa Hiyera. Tinulungan niya akong ayusin ang inuupuan ko.

Nanginginig ako ngayon. Gusto kong umalis sa silid pero naaalala ko ang sinabi ng matanda kanina na hindi dapat namin sirain ang pagtitipon na ito.

Ngayon ay napansin na tuloy ako ni Alioth. Nakatingin siya ngayon sa akin. Napakatalim ng mga tingin niya na parang papatayin niya ako ilang segundo.

Nararamdaman kong nagagalit ngayon ang puso ko, kung ako ay natatakot ngayon, mas nangingibabaw ang galit sa puso ko, mukhang galing iyon sa emosyon ni Canopus. Galit siya habang tinitingnan si Alioth.

"Ngayon ay nandito na tayong lahat, may tanong ako, sino nga pala ang nagpapapunta sa atin dito?" tanong ng diyos ng Capricorn.

"Oo nga."

"Sa tingin ko ay importante ito dahil kompleto tayo eh, kadalasan kasi hindi pinapapunta rito si Hiyera," direktang dagdag ng diyosa ng Gemini.

"Sino nga?" curious na tanong nila.

"Ako." Sagot ni Alioth. Tumayo siya at itinaas ang baso niya habang nakatingin pa rin sa akin.

"Gusto ko lang makita kayong lahat, ilang taon din akong nawala sa kaharian, isipin nalang natin na ito ang kauna-unahang reunion natin," sambit niya.

Tumayo ang mga apprentice at nagtungo sa kabilang mesa kung saan nakalagay ang inumin na ibibigay namin sa amo namin.

Kanina pa nakakumot ang mga kamay ko.

Canopus, ano bang problema? Kumalma ka lang.

Dahan-dahan akong bumalik sa pwesto ko at binuhusan ng inumin ang baso ni diyosa Hiyera, kagaya ng ginawa ng ibang apprentice. Umupo ako ulit tapos huminga nang malalim.

"Iaalay ko ang inumin na'to para sa Zodiacus," toast ni Alioth at una nang uminom. Sumunod naman ang ibang diyos at diyosa.

Pagkatapos ng pagtitipon ay nag-iisa akong naglakad sa hallway, pumunta muna ako sa CR. Nakakamangha lang dahil walang kaibahan sa lugar ngayon at sa Zodiac University kaya hindi ako naligaw sa paghahanap sa CR.

Biglang may humila sa akin out of nowhere tapos itinulak niya ako sa pader.

Si Alioth.

Ang diyos ng scorpio.

Ang kamukha ni Third.

Ang ama ko.

Argh!

Bigla niya akong hinalikan sa labi na parang ang tagal na niyang pinaplano ito. Pero nalilito ako, kung bakit ginawa niya ito.

Pero sa pagkakataong ito, si Canopus ang kumontrol sa buong katawan. Sinampal niya si Alioth at itinulak.

"Hindi ka ba masaya na makita akong muli?" nakangising tanong niya.

"Manahimik ka, wala kang karapatan na gawin sa akin ito, matagal na kitang pinakawalan, isa kang halimaw!" galit na sagot ni Canopus. Nararamdaman ko ang galit niya at nagmula sa sakit sa dibdib. Nasasaktan siya.

"Hindi ba sinabi ko sa'yo na walang nangyari sa amin ni Lexi," tugon ni Alioth.

"At sa tingin mo maniniwala ako niyan?" Canopus.

Nagtangkang umalis si Canopus sa harap ni Alioth pero hinawakan nito ang braso niya.

"Itigil mo na ang pagpapanggap mo sa lahat Canopus," Alioth.

Pero inalis ni Canopus ang braso niya at nagpatuloy sa paglalakad.

Pagpasok namin sa kwarto, nakita kong nanginginig si diyosa Hiyera sa higaan niya kaya agad akong rumesponde.

"d-diyosa, anong problema?" tanong ko.

"B-B-Blakhllvw-- B-Black --h-h-hollow," tugon niya.

Ano??? Black hollow??

××××××

Zodiac University :
Travel Back in Time

© Axinng 2021

Please do not forget to vote for this chapter and follow me. See you on next chapter.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top