Chapter 29
--- SKY'S POV ---
Binihisan na ako ng puting long dress at nilagyan ng mga bulaklak ang buhok. Mukha akong diyosa sa kasuotan ko. Pero mas maganda pa rin ang suot ngayon ni diyosa Hiyera. Naka-pink dress siya at nakabraid ang buhok.
"Tara na?" ani ni diyosa Hiyera tapos inabot sa akin ang kamay niya. Sabay kaming lumabas tapos huminto sa may karwahe na inunahan ng apat na puting kabayong may pakpak.
Namangha ako sa kagandahan sa labas, parang lumulutang sa hangin ang chamber ni diyosa Hiyera kasi sobrang dilim ng bangin malapit sa karwahe.
"Malapit nang magpakita ang pulang bituin kaya bilisan na natin." Pumasok na si diyosa Hiyera sa loob ng karwahe kaya sumunod na ako.
"Ihahatid ko na po kayo sa Zodiacus." Isang matandang lalaki ang umupo sa harap ng karwahe. Tumango si diyosa Hiyera kaya lumipad na ito.
"Sa susunod nalang tayo mamamasyal, Canopus," wika niya. Ngumiti ako at tumango.
Pagkarating namin sa sobrang napaka-eleganteng kaharian ay inescort kami ng mga bodyguards tungo sa kwarto ni diyosa Hiyera. Parang luluwal na ang mga mata ko sa kagandahan ng silid, ganito ang nakikita ko sa Zodiac University dati. Amazing!
"Sky, dito ang kwarto ng Ophiuchus." Sabi ni Canopus sa akin nang huminto kami sa malaking pintuan na kulay ginto. Na excite na tuloy ako.
Pagkabukas ng pintuan ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Napatingin ako kay diyosa Hiyera na parang tutulo na ang kaniyang luha. Dahil sa halos nasira ang mga kagamitan niya at napunit pa ang mga tela. Ang salbahe, sino naman ang gumawa nito.
"Okay ka lang?" tanong ko sa kaniya.
"Oo, kailangan kong maging matatag Canopus, hindi ko rin hahayaan na tuluyan nilang itakwil ang Ophiuchus sa mundo," sagot niya pero tumutulo ang mga luha niya.
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Poprotektahan natin ang Ophiuchus."
Nilapitan ko ang mga nababasag na mga salamin at kagamitan ni diyosa Hiyera at nabasa ko ang mga nakasulat sa kahit saang parte ng silid.
'umalis ka dito'
'hindi ka nararapat dito'
'bumalik ka sa pinanggalingan mo'
Bigla akong nakaramdam ng pagkasikip sa dibdib. Para akong naiiyak habang pinagmasdan ang mga kalat. Nalulungkot ako para sa Ophiuchus. Bakit ganito nila tinatrato ang kalahi nila.
Sabihin mo Canopus, bakit ganito sila ka sama?
"Ayaw kasi nila ang panglabintatlong miyembro ng mga bituin, hanggang ngayon ay hindi pa rin nila tanggap ang nangyari."
May isang kakaibang nilalang ang lumapit sa akin. Naglalakad ito gamit ang dalawang paa niya at may nakapalibot sa balikat niya na isang matabang ahas. Malaki rin ito, kasing tangkad ko.
Pero gumalaw ang kamay ko tungo sa ulo ng nilalang. Minsan kasi, si Canopus ang gumagalaw sa kaniyang katawan.
Anong nilalang ito?
Naging maamo ang nilalang hanggang sa humiga ito sa sahig at natulog.
"Ito ang guardian ng Ophiuchus, isang serpent bearer."
Woah, ang cool.
Teyka? Bakit nga pala malambing sa'yo ang guardian ng Ophiuchus? Hindi ba, hindi sila sanay sa aura sa ibang sign?
"Dahil isa rin akong Ophiuchus, kagaya ni diyosa Hiyera."
Ahh, ganun pala.
"Apprentice Canopus," tawag sa akin ng isang lalaking pormal ang pananamit. Nag bow siya sa akin.
"Pinapapunta ka sa silid ng mga apprentice para sa paghahanda sa salu-salo mamaya," report niya.
Sumunod na ako sa kaniya.
Pumasok kami sa isang silid na may nakaupong mga dalaga't binata rin na mukhang ka-edad ko lang. Umupo ako sa bakanteng upuan kung saan may naghihitay na matandang babaeng nakahawak ng suklay. Parang aayusan siguro ako.
Sobrang tahimik dito. At laging nakayuko lang ang ulo ng ibang apprentice. Pareho kaming nakasuot ng puting damit. Ang mga babae ay inayusan ng buhok, ginawa itong braid.
Anim ang lalaki at pito ang babae na apprentice.
"Pagkakatandaan ninyo na kailangan sabay ninyong pagsilbihan ng inumin ang inyong amo, dahil isang pormal na pagtitipon ang magaganap mamaya, huwag ninyo itong sirain," sabi ng matandang babae sa may pintuan. Mukhang siya ang leader sa mga alalay rito.
"Ang tahimik naman." Sambit ng lalaking apprentice. Itinaas niya ang kamay niya tapos biglang may tumunog sa buong silid. Tunog ng harp na ang ganda sa tenga pakinggan.
"Ais, inaantok na tuloy ako."
"Wala bang ibang tunog diyan?"
Pagkatapos magbraid ng mga buhok namin ay nagsikulitan na sila. Naging maingay ngayon ang buong silid habang dahan-dahang lumabas ang mga alalay. Pero nanatili pa rin akong nakaupo sa gilid dahil walang niisang pumansin sa akin.
Eh ano naman ngayon? Hindi ko na kailangan ng ibang kausap kung kaya ko namang makipag-usap sa sarili.
"Tama nga naman." Agree ni Canopus.
Bakit ba ayaw nila sa inyo ni diyosa Hiyera? Parang feeling talaga nila na sila lang ang may-ari ng mundong 'to ah?
"Hindi naman lahat, may mga namumuno rin naman na tanggap si diyosa Hiyera pero hindi pa rin maiiwasan ang mga kagaya ng iba na manggugulo talaga ng buhay niya."
Pumasok ulit ang matandang babae. "Maaari na kayong lumabas."
"Nasasabik na ako dahil makikita na naman natin ang ibang diyos at diyos ng mga bituin." Sabi ng iba.
"Ako rin."
Sumunod ako sa kanila kung saan sila patungo. Parang namumukhaan ko ang daanan dito. Kasi ang daan ng hallway ay kapareho ng hallway na palagi naming dinadaanan sa Zodiac University.
Parang ang buong campus ng Zodiac University ay kalahati ng buong kaharian ng Zodiacus. At ngayon ay napansin kong daan ito patungo sa Zodiac Shrine.
Tama nga ako, sa Zodiac Shrine nga kami papasok.
Huminto muna kaming lahat tapos pinaunang pumasok sa Zodiac Shrine ang mga guardian ng Zodiac Signs. Pinakahuling pumasok ang Ophiuchus pero bigla itong hinarangan ng tagabantay.
Hindi siya pinapasok.
"Tsaa! Umalis ka rito!" Bugaw ng tagabantay.
Napaatras ang Ophiuchus na parang nagulat sa pagbugaw nito. Tinawanan naman siya ng ibang apprentice.
Mukhang natakot pa siya.
At nanginginig.
Agad ko siyang niyakap at pinatahan.
Bakit ang lupit nila.
Nakakaawa ngayon ang mukha ng Ophiuchus. Hindi ko talaga mapigilang mapaiyak. Hindi talaga siya pinapasok. Wala rin akong magagawa dahil apprentice lang naman ang role ko kaya inakbayan ko si Ophiuchus habang dahan-dahang umalis sa lugar.
"Okay lang 'yan Ophiuchus, huwag mo sanang masamain ang trato nila sa'yo. Importante ka pa rin sa amin ni diyosa Hiyera, tandaan mo 'yan ah?" Sabi ko sa kaniya at marahan lang siyang tumango.
Pumasok kami sa silid namin at doon ko rin nakita na umiiyak si diyosa Hiyera.
"A-anong nangyari sa'yo, diyosa?" Tanong ko.
"W-wala, tara na," tugon niya't pinunasan ang mga luha niya.
Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya. "Sabihin mo sa akin, please."
Ngumiti siya. "Mabigat na kasi itong pagpapanggap ko, pero okay lang, titiisin ko lahat para maprotektahan ang lahi natin."
"C'mon guys! Huwag kayong maging malungkot okay, hindi niyo ba alam na ang Ophiuchus ang pinaka-special na simbolo sa lahat? Sabihin niyo nga, AKO AY ISANG OPHIUCHUS," encourage ko sa kanila.
Umiiyak pa rin si diyosa Hiyera.
"Uulitin ko, sabihin niyo, AKO AY ISANG OPHIUCHUS," ulit ko.
"Ako ay isang Ophiuchus," sunod ni diyosa.
"brrwrrwrrnrrwrrr," sunod naman ni Ophiuchus.
"Very good guys, let's go!" ako.
Pero hindi gumalaw si Ophiuchus, parang gugustuhin nalang niyang manatili sa silid kaysa pumunta sa pagtitipon. Hindi na rin namin siya pinilit.
××××××
Zodiac University :
Travel Back in Time
© Axinng 2021
Please do not forget to vote for this chapter and follow me. See you on next chapter.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top