Chapter 28
A/N: The following scenes are just part of the author's imagination. The language used is Filipino-English.
--- SKY'S POV ---
Nagising ako sa isang napakalambot na higaan. Pagmulat ko, isang napakagandang kwarto ang nasa paligid ko. Halos naggigintuhang mga kagamitan ang nandito. Ang kapal ng bulak ng higaan at unan tapos ang bango pa ng buong silid. Isang higaan lang ang nandito tapos ang laki ng buong kwarto.
Ang tanong..
Nasaan ako?
Anong panahon ito?
"Nagising ka na pala Canopus, halika't mamasyal tayo sa hardin ng mga diwata," bungad ng kakapasok na isang napakagandang binibini. Nakasuot siya ng pink glossy dress at crystal doll shoes, tapos curly ang buhok niya at may nakapatong sa kaniyang balikat na isang makulay na parrot.
But.. wait..
Canopus?!
Ha? N-nasa.. panahon ako ni Canopus?
Kung gayon, ang babaeng ito ay si.. Hiyera?
"H-Hiyera?" tugon ko, pero ngumiti lang siya na parang nagagalak pa siyang sambitin ko ang pangalan niya.
Grabe ang ganda niya. Nakita ko na ang totoong mukha niya. Matangos ang ilong, at napaka-asul na mga mata.
"Matagal na rin noong huli mo akong tinawag na Hiyera, ngayon kasi nasanay nalang din akong tawagin mo akong diyosa Hiyera kahit na hindi naman talaga karapat-dapat," tugon niya.
Hindi karapat-dapat? Ano ba 'tong sinasabi niya? Nalilito na nga ako kung bakit ang layo ng inabutan ko sa time travel ability ko tapos dadagdag pa siya.
"Time travel? Hindi ba sinabi mo na hindi ka na gumagamit ng mahikang iyon?" tanong ni diyosa Hiyera.
Nakakaintindi siya ng English?
"Oo, nakakaintindi, nakalimutan mo na ba na mas advance ang kagamitan natin dito kompara sa pinagmamalaki mong 21st century ba 'yon? Nagtataka nga ako kung bakit ka pa nagtatime travel sa panahong iyon," tugon na naman niya.
Umatras nang konti ang katawan ko sa kaniya. Kinikilabutan ako. Naririnig ba niya ang iniisip ko?
Tumawa siya. "Bumangon ka na nga diyan."
Ah oo nga pala, may telepathy ability si diyosa Hiyera, kaya niyang makipag-usap sa akin gamit lang ang isipan.
"Naririnig kita!" tugon niya.
Biglang may kumatok sa pintuan.
"Pasok," sagot ni diyosa Hiyera.
Pumasok ang isang kawal sa silid at may dala-dalang sulat. Binasa niya ito sa harap namin.
"Sulat po galing sa Zodiacus," nag bow pa siya bago nagpatuloy. "Inanyayahan namin sa isang simpleng pagtitipon ang labintatlong namumuno ng mga bituin sa kaharian ng Zodiacus. Inaasahan ang presensya ng bawat isa bago liliwanag ang pulang bituin."
Pagkatapos binasa ng kawal ay ibinigay niya ito kay diyosa Hiyera tapos nag bow at lumabas.
"Labintatlo raw, ngunit hindi naman binibigyan ng halaga ang presensya ng panglabintatlong miyembro," reklamo niya.
Bumangon ako't lumapit sa eleganteng salamin ng kwarto tapos tiningnan ang sarili. Namangha ako sa hitsura ni Canopus. Sobrang itim at napakataas ng buhok niya, sobrang puti rin niya, at kulay purple ang mga mata niya.
"So ano? Pupunta ba tayo?" tanong niya sa akin.
"Ha? Tayo?"
"Oo, kailangan mong sumama no, hindi yata pwedeng ako lang ang pupunta," tugon niya.
"A-ah sige," agad na desisyon ko. Tutal, curious din ako sa hitsura ng Zodiacus in ancient times.
Kinalaunan ay ako nalang ang naiwan sa kwarto. Pumasok ang mga babaeng nakasuot ng tube dress na gawa sa brown na sako. Mukha silang mga alalay sa mga kilos nila.
"Gabayan po namin kayo sa iyong pagligo," ani ng isang babae tapos nag bow.
Umarte na akong alam ko ang kinikilos ko. Sumunod ako sa mga babae hanggang sa pumasok kami sa napakalaking silid na may parang swimming pool sa gitna, kulay ginto ito at kumukulo ang tubig nito.
Ang ganda ng silid, may malaking chandelier ito sa itaas tapos gawa sa perlas beads ang mga kurtina.
"Maaari na po kayong bumabad sa tubig binibini," ani ng isa sa mga babae, halos silang lahat ay kanina pa nag bow sa akin.
Nakatayo ako sa gilid ng pool.
Mapapaso kaya ako nito? Hindi naman ako sanay maligo sa kumukulong tubig.
"Hindi ka mapapaso Sky, huwag kang matakot," biglang may sumagot sa isipan ko. Napalingon-lingon ako sa paligid pero ang mga tao lang sa silid na ito ay ako at ang mga babaeng alalay.
d-diyosa Hiyera, ikaw po ba 'yan?
Natuwa pa siya. Pero ang weird part nun ay nararamdaman ko ang pagkakatuwa niya sa katawan ko. Parang nasa katawan din siya.
Kusang gumalaw ang mga kamay ko at naglabas ito ng kakaibang enerhiya. Ang plain water sa pool ay napapalibutan ngayon ng mga petal ng pulang rosas. Ang ganda.
"Huwag ka ring matakot sa akin, masaya nga ako't bumisita ka sa panahon namin Sky, ibig sabihin nito ay magtatagumpay ang diyosa ng Ophiuchus sa laban," sagot niya.
Teyka, sino ba 'to?
Dahan-dahan akong bumabad sa tubig, sobrang nakakarelax naman.
"Ang pangalan ko ay Canopus, isa ako sa mga napabilang na apprentice sa kaharian ng Zodiacus. At napansin mo naman na magkasundo kami ni diyosa Hiyera, inatasan ako sa kaniya dahil na rin matagal na kaming magkakilala," sagot niya.
Ha? C-Canopus?
Pero paano nangyari ito na nakokontrol ko ang katawan niya kung may malay naman siya?
"Dahil lumalakas lalo ang kapangyarihan mo," sagot na naman niya.
Nyemas!
"Nagawa mong magtime travel sa napakatagal na panahon," dugtong niya.
A-anong panahon ngayon? Bakit ka nakakaintindi ng lingguwahe namin? Bakit may mga bagay na katulad ng bagay sa modern world?
Tumawa ulit siya. "Dahil nasa kapanahunan ka ng mas high-tech pa mga ginagamit ng mga tao sa 21st century, may mga technology rin kaming ginagamit dito pero hindi katulad ng technology na ginagamit ninyo. Marami pang mga bagay na kailangan tuklasan, Sky, sobrang laki ng mundo."
Stone age ba ngayon? Umm --around 2 million BCE? --o-or 5 million years ago? Ano?
"Mas malayo pa."
Mas malayo pa? Ano --um, 50 million years ago?
"Approximately 300 million years before common era."
Napalanghap ako ng maraming hangin sa narinig ko.
A-ano? Sa Dinosaur era ba? Holy shet.
"Oo, sa panahon pa bago nagpakita ang kauna-unahang ninuno ng mga tao."
Grabe parang nasa 21st century pa rin talaga ako, pang moderno ang estilo ng buong paligid.
"Hindi ito natuklasan ng siyensiya ninyo dahil darating ang panahon na babagsak ang kaharian ng Zodiacus at babagsak ang buong mundo, dahil sa digmaan, mawawala ang lahat ng ebidensya na isa lang ang kaharian sa mundo dati, at isa lang ang kalupaan."
Woah, paano mo nalaman ang mga 'yan?
"Dahil magkapareho tayo ng kapangyarihan, may time travel din ako. Nakakabagot nga kapag ako lang ang may alam sa kung anong mangyari kinabukasan."
Teyka, pamilyar ang line na 'yan ah.
"Mamaya, pupunta tayo sa kaharian kasama si diyosa Hiyera, ipapakita ko sa'yo ang silid ng Ophiuchus, sobrang ganda roon."
So parang chamber lang ni diyosa Hiyera ang lugar na ito, ang astig naman.
××××××
Zodiac University :
Travel Back in Time
© Axinng 2021
Please do not forget to vote for this chapter and follow me. See you on next chapter.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top