Chapter 27
--- SKY'S POV ---
Nagising ako na basa ang aking mga mata. Nararamdaman ko pa rin ang guilt at sakit ng pagkamatay ni Karsten. Kahit pa may kakayahan akong magtime travel, hindi ko pa rin nagawang iligtas siya.
"S-Sky," bungad ni Cass.
Bumangon ako, napatingin sa kanilang lahat. Si Lola, si Third, si Oe, si Cass, si Principal Evans, at si Odette, nakatingin lang sa akin na parang hinintay akong magsalita.
At umaga na rin pala.
"Gaano katagal akong nawala?" tanong ko sa kanila.
"Mga 8 oras," sagot ni Oe.
Walong oras, pero sa ability ko ay dumaan na ang maraming araw. Bumabalik na naman sa aking isip ang mukha ng mga girls noong una akong nakapasok sa dorm namin sa Zodiac University. Nakikita ko sa mga mata nila ang lungkot.
Hindi pa rin ako maka-move on sa sinapit ni Karsten, kasalanan ko 'yon eh.
Umalis ako sa higaan at lumabas, pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. Sumunod naman silang lahat sa akin.
"Can you tell us what happened?" tanong ni Third sa akin.
Argh, naiisip ko pa rin ang sariwa ng insidente. To think na hindi nalaman nina Oe ang katotohanan sa pagkamatay ni Karsten, ako ang sanhi ng pagkamatay niya, at ganoon ang nangyari sa kaniya, sinaksak niya ang sarili niya.
Naiisip ko pa rin ang dugong dumanak sa sahig ng clinic, iyon ang huli kong nakita bago ako bumalik sa Mongkugo.
And by that, I left the time when Karsten died.
Sakit talaga.
Pagkatapos kong uminom ay ibinaba ko ang baso sa mesa at agad na ibinaling ang mga braso ko sa katawan ni Third. Niyakap ko siya. Gusto ko lang ng comfort ngayon, ang bigat pa rin kasi. Parang bumalik ang sakit ng pagkawala ni Gino dati.
"Let's give her time," Odette.
Tumingin ako sa kanila. "Nakakabagot din 'tong time travel ability ko, may malalaman akong mga bagay na hindi ko na sana dapat pang malaman," wika ko sa kanila.
"Okay ka na ba?" Oe.
"Everything happens for a reason apo, binigyan ka sa mga bituin ng ganiyang abilidad dahil nararapat ito sa'yo," payo ni lola.
Mas naiisip kong sumpa siguro ang abilidad kong 'to.
Lumipat kami sa sala. Nagpapahinga sila habang ako ay kumakain ng almusal.
"Grabe, walong oras lang akong nawala pero sa abilidad ko ay dumaan na ang isang linggo, parang nananaginip lang talaga ako sa mga oras na iyon," ani ko habang ngumunguya ng pagkain.
"Osha--sha, tapusin mo muna ang pagkain mo, mamaya na tayo mag-usap," Oe.
"Pero ang tanong, nahanap mo ba ang sagot na kailangan mo, Sky?" Cass.
"Oo," agad na sagot ko.
"T-talaga?" Cass.
"Sino?" Third.
"Saan natin siya mahahanap?" Oe.
Uminom na ako ng tubig tapos pinapahiran ang bibig ko ng tissue bago ako sumagot.
"Si Lexi," ako.
Nantaas ang kilay nila sa sagot ko at nagtinginan sina Cass at Oe.
"Lexi? Who's that?" Cass.
"Nasa Zodiac University siya ngayon, nagkasalubong kami sa campus bago ang graduation ceremony," Ako.
Tumingin ako kay Third na ngayo'y nakatutok sa sahig, I clearly understand that he still remember her. May nakaraan sina Lexi, Third at Karsten dati.
"So she's a new student?" Kompirma ni Cass.
Umiling ako. "You probably didn't remember her but she was your school mate before."
"Nasa ZU siya ngayon?" Principal Evans.
"Opo, may kasama rin siya, mukhang kapatid niya yata, Fume ang pangalan," tugon ko.
"Ah, tama, si Lexi! Iyong top 2 sa female tournament," Oe.
"Sky, did you visit ZU at that time?" Cass.
Tumango ako.
"Kung ganun, kailangan siyang mapunta rito," Odette.
Nabahidan ng disappointment ang mga mukha nila. Kasi sina Lexi at Fume ay nasa Zodiac University, which is very impossible to contact with.
"Si sir Polaris lang ang may kakayahang magbukas ng lagusan mula sa unibersidad tungo sa labas, paano na 'yan?" Cass.
"I can summon them, but it will take a lot of time," Principal Evans.
"Sige po," Cass.
"Okay lang po," Oe.
Tumingin silang dalawa sa akin tapos binigyan ako ng tumango-ka look. Tumingin ako kay Principal Evans tapos tumango ako.
"Sige po."
Kinalaunan ay nagsimula na ang ritual ni Principal Evans sa kwarto ko, nakaupo lang ako sa higaan samantalang nakaupo naman sa sofa ang iba. Si Principal Evans ay nasa gitna ng kwarto katabi sa ginawa niyang bilog na kung saan doon niya raw tatawagin ang katawan nina Lexi at Fume.
Noong sinabi ni Principal Evans na magastos sa oras ang summoning ability niya ay hindi nga siya nagbibiro, dumaan na ang sampung oras pero wala pa ring nangyari.
Hanggang sa umilaw na ang gitna ng bilog.
Gabi na ngayon.
At sa wakas ay nagtagumpay din si Principal Evans. Natawag niya sina Lexi at Fume na ngayo'y nakatayo sa loob ng bilog na nakasuot pa ng uniporme. Agad kong ginawan sila ng shield barrier.
"What the heck is this?" reklamo ni Lexi.
"Nasaan tayo?" Fume.
Tumingin sa akin si Lexi at parang nakuha na niya ang pangyayari. Napatingin din siya sa mga kasamahan namin dito tapos nag-cross arm siya.
"Wohooy, tingnan mo nga naman, ang pabidang Sky ang tumawag sa atin dito," angas na sabi ni Lexi.
"Bakit mo ginawa iyon?" agad na tanong ko. Tinaasan pa niya ako ng kilay.
"Ano?--- ahh 'yon? Well, she deserved to die," tugon niya. Kumunot ang noo ko sa sagot niya.
Karsten? Is she talking about Karsten?
"Sino ang tinutukoy mo?" tinanong ko pa rin siya.
Pati si Fume ay nginitian ako, nakakakilabot na ngiti.
"Isipin mo Sky, how could you forget such an angelic face and sweetest smile," Lexi.
Angelic? Isa lang ang naaalala ko.
Si Klyde.
"Anong---anong ginawa n'yo sa kaniya!" sigaw ko. Napabangon ako sa higaan at nilapitan sila.
"She's such an eyesore," direktang sagot ni Fume sa akin habang tinitigan ako sa mata.
"H-how could you?! Akala ko suicide ang nangyari.. y-you killed her," napaluha ako.
"Oops, ganoon pala siya ka importante sa'yo? Ay sayang, timing lang talaga na sa kaniya pa ibinigay ang abilidad na meron ako. You see, I really can't stand it when someone can do what I can do," aroganteng sagot ni Lexi.
Umiinit ngayon ang ulo ko, galit na galit ako. "Arghh! You fucking bitch!"
Sinuntok ko ang shield barrier ko pero bigla akong namamanhid at nahihilo. Pumuputi na naman ang paningin ko. Nagsisimula na naman ang pag-aactivate ng time travel ability ko.
"Look at that, your time travel ability starts to consume you, HAHAHA!!" Lexi.
Inalalayan ako ni Third. "Kumalma ka muna Sky, hindi pa stable ang kalagayan mo."
Binuhat niya ako at pinahiga sa higaan ko.
"Stay away from her Third!" Sigaw ni Lexi.
"Oh --gosh! You still have that nasty little affection for him Lexi, pathetic," ani ni Fume.
"Shut up Fume," Lexi.
"Oh c'mon, he just looks like him but he will never be him," dugtong ni Fume.
"Sky!!" Singhag ni Lexi. "You still gets on my nerves! You are really a resemblance of HER!"
And everything went light.
××××××
Zodiac University :
Travel Back in Time
© Axinng 2021
Please do not forget to vote for this chapter and follow me. See you on next chapter.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top