Chapter 26
--- SKY'S POV ---
Salamat naman dumating na sila.
Umeksena si miss Friah sa gitna ng quadrangle at naglabas ng pink-colored energy wave na naging sanhi ng pagbagsak ng lahat ng Dark Source, pati sa area namin ni Third at Lexi.
Grabe sobrang lakas.
"Huwag kayong huminto kapag hindi niyo madadakip lahat ng nakapasok na Dark Source," dugtong na utos ni Principal Evans.
"Okay ka lang ba?" Pinatayo ako ni Third mula sa pagkakabagsak sa lupa dahil sa laban. Puno ng pasa ang mga mukha niya.
"Ikaw, okay ka lang ba?" Karsten.
Ang weird naman, hindi ko mararamdaman ang emosyon ni Karsten kung natutuwa ba siya ngayon o nalulungkot. Bakit pa ba ako nandito sa katawan niya kung nagkamalay na naman ang may-ari ng katawang 'to?
Pero nagulat ako nang may sumipa kay Third at tumalsik siya sa malayo, doon na rin nagkaroon ng pagkakataon ang sumipa na Dark Source para tangayin si Karsten. Naglevitate siya tapos pumasok sa loob ng building na tangay-tangay kami, nyemas!
"Bitawan mo ako!" Sigaw ni Karsten.
Naglabas ng energy bomb sa Karsten kaya nabitawan siya ng Dark Source. Nasa hallway kami ngayon malapit sa principal's office. Gagamitan na sana ni Karsten ang kalaban ng ability pero naunahan siya nito, gumamit ng kakaibang napakalakas na vibration ability ang Dark Source na pumipiga sa ulo ni Karsten.
"ARRGH!" Lumuhod si Karsten sa sakit ng ulo niya. Kahit pa man gaano niya gustong gamitin ang kaniyang kapangyarihan ay hindi niya magawa dahil nakapokus siya sa sakit ng ulo niya.
Umuusok ng itim ang kamay ng Dark Source, black hollow. Nyemas! Ano bang pwede kong gawin? Kailangan kong tulungan si Karsten.
"Wala ka nang takas ngayon," sambit ng kalaban. Papalapit ang mga tapak ng paa niya kay Karsten habang hinahanda ang black hollow sa direksiyon namin. Walang magawa si Karsten sa ngayon dahil palakas nang palakas ang vibration sa ulo niya.
Pero huminto ang vibration nang tumalsik ang Dark Source. Umeksena si Lexi. Siya ngayon ang kumakalaban sa kaniya.
Sinipa ni Lexi ang kalaban hanggang sa nawalan na ito ng buhay. Grabe, sobrang lakas pa rin talaga ni Lexi. Sobrang lakas niya para sa babae.
"Okay ka lang?" tanong niya kay Karsten at tinulungang makatayo.
"Okay lang," Karsten.
Naglakad kami sa hallway nang biglang may sumabog na malapit lang sa amin. Huminto muna kami, pero mas sinundan pa ito ng maraming pagsabog.
"Dito tayo," wika ni Lexi. Tamang nasa harap kami ng principal's office kaya pumasok si Lexi doon at sumunod naman si Karsten.
Umupo si Karsten sa guest chair ng opisina at nirerecharge ang sarili habang nakatayo naman si Lexi malapit sa pintuan.
"Gosh, kailan pa ba matatapos ito?" Reklamo ni Lexi.
"Salamat nga pala," Karsten.
"No big deal, sisiw lang 'yon," Lexi.
Tumayo si Karsten. "Tulungan natin sila."
Bago pa man makalapit si Karsten sa pintuan ay hinarangan siya ni Lexi tapos ginamitan ng mahika ang lock para hindi ito mabuksan.
"Anong ginagawa mo?" Karsten.
May lumitaw na isang wooden box sa mga kamay ni Lexi, nang binuksan niya ito ay may lumabas na black hollow mula rito. Nanlaki ang mga mata ko.
Black hollow 'yan punyeta!
W-wait? Kasapi ba ng Dark Source si Lexi?
"I really, really hate you, you took Third away from me. Sa tingin mo ba mas mataas ka na sa akin dahil doon?" Lexi. Puno ng poot ang mga mata niya kay Karsten.
Sa isang iglap ay pumasok ang black hollow sa katawan ni Karsten, natumba si Karsten habang sumusuka ng dugo.
"W-what are you talking about?" Nauutal na tanong ni Karsten, mukhang wala siyang ka ide-ideya sa mga nangyayari.
Lumapit si Lexi sa nakahigang si Karsten at umupo para magtagpo ang kanilang mga mata.
"I am not talking to you dumbass, I am talking to Sky Nunez," tugon niya.
Nagulat ako.
W-woah wait..
What?..
P-paano niya nalaman?
"Ha? S-Sky?" Karsten.
"Oh well, good luck sa black hollow, I really wish makakasurvive ka pa, it's your reward for ruining everything," huling sabi ni Lexi bago siya nawala na parang bula.
And everything went black..
Dreaming..
Nasa isang sementeryo ako, pamilyar ang lugar na ito, sa tingin ko ay nanaginip na ako sa lugar na ito.
Nasa harap ako ng isang puntod. Nasa likod ako ng lapida. 'Ang sagot sa iyong katanungan ay nakaharap mo na.'
Nakaharap ko na?
Walang ibang sumagi sa isip ko kundi ang kasamaan ni Lexi, hindi ko matanggap na ginawa niya iyon kay Karsten.
Si Lexi ba ang sagot na iyon?
Kung gayon, inaaksayahan ko lang ang pagkakataon ko na madakip na sana siya.
Pero ang tanga ko.
Nasa harap ko na, hindi ko pa nakita.
Karsten, sorry, sorry kung hindi kita nagawang protektahan. Dahil ito sa akin, ako pala ang dahilan ng pagkamatay mo.
Tuluyan na akong umiyak.
Unti-unti akong lumapit sa harap ng puntod kung saan nabasa ko ang pangalan na nakaukit nito.
Karsten Shol
Born: April 18, 2000
Died: November 29, 2019
K-Karsten..
I'm sorry..
I'm truly sorry..
End of Dream.
Nagising si Karsten sa loob ng clinic, nandito rin si miss Twinkle. Alam na ni miss na may black hollow si Karsten sa kaniyang katawan.
Gaya ng kwento nila sa akin dati, sobrang grabe ng dinanas ni Karsten, halos oras-oras siyang naghahallucinate sa loob ng clinic. Naririnig ko rin ang pag-iingay nina Oe sa labas, katulad ng nangyari rin sa akin dati.
Dumaan ang ilang araw.
Mas lumala si Karsten.
Hanggang sa ginawan na siya ng shield barrier ni miss Twinkle.
Nanghihina si Karsten.
At parating nilalagnat.
"Karsten, calm down, you will be fine," payo ni miss Twinkle.
"No I am not!! I am slowly turning to a Dark Source, I can feel it," tugon ni Karsten at nagwawala.
Shit. I feel guilty. Kung maaactivate ko pa sana ulit ang Ophiuchus, baka mailigtas ko pa si Karsten gamit ang resistance ability ko, --pero nakalimutan kong wala nang bisa ang kapangyarihang iyon, dahil sa ultra power ko.
"Don't give up please, naghihintay sa'yo sa labas sina Oe, Ara, Cass, at si Third, hinihintay nila ang paggaling mo," miss Twinkle.
Biglang pumasok si sir Polaris sa clinic.
"How is she?" tanong niya kay miss Twinkle.
Pero tiningnan lang siya ni miss Twinkle at hindi sumagot.
"Naiintindihan ko, wala nang solusyon sa sakit na ito," Karsten.
Binali niya ang haligi ng higaan tapos isinaksak niya ito sa leeg niya.
NOOOO!! FUUUUCK!
KARSTEN!
Parehong nagulat sina miss Twinkle at sir Polaris sa ginawa ni Karsten. Doon ko rin namalayan na lumabas ang kaluluwa ko sa katawan ni Karsten. Ang daming dugo ngayon sa sahig.
Tinanggal ni miss Twinkle ang shield barrier at inalalayan si Karsten. Sobrang iyak ni miss Twinkle sa nangyari.
At nasaktan ako, nakita ko ang pagkamatay ni Karsten.
Ang sakit.
Ang sakit sakit.
And everything went light...
××××××
Zodiac University :
Travel Back in Time
© Axinng 2021
Please do not forget to vote for this chapter and follow me. See you on next chapter.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top