Chapter 23
--- SKY'S POV ---
Sumalubong sa akin ang galit na ekspresyon ni Third pagkalabas ko ng training grounds. I saw Lexi walking away, minding her own business, while ako naman ay na stuck sa harap ni Third. Hindi niya talaga ako pinalaya sa mga titig niya.
"Karsten, why are you doing this?" Nakapamewang na tanong niya sa harap ko, pero wala akong maisagot sa kaniya. "This wasn't our deal, sabihin mo, anong ibig sabihin nito?"
Inalis ko ang tingin ko sa mukha niya't napabuntong-hininga. "I am trying to train them."
"For what?" agad na sagot niya.
Tumingin ako sa kaniya. "I can't say it."
"What? You can't say it? Do you know what you've done? You almost let them kill themselves!" Sinisigawan niya ako na parang isang bata na hindi alam ang ginagawa. "Bakit ka ba nag-co-conduct ng ganitong training? Tell me so I can understand!"
Napakumot ako ng aking kamay. Simple lang sana sabihin kay Third ang lahat pero walang niisang salita ang lalabas sa bibig ko.
"If you cannot tell me, stop this crap right now," agad na desisyon niya tapos pumasok sa loob ng training grounds para pahintuin ang mga estudyante. May hinila siyang estudyante tungo sa harap ko. "Kita mo 'to? You are making a scar in their body out of nonsense reason. Tsk."
Umalis silang lahat, iniwan ako sa training grounds.
"Tama si Third, they won't cooperate if they cannot understand what is going on. I should tell them." Aalis na rin sana ako sa kinatatayuan ko pero bigla akong nakaramdam ng lamig na hangin sa paligid ko.
"No, Karsten." Mala-echo ang boses na naririnig ko. Wala akong nakikitang tao sa paligid kaya nagtataka ako kung sino ang nakikipag-usap sa akin.
"S-sino ka?" Tanong ko. I suddenly feel numb standing outside the training grounds. Parang may nagkokontrol sa katawan ko. This magic seems familiar.
Wait, I know who this is..
"Miss Friah?" Kompirma ko.
"Hello, Sky," sagot niya.
I feel relieved after hearing her voice. Nabasag din ang mahika niya sa akin. Pero just like before, mukhang nagcocommunicate kami gamit ang telepathy. Oh right, kapangyarihan ko na nga pala ang ginagamit ko ngayon, I activated the Ophiuchus in Karsten's body.
"M-miss Friah, oh I mean, goddess Hiyera, what should I do now? Nararamdaman kong malapit na lulusob ang dark source sa paaralan, I must do something to prevent it," ani ko. Desperada na ako.
"You cannot do anything about it, do not try to change the history Sky, alam mo na, na malaki ang kabayaran sa kapangyarihang ito," tugon niya. Tama, ang consequences.
"But I must save them, I don't want them to get hurt, I will risk it, I put my zodiac line into this," tugon ko rin.
"Hindi mo na kontrolado ang buhay ng tao, Sky, kung ano ang dapat na mangyari ay dapat na mangyari," miss Friah.
"P-pero."
"Nakalimutan mo na ba ang puno't-dulo kung bakit ka nandito? Hanapin mo ang nawawala sa'yo, at tandaan mo ang nakalimutan mo, iyan ang importante," miss Friah.
"I know, but I still have to save them," suway ko.
"Just go with time," tugon niya. Pahina nang pahina ang hangin hanggang sa tuluyan na itong nawala.
"T-teyka! Paano ko maaactivate ang time travel ko?" pahabol na tanong ko pero hindi na sumagot si miss Friah.
"Time travel?" Biglang tanong ng babae sa likod ko kaya nabaling ang atensyon ko sa kaniya. Nagulat ako nang magtagpo ang aming mga mata. Naririnig niya yata ako.
"Lexi?"
"Sino ba kinakausap mo diyan? May --nakikita ka bang --hindi ko nakikita?" curious na tanong niya, at mukhang kinikilabutan pa sa sinabi niya.
"W-wala, bakit ka nga pala bumalik?" Iniba ko ang usapan namin, at mukhang nadala rin siya.
"Geez, bawal ba? May naiwan lang ako." Nagpatuloy siya sa paglalakad tapos pumasok sa training grounds. Hindi ko na siya hinintay pa at umalis na.
DUMAAN ANG ILANG MGA ARAW
SA CONFERENCE ROOM
Busy si Third sa pagsusulat ng report para sa buong campus kaya kumilos na rin ako. Nagpatuloy pa rin ang pag-iiwasan namin sa isa't-isa kaya sobrang tahimik ngayon ng buong silid.
Hininga lang siguro namin ang ingay sa aming dalawa kaya naiilang na ako.
"Sa labas nalang ako gagawa nito." Tumayo ako't kinuha ang mga gamit.
"Hindi, dito ka lang," tugon niya pero nakapokus pa rin siya sa pagsusulat ng report. Bakit pinipigilan niya ako kung ito naman ang gusto niya? I stared at him. He seems different this time around kasi sobrang sipag niya, unlike sa nakasama kong Third na sobrang tamad.
"Oh okay, so um-- would you like to eat something?" Nagboluntaryo na akong kumuha ng foods para may rason pa rin akong makalabas.
"Ikaw," agad na sagot niya.
"What?"
"Ikaw bahala."
"A-ah okay." Ibinalik ko ang mga gamit ko sa mesa at dahan-dahang lumabas ng silid.
Bumalik ako na may dalang isang karton ng mga junk foods galing sa cafeteria. Inilapag ko ito sa mesa at agad naman siyang lumapit na humihikab. Nagbukas na ako ng isang chips tapos bumalik na sa upuan ko.
"Wow, paborito ko mga 'to ah?" react niya.
"Tch, paborito ko mga 'yan no," sagot ko.
"Ows talaga? Kasi ang kilalang Karsten ko ay hindi kumakain ng ganito, alam kong vegetarian ka." Tumingin siya sa akin.
Natigilan ako. Shet, vegan pala si Karsten? Sheeeeet. Nobody told me!!
"Uho--uho!!" Umarte ako na parang nandidiri sa pagkain ko at agad na uminom ng tubig. "Y-yuck."
"Joke lang, hahaha," tugon niya at tumawa nang malakas.
T-THIRD!!!!!
Pumatong ako sa mesa tungo sa kaniya tapos hinablot agad ang kaniyang buhok. "Nakakatawa ba ha?!" Pero nagpatuloy lang siya sa pagtawa.
"Nakikita mo ba sarili mo? Nakakatawa ka kaya," tumawa ulit siya.
Tch.
KINAGABIHAN, NAGKASALUBONG KAMI NI SIR POLARIS SA HALLWAY.
"Karsten, bukas na ang graduation ceremony ng zodiac circle at diamond rankers kaya kinahapunan ay makapagpahinga na kayo ni Third," ani niya. Nakasuot siya ngayon ng mamahaling tuxedo. Mukhang naghahanda na sila ng kanilang kasuotan para bukas.
"Opo," tugon ko.
"We will be back tomorrow in the afternoon," dagdag niya.
Nagbow ako sa kaniya as a sign of respect, tapos umalis na rin siya.
"Karsten," sabi naman ng nasa likuran ko.
"Po?" tugon ko nang mapatingin ako sa kaniya. Oh my, si miss Twinkle pala. Nakasuot din siya ng mamahaling dress at sobrang elegante niyang tingnan.
"I heard you were doing a great job in leading the campus, keep it up," puri niya.
××××××
Zodiac University :
Travel Back in Time
© Axinng 2021
Please do not forget to vote for this chapter and follow me. See you on next chapter.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top