Chapter 22

--- SKY'S POV ---

THE WEEK OF GRADUATION CEREMONY
~ MONDAY

Dreaming...

Nasa isang kagubatan ako, sobrang dilim na tanging ang buwan lang ang naging liwanag sa daanan. Nakakakilabot din ang tunog ng mga insekto sa paligid, pero nasaan ba ako?

Humihingal ako, na parang tumatakbo, sino ang tinatakbuhan ko?

Huminto ako nang may nakita akong lapida ng puntod. Nasa sementeryo ako. Sobrang kapal ng fog at wala akong nakikitang kahit na isang movement maliban sa akin.

"Sky."

Sabi ng isang boses babae.

Hinanap ko kung saan galing ang boses na iyon.

"Sky."

Naninindig na ang balahibo ko.

"Sky."

Please Sky, wake up from this nightmare.

Nabigla ako nang gumagalaw ang lapida, ngunit ang nakikita ko sa lapida ay ang likurang bahagi nito na nakatayo sa lupa. At doon nanlaki ang mga mata ko nang napansin kong may nakasulat nito gamit ang dugo, letra sa letra.

Ganito ang pagkasunod-sunod.

'A N G S A G O T S A I Y O N G K A T A N U N G A N A Y N A K A H A R A P M O N A'

Ang sagot ng katanungan ko?

Kung gayon, ang tinutukoy niya ay ang mission ko, ang taong salarin sa black hollow, nakaharap ko na siya? Ibig sabihin ay nasa Zodiac University siya ngayon?

Bigla akong nakarinig na may umiiyak sa paligid kaya hinanap ko iyon. Grupo ng mga taong nakasuot ng itim ang nagtitipon-tipon sa isang lugar. Mukhang may ililibing sila. Pero na-curious ako kung sino kaya lumapit ako sa kabaong.

At napatakip nalang ako ng aking bibig..

Nang makita ko ang sarili ko sa loob, wala ng buhay.

Tiningnan ko ang nakasulat na pangalan..

Sky Nunez..

End of Dream.

Shutang ina. Hindi ko napigilang mapabangon sa higaan.

Ano nga ulit yung panaginip ko? Haha! Nakalimutan ko.

Grabe! Ramdam ko talaga ang takot, at ang tanging naaalala ko lang ay nasa kagubatan ako na humihingal. Pwede rin pala ako mananaginip sa hindi ko naman katawan no?

CLASS STARTS..

Serious mode ako nang pumasok ako sa classroom nina Oe and friends, sabay flip ng hair. Siyempre kailangan ko magmukhang seryoso sa harap nila dahil may pinaplano ako.

That is also because, the Dark Source will attack the school any time.

I cannot just do nothing, you know.

Lalo na alam kong nasa panganib ang kalagayan ng lahat.

"So, since kami muna ang maghahandle sa inyo guys, we will mandatorily command you to train for five days at the training grounds," I directly said which gave them a confuse reaction.

Sa kabilang class naman, nandoon si Third naka-assign, we planned it earlier at sumang-ayon naman siya. Nasa klase niya ngayon sina Lexi at mga kaklase niya. Batay sa impormasyong ibinigay sa amin, anim sana ang seksyon ng diamonds ngunit nabawasan na ito dahil graduating iyong iba. Dalawang seksyon nalang ang natira.

"Why do we have to do that? We are supposed to be having a chill time," reklamo ni Vita sa akin na parang ini-influence pa niya ang buong klase.

I looked at her and crossed my arms. "You have to follow my orders as of now, mamaya na kayo magreklamo kung mas makapangyarihan na kayo kaysa sa akin," tugon ko.

Nagbubulongan ang buong klase. Wala akong magagawa, kailangan nilang maging handa, hindi biro na kalaban ang Dark Source. Alangan namang sabihin ko sa kanila na galing ako sa future at alam kong nasa peligro ang buhay nating lahat kaya kailangan nating mag-ensayo.

"I'm in! Kailan tayo magsisimula Karsten?" Ara.

Ngumiti ako. "Ngayon na."

SA TRAINING GROUNDS

Mamayang tanghali, ako na naman ang maghahandle sa klase ni Third. I will do the same.

"You seem different these days Karsten," tanong ni Oe sa tabi ko habang nagwawarm up.

"Ha? Me? Why?" ako.

"Napansin ko lang, pati rin ang kilos na binitawan mo sa tournament mo, hindi ko alam na may ganoong kapangyarihan ka pala," dagdag niya.

Ngumiti lang ako, pero natamaan na ang nerves ko dahil baka nahalata na ni Oe.

"Okay guys! Choose your own opponent and focus only using combat skills," instruction ko sa kanila.

They followed my instructions obediently. I guess narealize nila na si Karsten pa rin ang pinakamakapangyarihan ngayon at wala silang magagawa kundi ang sundin ang utos niya.

"Vita and Blu!! Use your strength!" sigaw ko sa kanila.

"Guys! Be serious with your training. What if bigla bigla nalang kayong inaatake ng kalaban? Dapat alam niyo kung paano niyo poprotektahan ang sarili ninyo!" Sigaw ko sa iba.

I sounded like miss Lydia. Lol.

Pagkatapos ng training sa morning session ay nagswap na kami ni Third ng hinahandle na klase. The same thing I did, combat skills ang training nila ngayon. Pero hindi pa rin maiiwasan na may magrereklamong estudyante.

SA TRAINING GROUNDS

"Okay! Start!" utos ko sa kanila.

Pero nabaling ang atensyon ko sa chill na nakaupo sa gilid na si Lexi. She's even sleeping.

"Lexi, bakit hindi ka sumali?" tanong ko sa kaniya.

Pero hindi niya ako pinansin.

Hindi nga rin siya nakasuot ng PA uniform.

"Ayoko," agad na sagot niya.

"Can you tell me why?" tanong ko.

Bumangon siya at nag-roll eyes sa akin, nilagpasan niya ako kaya hinawakan ko ang braso niya.

"Bitiwan mo ako," sabi niya.

"Ayoko," sagot ko rin.

Pero inalis niya ang braso niya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Why are you so stubborn?" sigaw ko sa kaniya kaya huminto siya.

"Bakit ba kailangan naming gawin ito? Para saan ba ha?" angas na sagot niya't tumingin sa akin.

Nilapitan ko siya. "For the safety of everyone."

Pero tumawa lang siya sa akin. "Safety? Why? Are they going to die?"

Napakunot ang noo ko sa kaniya.

"You know what Karsten, you can do WHATEVER you want, pero.. huwag mo akong idamay sa mga kalokohan mo, okay?" tugon niya at tuluyang umalis.

Tss. Lexi.

Sinundan ko siya sa labas pero ang humungad sa akin ay ang presensya ni Third na ngayo'y ang sama ng tingin sa akin.

"Ano ba 'tong ginagawa mo?" galit na tanong niya.

××××××

Zodiac University :
Travel Back in Time

© Axinng 2021

Please do not forget to vote for this chapter and follow me. See you on next chapter.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top