Chapter 21

--- SKY'S POV ---

Sabay kaming pumasok ni Third sa principal's office at nagulat kami nang may nagpaputok ng confetti sa amin.

"Congratulations!"

I remained silent while looking at each faces with their smiles. Most of them are wearing student uniforms. Nandito rin sina sir Polaris, miss Twinkle, at miss Lydia.

Isinara ko ang pinto habang nauna si Third na lumapit sa kanila.

"Tabi kayo guys! Dadaan ang STRONGEST MALE AND FEMALE NG ZODIAC UNIVERSITY!"

"Oh my eyes!"

"Ang liwanag nilang dalawa."

"Kasalanan na ba 'to?"

Iba-iba ang mga tukso't reaksiyon nila. Hindi ko naman sila kilala pero natutuwa ako sa kakulitan nila, mukha silang magbabarkada sa closeness nila. Anim ang mga lalaki at anim rin ang mga babaeng estudyante. T-teyka? Are they...?

"Yeah, bagay sila, in fairness," sabi nung babaeng may pink na buhok.

Are they the current Zodiac Circle?

"May relasyon ba kayo?" tanong ng lalaking naka-eyeglass pero sobrang mestizo ang hitsura.

I'm stunned. Mukhang mga celebrity ang mga zodiac circle sa harap ko. They look so cool and super confident. The way they talk, the way they act, so perfect.

"Wala po," sagot ni Third.

Tiningnan ko siya. Ouch, ang sakit marinig ng mga katagang iyon mula sa jowa mo ah.

"Bakit wala? --aw char, sabi ko nga eh," react ng lalaking blonde long hair na kulay blue ang mga mata.

"Third, Karsten, next week, kayo ang aatasan namin na magbabantay sa unibersidad dahil wala kaming mga staff at ang zodiac circle sa linggong iyon. Alam niyo na naman kung anong mangyayari next week 'di ba?" nakangiting sabi ni miss Twinkle.

Anong mangyayari next week? Hindi ko kaya alam.

"Don't worry guys, excused kayo sa mga klase ninyo," miss Lydia.

Can someone tell me kung anong mangyayari next week?

"Next week, friday, will be the graduation ceremony of diamond ranker and zodiac circle," sinagot na lang ni sir Polaris ang kinikimkim kong katanungan haha.

Pero natigilan ako. "HA? GRADUATION CEREMONY?!" Sigaw ko kaya napatingin silang lahat sa akin.

They looked at me with curiosity.

Nyemas. If next week na ang graduation nila, it means malapit na rin ang araw na lulusubin kami ng Dark Source. I'm not quite sure when. But if sa araw ng graduation ceremony iyon, tsugi kami nito.

"Why Karsten, is something wrong?" tanong ng babaeng black straight hair.

"W-wala, congrats," ani ko.

Kinabahan na naman ako at nag-aalala na rin, nakalaban ko na kasi ang Dark Source kaya nag-aalala ako sa kapakanan ng mga estudyante rito.

"You may use the conference room as your temporary office, Karsten at Third," miss Twinkle.

"Yes po," tumango si Third.

"I-if may problema po, maaari po ba kaming makakakontak sa inyo sa labas ng campus?" inisist na tanong ko, hindi na kasi ako mapakali.

"Unfortunately, you cannot, we do not have a way for that," miss Twinkle.

Patay. So paano na kung..

Ugh, stop thinking negative things Sky. Law of attraction, we will be fine.

Pagkatapos ng short meeting with the Zodiac Circle ay tahimik kaming lumabas ni Third ng opisina. Nauna na siyang maglakad kaya nasa likod lang niya ako habang nakatingin sa kaniyang batok. I really want to hug him.

Kami lang dalawa sa hallway kaya sobrang tahimik namin.

"Gusto mo punta tayo sa cafeteria?" anyaya ko sa kaniya.

"Why are you acting like we are that close? Mind your own business Karsten," cold na sabi niya. Siyempre natigilan ako, wala ba talagang something nilang dalawa dati? T-then why naman naging involve si Karsten sa usapang problema noon ni Third?

Huminto ako sa paglalakad at hinayaan siyang unang umalis.

"We'll start our meeting next week sa conference room," huling sabi niya at tuluyang umalis.

Fine, hindi na ako manggugulo sa kaniya kung hindi related sa obligasyon namin sa ZU. I will ignore him from now on.

The real Third who loves me ay nasa Mongkugo, naghihintay sa pagbabalik ko.

SA DIAMOND BUILDING

Nakasalubong ko sina Gino at Blu na magkasama kaya binati ko sila. Sabay tukso na rin kay Gino. Mwehee.

"Ang ganda ng araw no?" sabi ko sa kanilang dalawa. Hindi na tuloy komportable sa Gino dahil patingin-tingin ako kay Blu at sa kaniya, at na gets naman niya ang point ko.

"Hi Karsten, congrats nga pala," bati ni Blu.

At siyempre, alam kong may gusto rin si Blu kay Gino.

"Hay sanaol," tukso ko ulit sa kanila at nilagpasan sila. Nakita kong nakatayo lang sa may pintuan si Crater sa isang diamond classroom. Ngingitian ko na sana siya kaso lumabas mula rito si Third na tamang tumingin sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at dumaan sa ibang direksiyon.

"Ah Karsten, may pictorial kayo ni Third ngayon sa library, tara?" Crater.

Bakit ngayon pa?

SA LIBRARY

"You have to wear formal attire guys," Crater.

Nasa loob kami ng photo studio ng library na kung saan naka-assign si Crater as a photographer. Nasa harap ng salamin lang ako habang inaayusan ang sarili ko.

--Ah, mukha pala ni Karsten.

"Bagay sa'yo ang suot mo Karsten," puri ni Crater.

Yeah, maganda talaga sa Karsten.

"Alam ko," tugon ko sa kaniya.

Inaayusan ko ang buhok ko para maging maganda sa camera pero bilang tumabi sa akin si Third at inayusan niya rin ang sarili niya. Actually, maraming salamin sa studio pero naki-epal siya sa area ko. Umalis nalang ako at umupo na sa pwesto ko sa pictorial.

"Okay, let's start?" Crater.

Inalis ni Crater ang isang upuan na para sana kay Third kaya naiwan akong mag-isang nakaupo.

"Mas maganda kung si Third ang uupo tapos ikaw ang nasa tabi niya Karsten," suhestiyon ni Crater.

Hindi na ako nagdadalawang-isip na tumayo at walang imik na nag-pose sa tabi ni Third. Umupo nalang din siya.

"Ilagay mo ang mga kamay mo sa balikat ni Third, Karsten," Crater.

"Ayoko," agad na sagot ko.

Tumayo si Third. "Ikaw na ang umupo."

Pero hindi ko siya pinansin kahit na inalok niya sa akin ang upuan. Tanging si Crater lang ang tinitingnan at kinakausap ko.

Inalis nalang niya ang upuan sa harap niya kaya kaming dalawa na ang nakatayo ngayon.

"S-sige, okay na rin iyan," Crater.

Nabigla ako nang hinawakan niya ang bewang ko bilang pose niya sa pictorial.

"Ayun! Ang ganda ng mga kuha, another shot," Crater.

Nanatili ako sa posisyon ko mula kanina. Pagkatapos ay ipinakita sa amin ni Crater ang mga litrato. Akalain mo nga naman, iyong picture pala na nasa information area nina Third at Karsten at ang kinaiinggitan ko nang sobra ay picture pala namin ni Third. Ako ang katabi niya sa panahong iyon, I mean ngayon.

"Pili kayo kung saan dito ang ipupublish ko," Crater.

"Kahit saan diyan, ikaw na bahala," sabi ko at umalis ng studio.

××××××

Zodiac University :
Travel Back in Time

© Axinng 2021

Please do not forget to vote for this chapter and follow me. See you on next chapter.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top