Chapter 18

--- SKY'S POV ---

Bakit ba ako napupunta sa kapanahunan na may labanang mangyayari? Nakakaloka 'to ah. Tumabi ako kay Oe sa likuran nina Cass at Ara habang papunta sa cafeteria para kumain.

"Oe, para saan nga ulit 'yong tournament na sinabi ng bata kanina?" bulong ko sa kaniya.

"Ah, yung dahil sa ranking?" sagot niya kaya na-curious na tuloy ako. Wala kasing nakapagsabi sa akin nito na may labanang nangyari kay Karsten dati.

Ah oo nga pala, nakalimutan ng iba.

Nakalimutan nila si Karsten noong namatay siya.

"Anong meron sa ranking?" tanong ko.

"Malay ko sa'yo Karsten, dapat sana mas may alam ka sa bagay na 'yan eh tapos ako tinatanong mo," nasira ko na naman ang ekspresyon ng mukha niya. Hay, ang hirap pala iadapt ng lifestyle ni Karsten. Full of surprises.

Malapit na kami sa cafeteria at saktong nakasalubong namin sina Third at Grus na kakalabas lang ng doon.

Karsten and Third.

Kailangan kong mag-act as Karsten, so dapat sa panahong ito ay close na sila, tama?

May binabasa si Third nang lumagpas kami sa isa't-isa kaya sinapak ko ang balikat niya. At dahil doon ay parehong nagulat sina Third at Oe sa ginawa ko. Pareho silang tumingin sa akin na parang binigyan ako ng anong-problema-mo look.

"A-Ah, pasensya na Third, may sakit lang sa utak 'tong babaeng 'to," awat sa amin ni Oe at hinila ako papalayo nina Third at Grus. I don't get it, hindi ba dapat close na sila pero bakit parang binigyan pa niya ako ng death glare kanina?

"Karsten! What is really wrong with you? Nabagok ba 'yang utak mo nang mawalan ka ng malay kanina ha?!" sermon ni Oe sa akin pero mahina lang ang boses niya para hindi marinig nina Cass at Ara.

"Nawalan ng malay? Ako?" curious ko.

"You were with Gino earlier when you passed out, kaya dinala ka muna namin sa dorm and you woke up 10 minutes later," tugon niya.

"Bakit sa dorm? Bakit hindi sa clinic?" ako.

"Wala kasi si Miss Twinkle kanina, lumabas sila ng campus ni sir Polaris para sa preparation ng graduation ceremony," aniya.

Pumasok na kami sa cafeteria at kumuha ng foods just like the old days.

"Waaah! Ang sarap ng deserts ngayon," puri ni Cass na sobrang cute.

Strawberry cake kasi ang kinuhang dessert ngayon. Nag-slice ako ng part at ibinigay iyon kay Ara. "Alam kong gusto mo ng sweets."

Ngumiti naman siya. "Yep, how did you know?"

Pero bumabagabag pa rin sa akin ang reaksiyon ni Third kanina. Mukhang na misinterpret ko ang kwento ni Oe sa akin dati ah, kailan ba naging close sina Karsten at Third? Argh! Wala talaga akong kaide-ideya, sana tinanong ko nalang dati kung kailan ang exact date noong namatay si Karsten.

"Karsten, good luck sa tournament ah!" ani ni Cass habang ngumunguya ng pagkain.

"Y-yeah," tugon ko.

All I remember is that Karsten was a zodiac liner and was respected in the whole campus. She was the campus princess while Third was the campus prince. Could it be.. could it really be..? Could it be na wala talagang namamagitan nina Third at Karsten?

Kinalaunan ay napadaan ako sa hallway kung saan ko unang nakita si Klyde na nakangiti.

"Ate Sky!" boses niya sa ala-ala ko.

Oh Klyde, namiss kita. Ang sakit talaga sa dibdib, napakamasayahing bata ni Klyde pero--wala na siya.

Lumabas ako ng building at napabisita sa usual spot namin ni Cyrus. Ang daming dahon sa puno ngayon at ang ganda ng simoy ng hangin.

"Okay ka na ba?" may biglang nagtanong sa akin sa likuran ko kaya napalingon ako sabay sabing..

"Cyrus?"

Ngumiti si Gino sa akin. "Haha. Chill, ako lang 'to."

"Gino?!" Agad akong yumakap sa kaniya. Wah! He's alive and well today!

"Anong meron sa'yo ngayon? Bakit parang hindi mo ako nakita ng ilang taon?" tanong niya.

"A-actually may itatanong ako," ako.

Pareho kaming nakaupo ngayon sa ilalim ng puno. Trying to lighten up the mood. Ang ganda talaga ng view ng buong campus mula rito.

"Gino, may alam ka ba tungkol sa tournament ko at sa ranking thingy na sinasabi nila?" tanong ko.

"Bakit mo ako tinatanong? Eh alam mo na naman ang tungkol doon."

"Sabihin mo sa akin, please," pilit ko.

Pero kumunot lang ang noo niya.

"Sige na please, promise bibigyan kita ng advice kung paano mo makuha ang atensyon ni Blu," dagdag ko. Nanlaki ang mga mata niya nang banggitin ko si Blu, haha, good bait pa rin kapag alam mo ang weakness ng isang tao.

"P-paano mo nalaman-- aish sige na nga, ang hirap talagang magtago ng sekreto mula sa'yo," tugon niya.

"Sooo?" Pagpapacute ko.

"Event ito ng mga Zodiac Circle, na bago sila aalis sa campus ay kailangang may tatanghaling Strongest Male and Female of Zodiac University. So they decided to create a ranking system wherein lahat kasali even ang bronze. So obvious naman kung sino ang last na maglalaban, last round na sa susunod na labanan, it means you have to fight against other high rank female student. You have to fight for your position, kung sino ang mananalo ay siya ang top 1 sa mga babae, ang talo ay top 2," explain niya.

"Bakit may ganiyan pa?" bulong ko sa sarili. "Anyway, sino ang nanalo sa lalaki?" tanong ko sa kaniya.

"Si Third as expected," sagot niya habang nakatingin sa kalangitan.

Oo nga pala. Si Third.

"Pareho kayong Zodiac Liner ng makakalaban mo," dagdag niya.

"Ha? S-sino?"

"Okay ka lang ba talaga? Bakit mukhang nagka-amnesia ka?" tugon niya.

"A-ah, aish, sabayan mo nalang ako sa trip ko, panira ka naman," reklamo ko at inirapan siya.

"Kilala mo 'yon, diamond ranker din 'yon pero hindi kayo magkaklase," sagot niya'ng nakatingin sa akin.

"Ah ganun ba?"

"Hindi ko alam ang pangalan niya pero ang alam ko ay Libra ang simbolo niya, though libra known to be charming and peaceful but they are quite dangerous to fight with," dagdag niya.

Napaisip ako kung sinong libra ang tinutukoy niya. Hindi kaya iyong nakalaban ni Crater sa Zodiac Circle Tournament? Pero hindi ako sigurado kung Zodiac Liner ba iyon since nanalo si Crater sa laban nila.

Hindi rin ako sigurado kung kailan ulit maaactivate ang ability kong time-travel, mananatili ako rito bilang si Karsten pati sa araw na iyon, shet.

So, it means I have to fight for Karsten para sa tournament niya. The heck naman, I am traveling for an investigation pero palagi akong mapapasali sa laban. Sana okay lang kayo, tadhana.

But anyway,

There should be a reason why I ended up in this time. Maybe I came here to save Karsten? To prevent her from dying? I don't know.

××××××

Zodiac University :
Travel Back in Time

© Axinng 2021

Please do not forget to vote for this chapter and follow me. See you on next chapter.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top