Chapter 17
--- SKY'S POV ---
"Odette!" Unang lumabas sa bibig ko nang makilala ko siya.
Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa akin pagtanggal ko sa mask niya. Even now, we are so look alike, aside nga lang sa buhok dahil nakableach ang buhok niya. We finally met.
"Hi Sky," bati niya.
Nawala bigla ang antok ng mga kaibigan ko nang masaksihan nila ang pangyayari. Na ang doctor na dinala nila para sa akin ay ang doppleganger ko pala na si Odette. Kung hindi lang sana sinabi ni Chavis ang tungkol sa pagiging doctor ni Odette ay wala sana akong kaide-ideya ngayon.
"A-A real life doppleganger!" Cass.
Bigla akong nahilo sa kinatatayuan ko at sumasakit ang batok ko. Pero hindi nila iyon napansin kasi na intriga pa sila kay Odette.
"I am really finding a way to channel my healing powers to your body Sky, hindi ko lang talaga alam kung paano," wika ni Odette.
Agad akong umiling sa kaniya bilang disagreement. Hindi ako papayag na ibigay niya sa akin ang natatanging abilidad niya bilang doppleganger namin ni Karsten.
"No, Odette, hindi ako papayag na isasakripisyo mo ang abilidad mo sa akin. Your family still needs your hands, even Chavis, and our people, they will need you someday so don't do anything foolish," sermon ko sa kaniya. She realized it too.
"I know Sky, but you helped me back then, please let me help you this time," Odette.
"Huwag na--," natumba ako sa kinatatayuan ko dahil namamanhid ang mga tuhod ko.
"W-what is wrong with you Sky?" natatarantang tanong ni Cass.
"Sky, sa higaan mo," tinulungan ako ni Oe na makatayo pero para akong na paralyze sa puntong ito, na kahit pagsasalita ay hindi ko magawa.
Binuhat nalang ako ni Third para ipahiga ako sa higaan ko. I can see white flashes in my eyes. The same thing I saw when I activated Time Travel kanina.
Oh no, it looks like I can't control this ability anymore. Kusa nalang siyag nag-aactivate mag-isa.
And everything went light again.
Time travel.
Time travel.
--
YEAR 2019 LAST WEEK OF NOVEMBER
Nasaan ako?
Pagmulat ko ay nakahiga ako sa isang napakalambot na kama, naggigintuhang silid at nagniningning ang buong kwarto na parang nasa isang wonderland ako.
Huh?
Wonderland?
Gago! Pamilyar ang lugar na ito!
Agad akong bumangon.
Shutang ina, nasa Zodiac University ako! Kwarto namin ito nina Oe, Ara at Cass. But--but.. anong panahon ngayon? Is it close to our graduation? Ay teyka, noong malapit na ang graduation namin ay iba na ang aming dorm, no, no, iba ang iniisip ko.
Argh! Bakit ba hindi ko makokontrol ang panahon na gusto kong puntahan? Nakakainis na talaga, sinasayang ko lang ang oras ko.
"Time travel! Time travel!" Sigaw ko habang ipinikit ang mga mata na nakatayo sa gitna ng kwarto. Sinubukan kong i-activate ang ability ko pero para akong tanga, walang nangyari.
"Karsten! Gumising ka na pala? Tara, sumabay ka nalang sa amin kumain," wika ng kakapasok na si Oe sa kwarto.
EHHHH???!
KARSTEN????!!
Times 9999999 ang gulat ko ngayon, tiningnan ko ang buong katawan ko sa salamin. Si Karsten ito?? This wavy hair, thick eyelashes, and elegant looking me? Nasa katawan ako ni Karsten?? S-so ibig sabihin may kapangyarihan ako ngayon?
Itinuon ko ang kamay ko sa flower vase ng kwarto at hindi ko inaasahang may lalabas ng fire explosion mula rito kaya sumabog ang vase at gulat na gulat si Oe sa ginawa ko.
"KARSTEN!!" sigaw niya.
"Wha-whe--why--sandali sandali! Kailangan kong mag-isip!" react ko at napahawak sa aking ulo, inaabsorb ang mga nangyayari.
Omg. Nasa katawan ako ni Karsten. Breath Sky! Breath! Huwag kang pahalata. Nasa katawan ka lang naman ni Karsten kagaya nung nasa katawan ka ni Odette. Keep it cool.
"Don't worry, I'll fix it," ani ng kakapasok na si Cass at sumunod sa kaniya si Ara na mahinhin kung maglakad.
S-so buhay pa si Karsten sa panahong ito, it means nasa mga taong 2018 or 2019 ako. Namatay si Karsten around last quarter ng 2019 tapos dumating ako sa Zodiac University mga first quarter ng 2020.
So anong taon ngayon? 2018? O 2019?
"Busy sila, so ibig sabihin ba nito ay wala tayong regular classes dahil sa preparation ng graduation ng mga Zodiac Circle?" open up ni Ara na pormal na nakaupo sa higaan niya. I think na-aawkwardan siyang sa amin sa ngayon. But I know her already, she's the sweetest person I know, at sobrang daldal pa.
But wait? Graduation?
So ibig sabihin.
2019 ngayon.
Ang panahon na kung saan..
NILUSOB NG DARK SOURCE ANG ZODIAC UNIVERSITY??!!
"Well, obviously," sagot ni Oe.
"More than 5 years ang tagal ng Zodiac Circle bago sila gagraduate no? Kung regular student lang sana ay 3 years ang span since naging diamond ranker sila, if hindi tayo magiging Zodiac Circle, we will graduate next year, right?" Cass.
"Yeah, definitely. Imposibleng masali ako sa Zodiac Circle so probably ay gagraduate na ako next year," dagdag ni Ara.
Humarap ako sa kanila at napabuntong-hininga kaya sabay silang napatingin sa akin.
"Are you not confident of your own ability?" tanong ko sa kanila.
"I-it's not that--," Ara.
"We will make it to Zodiac Circle, I guarantee it," dagdag ko.
"Easy for you to say, ang lakas mo kaya, for sure masasali ka," Cass.
"Anong nangyari sa'yo Karsten? Bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin sa'yo ngayon?" nagtatakang tanong ni Oe. Ugh, she said the same thing last 2015 sa Zodiac High. She keeps asking me like that.
"Do you really think na masali ako sa Zodiac Circle?" malumanay na kompirma ni Ara sa akin. Nginitian ko siya't tinabihan sa kaniyang higaan.
"Of course Ara, nakikita ko ang potential mo as a Zodiac Circle, you definitely fit to be one," inakbayan ko siya at sa wakas ay ipinakita na niya ang usual na ekspresyon ni Ara sa amin.
"Unbelievable, I didn't know you're this friendly pala Karsten. Kasi magkasama na tayo sa parehong kwarto for one year pero hindi ka naging ganito sa akin," magalak na compliment ni Ara sa akin.
Natuwa naman ako sa kaniya.
"Aysus! Dapat simula ngayon maging komportable ka na sa amin ha," tugon ko sa kaniya.
Nabaling ang atensyon ko sa lalaking biglang pumasok sa dorm namin.
"Babe, saan ko ba ito ilalagay?" Seryosong tanong ni Crater kay Cass. Wow, ang linis niyang tinganan ah, napakablooming. Mukha siyang batang inaalagaan nang maayos sa kaniyang ina, tidy and buhok niya't pormadong-pormado ang uniporme, samantalang noong unang pasok ko sa University ay medyo magulo ang buhok niya't pang bad boy ang estilo ng pagkakasuot ng uniporme.
Aweee! Buhay nga pala ang CassTer sa panahong ito, na curious pa ako dati kung anong hitsura ng lovestory nila, at totoo ngang maka-langgam. Nyemas!
"Osha! Tara, tara, kakain tayo," yaya ko sa kanila at napatingin kay Oe na abot langit na ang taas ng isang kilay sa akin. Naweweirdohan na rin siya bwahaha.
Paglabas namin ng dorm ay may sumalubong sa akin na isang estudyante.
"Karsten Shol, may tournament ka po na naka-schedule two days from now sa training grounds, pinapaalala lang po ni sir Polaris na huwag niyo raw po itong kalimutan," wika niya.
Ha? Tournament na naman?!
××××××
Zodiac University :
Travel Back in Time
© Axinng 2021
Please do not forget to vote for this chapter and follow me. See you on next chapter.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top