Chapter 16
--- SKY'S POV ---
Nasa mall na kami ni Oe. Sa isang department store.
"Hindi ba kakabili mo lang ng wallet last week?" tanong ni Oe.
Naisipan ko kasing bumili ng wallet para ibigay ko kay Odette bilang pasalamat at paumanhin na rin dahil ginamit ko ang katawan niya sa mission ko.
"May bibigyan lang ako," tugon ko.
"At bakit ka nakamask?" tanong na naman niya.
"W-wala lang, may ubo kasi ako, kakagaling ko lang ng clinic. --eh ikaw? May bibilhin ka ba?" palusot ko pa.
"Wala eh, wala akong naisipan," tugon niya.
Lumabas kami ng department store. Sobrang tahimik lang namin. Wala rin kasi akong maisip na pwedeng libangin.
"Ah, mag karaoke tayo! Tapos mag arcade!" suhestiyon ko.
"Sige!" Oe.
Nag-enjoy na kami. Iba talaga kapag high school years, sobrang genuine ng mga katatawanan kahit sa simpleng bagay lang.
Kinagabihan, tapos na kami sa aming gimik ni Oe kaya naisipan naming umuwi na. Tinawagan namin si Manong Fredo upang sunduin kami sa mall since traffic ngayon sa hi-way at walang masyadong masakyan pauwi.
Saktong paglabas namin sa exit door ni Oe ay huminto siya. "Hala, naiwan ko ang wallet ko sa arcade."
Agad niyang binalikan iyon, naiwan akong mag-isa sa labas. May dumaan sa harap ko na lalaki at nang tininganan ko ang mukha niya ay nagulat ako nang mamukhaan ko siya.
Si Cyrus.
"Cy--," ani ko. Lumingon nga siya sa akin pero umiwas ako ng tingin. Hindi pa kami magkakilala ngayon, ano ba itong iniisip ko.
Mabuti nalang at nakamask ako kaya hindi niya nakita ang mukha ko. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. He looks stylish, may piercing siya sa kaniyang tenga at nakasuot siya ng black leather jacket.
"I got it," Oe.
Nakauwi na kami nang dumating si Manong Fredo. Medyo traffic din ang kalsada ngunit masaya akong nag-enjoy kami ni Oe ngayong araw na ito. Hindi rin siya nagduda sa pagpapanggap ko.
Around 11 in the evening nang umuwi si past Sky galing sa party. Lasing siya. Dumiretso siyang sumubsob sa higaan niya nang hindi man lang hinubad ang jacket at sapatos niya. So inayusan ko siya tutal katawan ko naman 'to.
Hinubad ko ang jacket niya at pati na rin sapatos, sobrang lasing niya talaga. Pinahiga ko na siya nang maayos at inayos ang kumot niya.
"You will forget everything someday Sky, kailangan nating pagbayaran ang kasalanan natin, alam kong magiging mapait ang buhay mo balang araw, pero malalagpasan mo rin ito, huwag kang mag-aalala, maghihintay sa iyo sina Oe, Ara at Cass sa Zodiac University," bulong ko.
Huling paalam ko na sa kanila sa panahong ito, kailangan ko ng bumalik.
Paglabas ko ng kwarto ni past Sky ay tamang-tama rin ang paglabas ng kwarto ang kuya ni Oe.
"Bakit hindi ka pa natulog?" tanong niya. Naka-off shirt siya, kita abs niya.
"M-magbabanyo lang ako," tugon ko at nagpatuloy sa paglalakad. Alam kong may banyo ang kwarto ni Sky pero wala akong ibang maisip na rason. Bahala na si batman.
Bumalik na ako sa hotel at doon na nagbook ng flight pauwi na sa lugar ni Odette.
Umaga ang schedule ng flight ko kaya natulog na muna ako tutal nakahanda na naman ang mga dadalhin ko para kay Odette.
Kinabukasan, papasakay na sana ako ng taxi nang may tumawag sa akin.
"Karsten!"
Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng sigaw. Si Gino pala ang tumawag. Baby face Gino.
"Saan ang punta mo? Akala ko ba may date kayo ng first love mo ngayon?" Tanong niya kaya napakunot ang noo ko. First love? May first love pala si Karsten?
"A-ah basta, eh ikaw? Saan ang punta mo?" ipinasa ko sa kaniya ang tanong.
Magkakilala na pala si Gino at Karsten since outside Zodiac University. Kaya pala malapit talaga sila sa isa't-isa.
"May pupuntahan lang ako," ani niya.
"Ako rin, bye muna," ako.
Sumakay na ako ng taxi. Bad timing naman na nagpakita siyang aalis na ako. Namiss ko rin si Gino pero stop na, baka magiging complicated pa ang lahat.
"Juskong bata ka! Saan ka ba galing ha?!" Bungad ng mama ni Odette sa akin nang makauwi na ako.
"At ano itong mga dala mo?" tanong niya.
Inilapag ko sa mesa ang mga pasalubong ko sa kanila.
"Sorry ma, hindi ako nagpaalam sa inyo pero alam ko kasing hindi niyo ko payagan hehe, nanalo po ako ng contest kahapon, kaya nag out of town po ako saglit, para na rin ma refresh ang utak ko," rason ko. At sa tingin ko ay naniwala naman ang mama niya. Pinagalitan niya talaga ako pero okay lang din naman iyon, responsibilidad ko rin ito.
Nasa kwarto na ako ni Odette at sinulatan ko siya ng mensahe, sana mabasa niya sa paggising niya.
Pinuntahan ko rin ang bespren niya na sigurado akong nagtampo iyon dahil hindi na naman ako pumasok kahapon at ngayon.
"Dalhin mo ako sa favorite spot natin," ani ko sa kaniya. Hula ko lang iyon pero dinala niya talaga ako sa isang cliff, may favorite spot nga talaga sila. Gabi na ngayon kaya nakikita namin ang magagandang city lights at nagniningningang mga bituin mula rito.
"Bespren," wika ko.
"Oh?"
"Naniniwala ka ba sa magic?" tanong ko.
"Magic? I don't know."
"Paano kung totoo sila? At galing sila sa mga butuing iyan?" dagdag ko sabay turo sa kalangitan.
"Ais, ayan na naman ang pagiging imaginative mo Odette, mahilig ka talaga sa pantasya," tugon niya.
"Talaga? Alam mo bespren, masaya ako dahil kilalang-kilala mo ako, --pero what if, may biglang kakaiba sa akin? Like may magic ako or whatsoever, matatanggap mo pa kaya ako?" silly question ko sa kaniya.
"You brought that up again, tinanong mo na ako ng ganiyan dati eh. Remember? Noong nasa 6th grade pa tayo, I almost died because of dengue, but when you held my hand overnight sa hospital, nawala ang dengue ko na parang bula, I always believed na pinagaling mo ako, and not just me, but on your family too. Parang manggagamot ang kamay mo ganun. And you asked me kung what if may magic powers ka?" explain niya. Siyempre namangha ako, so Odette already knew na may healing ability siya. A non-caster na may healing ability.
"What if maging doctor ka nalang Odette, you have the skill to heal people naman eh," bespren.
"Doctor? Not bad," ako.
"Can you stay with me while reaching that dream?" tanong niya. Syempre natigilan ako no. Ano kayang ibig sabihin niya?
"H-ha?"
"I know it's too early, pero, please marry me Odette when the time is right, maghihintay ako kung kailan ka na pwede," dagdag niya.
Napatitig ako sa kaniya. Parang kinakabahan ako sa puntong ito, parang may nalaman ako.
"I-if you really mean it, then state your full name," sabi ko sa kaniya.
"I, Chavis Lim, would like to ask Odette to marry me someday," tugon niya.
Naspeechless ako.
Tumayo ako. "I-I can't answer now, but can you ask me that again? Chavis Lim?"
"S-saan ka pupunta?" Bespren.
Dali-dali akong bumalik sa kwarto ni Odette at may idinagdag sa sulat.
"Do not kill yourself, Odette. Your life is so precious than you can ever imagine."
"Please become a doctor. And help people as many as you can, you were born a healer."
"From: Sky Nunez"
--
Time Travel.
Time Travel.
PRESENT DAY.
Pagmulat ko talaga sa mga mata ko, ang unang ginawa ko ay ang bumangon at agad na nilapitan ang nakatayo sa gilid na si Dr. Lim.
Hindi ako nagdadalawang-isip na tanggalin sa kaniya ang mask niya. At ngumiti ako sa kaniya.
"Odette," wika ko sa kaniya.
××××××
Zodiac University :
Travel Back in Time
© Axinng 2021
Please do not forget to vote for this chapter and follow me. See you on next chapter.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top