Chapter 14
--- SKY'S POV ---
"Hey guys!" may tinawag si Oe sa loob ng tournament area. Pagpasok namin, maraming unfamiliar faces ang aking nakikita. Umaasa pa naman sana ako na makikita ko sina Cass at Ara rito.
"Oe! Sky! Hali kayo!" Isang babae na may malaking ngiti ang kumakaway sa amin. Oh no, sino ba siya? Hindi ko na siya matandaan since wala siya sa Zodiac University.
It is said that we will forget our friends after we move up from Zodiac High to Zodiac University. Therefore, I totally don't know her.
"Sky will participate today," biglang boluntaryo ni Oe ng pangalan ko sa babaeng nilapitan namin. Of course, I am hella surprised na hindi siya nagbibiro kanina.
"Oh really? Mas maganda nga iyan, maraming mag-aabang sa laban mo Sky," tugon niya.
"No, no, not today, can I do it tomorrow?" Sinubukan kong palitan ang desisyon nila subalit as expected, hindi ko madadala sa pagpapacute si Oe.
"Hindi, kasi may posibilidad na hindi ka na naman sisipot bukas, today is today," sagot niya. Aba, parang nanay ko talaga siya ah.
"T-The thing is," wika ko.
"You will be matched with Third Luan after the next match, so be ready Sky," ani ng babae.
Ha? Si Third?
Hmmm.
"Tara, upo tayo roon," ani ni Oe at hinila ako sa bakanteng upuan ng tournament area. Para na akong nawawalan ng kaluluwa sa maaaring mangyari. Eh siyempre kinakabahan ako, kasi first of all, hindi ko katawan ito, baka mapaano. Second, walang kapangyarihan si Odette. Third, baka mahuli ako sa pagpapanggap kong 'to.
"Next match!"
Pumunta na sa gitna ng ring ang dalawang maglalaban. Dalawang lalaki.
"Always remember that you don't have to exaggerate yourself, keep it cool and do your best," payo ni Oe sa akin.
Shutang ina naman, mapapa-do-your-best talaga ako nito nang wala sa oras. Hindi ko naman inisip na masali ako sa labanan pagkarating ko rito. Hay.
"And fight!"
Naglabas ng energy ball ang isang lalaki kaya gumamit ng shield barrier ang kalaban nito.
"Oh ang galing," puri ko.
Binigyan ng kalaban ng sunod sunod na suntok ang lalaking nagfirst move kaya napaatras ito at tinaasan ang depensa. Grabe, iyong suntok niya ay may lakas talaga. Hindi naman sila ganoon kabilis pero nakakamangha na ang mga galaw na binitawan nila.
"Ah by the way Oe, pwede ba tayong mag shopping mamayang uwian?" wika ko kay Oe.
"Sige," sagot niya.
Ang main reason kung bakit ako inadopt sa dad ni Oe ay dahil magkakilala sila ng mom ko, pero naalala ko talaga dati na hindi ako nakagraduate sa Zodiac High. I think sa panghuling school year ko ay may ginawa akong malaking kasalanan na sobrang labag sa paaralan, kaya ipinagtabuyan ako ng dad ni Oe at nakalimutan ko lahat.
Teyka?
Hindi kaya?
No way.
Was I expelled because I accidentally used a Dark Source power?
Argh, I can't remember na kung ano talagang nangyari noong time na iyon. I admit that I was really a brat back then.
At si mama naman, ginamitan niya ako ng erase ability noon na kapag makakagamit ako ng Dark Source power ay makakalimutan ko ito sa ala-ala ko.
Nalilito na ako sa kaibahan ng kapangyarihan ng Ophiuchus ko at kapangyarihan ng Dark Source. May mga nawawalang ala-ala pa rin kahit na ginamitan na ako ng healing ability ni Miss Twinkle dati.
Argh!
Kainis.
"CR na muna ako," ani ko. Pero hindi ako pinayagan ni Oe at binigyan niya ako ng pangkriminal na ekspresyon, haha. "Babalik talaga ako, promise."
Paglabas ko, nadatnan ko si Third na papasok sa tournament area. Nakapamulsa pa ang loko.
"Hmm, mabuti naman at sumipot ka sa kasunduan natin, gagawin mo na ba ang favor?" Ulit na naman niyang sambit sa akin kaya na-curious na ako kung anong favor ba iyon, hindi ko na kasi matandaan.
"Nakalimutan ko, ano ba iyang favor na pinagsasabi mo?" aniyo.
"H-how could you forget that! Dugo at pawis ang isinakripisyo ko dahil doon," sigaw niya kaya mas lalo na tuloy akong na-curious.
"Aish! Sabihin mo na lang kasi!" Sigaw ko rin sa kaniya.
"Ano, um.. sinabi mo sa akin na maglalaban tayo sa tournament area at hindi mo talaga ako lalabanan, sinabi mo na magpapatalo ka sa oras na iyon. Hays, how could you forget something so important?" Nakapamewang siya't nagface palm.
Talaga? Sinabi ko iyon sa kaniya dati?
Edi mas mabuti!!
Wala ng mas good news sa sinabi niya ngayon! Wahaha!
"E-ehem! Huwag kang mag-alala, hindi ako gagamit ng kapangyarihan mamaya, chz iyon lang pala ang favor? Haha. Consider it done!" sagot ko at tinapik ang kaniyang balikat tapos nagpatuloy sa paglalakad tungong CR.
At ngayon, sobrang laki na ng ngiti ko ngayon, nawala na ang down to Earth na kaba ko kanina.
"HOOO!" bigla kong react pag-upo ko ulit sa tabi ni Oe.
"Jusmiyo!" react din ni Oe at napahawak sa dibdib niya.
"Ay sorry, nagulat ba kita? Hehe," sagot ko.
Nag-iba ang ekspresyon ni Oe sa akin na parang nakakain siya ng maasim na pagkain. "Ano bang nangyari sa'yo sa CR at bakit mukhang ang saya mo ngayon?"
"Wala, wala, gumanda lang ang mood ko," aniyo.
"Next match!"
Kampante lang akong pumasok sa loob ng ring at si Third din. Hindi ko akalaing makakalaban ko ngayon ang teen self ng boyfriend ko. Pero ang astig roon ay iniligtas niya pa rin ako, iniligtas niya ako ngayon sa kahihiyan. Hehe labyo Third!
"And fight!"
Always remember Sky na hindi mo katawan ito, weak ang katawan ni Odette kaya ang natatanging magagawa mo lang sa ngayon ay iilag sa mga atake niya.
Naglabas siya ng water splash sa akin kaya agad akong umilag roon.
Alam ko pa rin kung paano makipaglaban kaya come what may na sa mangyayari sa laban na'to.
Binigyan ko siya ng sipa sa paa kaya siya napaluhod. Nagtataka ako kung bakit ang dali lang niyang natamaan. Hindi ba ganoon kalakas si Third dati?
Nilabasan niya ako ng water thread para bihagin niya ako sa kaniyang pagmamahal, aw charot. Nararamdaman kong hindi ganoon kalakas ang water thread niya, hindi gaya kay Ara dati sa Zodiac University.
Kaya pala may favor-favor kami dati kasi alam ni Third na matatalo ko siya. Oh well, hindi ko rin hahayaang mapahiya ang jowa ko no. So I decided to stay still for a while para tatama sa akin ang sunod na atake niya.
Isang water splash ang saktong tumama sa mukha ko, liche ang sakit ha?!
"Whoo! Go Third!" Sigaw ng mga babae sa gilid, at ngumiti naman 'tong loko na 'to sa kanila.
These girls! Grrr.
"Can't you do more than that?" sabi ko sa kaniya.
Please, freaking stop being cute to the girls while I'm here! Grrr.
Umatake na naman siya, at sa pagkakataong ito ay ginamitan niya ako ng combo moves, water thread tapos physical attack at water splash na sunod sunod niyang binitawan kaya napaluhod ako.
"Whoo! I love you Third!" Sigaw ng mga babae.
Sinamaan ko sila ng tingin.
Keep calm Sky, hindi pa kayo magjowa ni Third sa panahong ito. Keep it cool.
Pero..
Pero..
Nagpapacute ang loko! Grr.
Hindi ko napigilan ang sarili kong atakihin siya, sunod sunod na heavy weighted punches at double kicks at binitawan ko sa kaniya. Ang last hit ay sipa sa kaniyang ulo kaya natumba siya pagkatapos ng moves ko.
"OHHH!" Mangha na sigaw ng mga lalaki.
Oh no.
Iyong favor.
Noong bumangon ulit si Third ay nilabasan niya ako ng water splash ulit at hindi ako umilag. Noong tumama ito sa braso ko ay sinadya kong matumba at nag-acting na nawalan ng malay.
"Winner is Third Luan!"
Dinig kong dali-daling lumapit sa akin si Third at binuhat ako sa kung saan, sinilip ko sa kaliwang mata ko kung saan niya ako dadalhin. Sa clinic pala ng school.
××××××
Zodiac University :
Travel Back in Time
© Axinng 2021
Please do not forget to vote for this chapter and follow me. See you on next chapter.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top