Chapter 12
--- SKY'S POV ---
Marami akong gasgas nang madatnan ako ni Bespren sa labas ng paaralan. Mukhang hinitay niya ako.
"Hoy babae! Saan ka ba galing ha?" aniya.
"May inasikaso lang ako, bakit ba?" tugon ko.
Hindi ko napansin na may dala pala siyang bisekleta. Lumapit siya sa akin at binigyan ako ng seryosong mukha.
"Umuwi na ang kuya mo, congrats kasi ikaw pa rin ang top 1," sabi niya.
Mabuti nalang at may karamay si Odette, dahil may bespren siyang handang tumulong sa kaniya. Tinitigan ko lang siya habang naglalakad kami pauwi.
"Bakit ka ba titig nang titig? Naiilang na ako sa'yo," aniya kaya natawa ako.
"Ilan ba ang mga kaibigan ko sa buhay ko? I think alam mo since bespren naman kita," tanong ko.
"Hindi ka kaya pala-kaibigan, at ang hirap mo ring lapitan, sa pagkakaalam ko ay wala ka namang ibang circle of friends, ako lang," tapat na sagot niya.
"Mabuti naman," tugon ko.
"Ha?" gulat niya.
"Promise mo sa akin na hinding-hindi mo ako iiwan ah? At papasayahin mo ako," aniyo.
"H-Ha? Okay ka lang ba?" siya.
Bukas ay naisipan kong puntahan ang Zodiac High, so this will be the last day na makasama ko ang bespren ni Odette.
"Tara, let's celebrate! Let's grab a---," ako.
Naalala kong hindi pa pwedeng uminom si Odette.
"---an ice cream!" dagdag ko.
---
KINABUKASAN
Hindi ako pumasok sa paaralan ni Odette, this time, pupunta ako sa Zodiac High. But since malayo ang lugar ng Zodiac High mula rito, I will need help, yes, malayo talaga na kailangan kong sumakay ng airplane para rito.
Nasa isang public internet cafe ako, para magsearch ng contact details ng Christimatia Company. Sa panahong ito, taong 2015, hawak ako sa pangangalaga ng dad ni Oe. I must call their family for help.
And there, I saw one...
Phone rings..
"Good morning, this is Macy from Christimatia Company, how may I help you today?" Sagot ng babae sa kabilang linya. I know her, siya ang secretary ng dad ni Oe.
"Hello, this is Sky Nunez, can you forward me to Mr. Christimatia please?" sagot ko.
"I'm sorry Ms. Sky but the President is in the middle of a meeting right now, is it okay for you to call back?" tugon niya.
"I see, um--can you forward me to Manong Fredo instead?" sagot ko ulit. Naalala ko na close kami ni Manong Fredo sa kapanahunang ito, ang private driver nina Oe.
Line forwarded..
"Hello Sky?" sagot ng boses ni Manong Fredo sa kabilang linya.
"Manong, um--pwede niyo po ba ako tulungan saglit?"
"Bakit Sky?"
"Ano kasi, nagpractice po kasi ako ng teleportation ability at napunta po ako sa isang unfamiliar na lugar, I mean, napunta po ako sa South, at ang problema po ay hindi ko na magagamit ang ability ulit kasi hindi ko po alam kung paano, hindi ko po kasi nadala ang card ko at wala akong pera ngayon, pwede niyo po ba ako i-book ng flight mula rito at papauwi diyan?"
Tumawa lang siya. "Hay naku Sky, kung anu-ano nalang talaga pinaggagawa mo, alam ba ni Oe na nasa malayong lugar ka ngayon?"
"Hindi po, hindi kami magkasama ngayon kasi may importanteng activity siyang ginagawa ngayon," tugon ko.
"Sige sige, may available flight mamayang 10 AM, hintayin mo nalang ang email ng ticket," aniya. Salamat naman at gumana ang plano ko, as expected, sobrang bait talaga ni Manong Fredo.
---
Finally, naka-uwi na ako sa syudad namin.
Umuwi ako sa bahay nina Oe at kinuha ang mga itinago kong savings sa ibang cards. I remember na marami akong cards noong high school pa ako dahil binibigyan ako ng dad ni Oe as my allowances.
Hindi ako pwedeng manatili rito sa bahay dahil uuwi rin dito ang past self ko na hindi ko alam kung anong ginagawa ngayon.
So magbobook na muna ako ng room sa isang hotel.
"Miss Sky, wala ka pong pasok ngayon?" tanong ng sumalubong sa akin na kasambahay.
"M-meron, umuwi lang ako k-kasi may kinuha ako," tugon ko.
Aalis na sana ako pero nagsalita ulit siya.
"Saan ka po papunta miss? Hindi ka kasi nakasuot ng school uniform," aniya.
Oo nga no, magsusuot nalang ako ng uniform para makapasok ako sa Zodiac High. Good job kasambahay!
Bumalik ako sa kwarto para magbihis. Wow, muntik ko nang makalimutan na may ganito akong wardrobe dati sa bahay nina Oe. As in sobrang gaganda ng mga damit at pang-high class. Medyo mapili rin ako sa damit dati noong ganito pa ang edad ko.
Super chosy.
Ano kayang ginagawa ni past Sky ngayon? Anong araw ba ngayon? October 4, 2015?
I think may magandang nangyari sa akin sa araw na ito pero nakalimutan ko kung ano. Pero hindi bale na, malalaman ko na naman iyon pagdating ko sa Zodiac High. But, I just hope na hindi kami magkikita ni past Sky roon, wahaha.
Itinali ko na ang buhok ko para hindi halatang maikli ang buhok ko ngayon kaysa sa orihinal kong katawan.
Lumabas na ako ng kwarto at malaya akong nakapaglakad-lakad sa buong bahay kasi wala ang dad ni Oe at ang kuya niya.
Sa oras ngayon ay lunch break na ng school, that's the time na hindi strict ang guard ng school at malaya rin akong makakapasok doon kahit na wala akong school ID.
Tinawagan ko si Manong Fredo.
"Oh Sky?" sagot niya.
"Manong, nasa bahay po ako ngayon, pwede niyo po ba akong ihatid sa Zodiac High ngayon?" ani ko.
"Oo, sige Sky, hintayin mo lang ako ng mga sampung minuto."
"Sige po."
Umupo ako sa sofa at napatingin sa malaking portrait ng room, mukha ng buong pamilya ni Oe. Naaalala ko talaga na may malaking crush ako sa kuya ni Oe dati dahil sa angking kagwapuhan nito, haha.
Childhood memories.
Oh wait, teyka. Was it today? Iyong birthday celebration ng non-caster na si Zeke?
Oo nga! Naalala ko. Ngayon iyon noong umuwi akong madaling araw dahil sa sobrang kalasingan. Hindi ako pumasok sa mga klase buong araw kaya good advantage iyon para makapagstroll ako sa buong Zodiac High bilang si Sky Nunez.
Astig ah, naalala ko pa.
××××××
Zodiac University :
Travel Back in Time
© Axinng 2021
Please do not forget to vote for this chapter and follow me. See you on next chapter.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top