Chapter 11

--- OE'S POV ---

Madaling araw na, at pareho kaming nakatulog nina Cass at Third. Pero napansin kong may kakaibang gumagalaw sa may higaan ni Sky. Dahan dahan kong tiningnan ito at nagulat ako nang makita kong may inilagay si Dr. Lim sa injection na hawak niya at itutusok na sana ito kay Sky.

"WHAT DO YOUR THINK YOU'RE DOING?" Sigaw ko.

Nagising sina Third at Cass.

Itinago ni Dr. Lim ang injection sa likod niya.

"Nothing," deny pa niya.

"Don't you deny it! I saw you with my own eyes!" Galit na tugon ko.

-

--- SKY'S POV ---

Kinagabihan, lumabas ako ng bahay para magpahangin. Sa nakikita ko, si Odette ay lumaki sa isang simpleng pamumuhay. Kompleto pa ang pamilya niya, may mama, may papa at may kuya rin siya, ngunit nakakalungkot lang dahil hindi sila magkakasundo.

Napaisip na nga ako kung anong klaseng estudyante si Odette sa paaralan. Well, she's my doppleganger so I'm kinda curious myself.

"Hoy babae, bakit hindi ka pumasok kanina ah?" Tawag ng isang lalaki sa likod ko.

Sino ba 'to?

Wagas kung makatawag ah.

"Ano bang pakialam mo?" sinubukan kong sumagot sa kaniya.

"Ay, maangas na pala ang bespren ko ah," sambit niya at bigla akong inakbayan.

Bespren?

Ohh, bespren pala ito ni Odette?

"Ah, bukas, hindi ba may parent's orientation tayo? Pwede ba ako hindi papasok?" ani ko.

"Hindi pwede, kailangan mong pumasok bukas kasi haharapin pa natin ang nambully sa'yo," tugon niya.

Bully?

"Ano bang ibig mong sabihin? May nambully ba sa akin?" wika ko.

"Hanggang ngayon ba ay itatanggi mo pa rin Odette? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit kailangan ko pang malaman sa ibang tao na matagal ka na palang binubully ni Laressa?" tugon niya.

Binubully pala si Odette sa school? Kaya mas nawalan na siya ng ganang mabuhay? Pero sa anong paraan naman siya binubully?

"Tama ka nga bespren! Hindi ko dapat papalampasin ang mga nambully sa akin, salamat at pinamulat mo ako sa katotohanang ito, ang astig mo talaga!" wika ko.

"W-wha-cha--araw araw naman talaga akong astig hehe," tugon niya.

"Pero hindi ko kaya mag-isa na harapin si Laressa (tama ba ang sinabi kong pangalan?), pwede mo ba ako samahan bukas sa paaralan? Puntahan mo ako rito sa amin bukas ah," wika ko at hinalikan ko siya sa pisngi bilang pasalamat.

"Good night!" bati ko't pumasok sa loob ng bahay ni Odette.

Nasa kwarto ako habang binabasa ang mga text messages na nasa phone niya.

Kadalasan ay text message na may phone name na Bespren. Sa tingin ko ay galing doon sa lalaki kanina.

Ang caring ng lalaki kay Odette, halatang may gusto sa kaniya.

Pero huminto ako sa sunod na text message. Galing kay Laressa.

"Ano na, babaeng may utak talangka? Just give up the competition already! Or else, hindi lang iyan ang aabutin ng pamilya mo, always remember Loserodette na nasa kamay ko pa rin ang kapakanan ng pamilya mo, kiss you, mwua!"

Sino ba 'tong angas na Laressa na'to? How dare she threaten my doppleganger like this?

No, this wont do.

Hindi muna ako aalis dito kapag hindi ko masettle ang problema ni Odette.

KINABUKASAN

Maaga akong naligo tapos nagbihis ng school uniform ni Odette. Wala na akong binago sa mga kagamitan niya, dinala ko na ang ID at bag niya. Odette has shorter hair than mine at may cute bangs din siya, kagaya ni Karsten.

Paglabas ko, naghihintay na sa akin si bespren. I jokingly grabbed his ID para malaman ko ang pangalan niya pero agad niya itong binawi.

"Ooy, pagtatawanan mo na naman ang mukha ko ha!" aniya.

Tumawa lang ako.

Pagdating namin sa paaralan ay mabuti naman at magkaklase kami kaya hindi ako nahirapan na matunton ang classroom at seat ni Odette.

Binasa ko ang Class Officers na nakalagay sa dingding ng may pintuan.

Si Odette ang class president, at si Laressa ang vice-president.

At ngayon, alam ko na ang mukha ni Laressa.

Watch out girl.

"Odette, tawag ka raw ng homeroom teacher natin, nasa faculty siya," wika ng kaklase ni Odette.

Tumango ako't lumabas ng room, at doon ko unang nadatnan si Laressa na may kasamang dalawang babae. Mas matangkad siya kaysa sa akin at ang talas ng mga titig nito sa akin.

Sinadya niya akong harangan ng binti niya kaya nadapa ako at pinagtawanan ng mga estudyante.

"Oops, sorry sinadya ko hahaha!" Sabi pa niya.

Tumayo ako. "Laressa, usap tayo mamaya, sa oras ng parent's orientation, tungkol sa kompetisyon," wika ko sa kaniya at inirapan ko siya. Nagpatuloy ako sa paglalakad at mabuti naman natunton ko agad ang faculty.

"Magandang umaga po," bati ko pagpasok ko sa faculty room.

"Oh Odette! Halika may itatanong lang ako," tawag sa akin ng isang lalaking guro. I think siya ang homeroom teacher ni Odette.

Lumapit ako sa kaniya.

"Odette, can you explain to me why would you suddenly want to withdraw from this important competition?" tanong ng guro sabay bigay sa akin ng papel.

Ang nakalagay sa papel ay DIVISION SCIENCE COMPETITION.

"This is a misunderstanding sir," tugon ko.

Bakit naman nagpapadala si Odette sa threat ng lowly girl na Laressa na iyon? Tsk.

"Then what is the meaning of this paper?" guro.

"My only answer to your concern is that I will never forfeit from the competition," tugon ko at umalis na ng faculty.

This Laressa girl must learn a lesson that she will never forget in her entire life. Don't worry Odette, ililigtas kita.

Kinahapunan, nasa bakanteng lote kami ni Laressa at may dala rin siyang mga kasamahan niya. Anim sila, apat na babae at dalawang lalaki.

"Oh ano to Laressa? Usap lang naman tayo, bakit ka pa nagdala ng back up? 'Takot ka ba?" wika ko.

"Watch your mouth bitch! --So, nakapagdecide ka na ba na umatras sa science competition?" tanong niya.

"Bakit ba gusto mo akong paatrasin sa kompetisyon? Ano ba ang makukuha mo rito? Ginagamit mo rin ang pamilya ko, kapal.." ako.

"Para ako ang ipapalit sayo--," Laressa.

"--oops! Nope! Nope! Huwag ka ng mangarap Laressa, baka mapahiya pa ang paaralan natin dahil sa'yo," sapaw ko.

"What? What did you say?" Laressa.

"No ang sagot ko! Bobo ka ba talaga at hindi ka makaintindi? Napili ako para sa kompetisyong ito para maipanalo ko ang paaralan natin, at ang kapal naman ng mukha mong takutin ako sa kamay mo," ako.

"Gusto mo ba talagang mamatay Odette!!" sigaw ni Laressa.

"Sige ba! Para mumultuhin kita," tugon ko.

Tiningnan niya ang mga kasamahan niya. "Ano pang hinihintay niyo? Bugbugin niyo na siya!"

It's okay to get some wounds today, Odette will heal herself. And besides, her healing powers are now activated because of what I did yesterday. Her healing powers is the same as my resistance ability. An active one.

"Bring it on! ----BITCH!" sigaw ko.

××××××

Zodiac University :
Travel Back in Time

© Axinng 2021

Please do not forget to vote for this chapter and follow me. See you on next chapter.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top