Chapter 1
--- KLYDE'S POV ---
"Aww ang gaganda ng mga future nila," puri ko habang isa-isang nakatingin sa mga estudyante ng Zodiac University. Pinapractice ko kasing kontrolin ang premonition ability ko.
Kasi naman, premonition is a passive ability, and when we say passive, hindi mo makokontrol ito.
So I decided to practice it everyday na makakaya kong kontrolin ito kahit kailan ko gusto, at sana naman hahaba pa ang oras na magkakaroon ako ng glimpse ng future. Normally kasi, around 5 seconds lang ako magkakaroon ng glimpse, but now umaabot na ito ng mga 10 seconds.
"Klyde Thine Ventimus!" Tawag sa akin ng gwapong guro namin.
"S-sir?"
"Kanina pa ako tawag nang tawag sa'yo, mahina bang signal diyan?" guro.
"S-sorry po," sagot ko at tumayo. Hindi ko narinig ang tawag ni sir kasi naaaliw ako sa nakikita ko sa kaniyang future.
"Sagutin mo nalang ang katanungan ng bilang tatlongpu't-anim, multiple choices na iyan kaya madali lang," guro.
"A-ano po um," ako.
Tinitigan ko ang papel na hawak ko at ginamitan ng premonition ability, nakita ko naman ang lahat ng tamang sagot ng mga katanungan.
"Letter B po," sagot ko.
"Very good," guro.
Eh kasi, hindi nila alam na iyon ang ability ko, haha!
Pagkatapos ng klase ay agad akong pumunta sa general hall kasi may organization event ang mga Zodiac Circle doon. Excited naman ako kasi makikita ko ulit si Ate Sky, limang taon na rin silang wala sa campus, and now they're back.
Pagkapasok ko sa general hall, grabe nagsisiksikan ang mga estudyante. Parang ang dami yatang interesado sa organization event ah?
At dahil maliit lang ako, ay este cute size girl, tumalon-talon ako para makita ko ang nakaupong Zodiac Circle sa gitna ng hall. At ayun, nakita ko nga sila, pero wala si Ate Sky.
"Huy Klyde! May naisipan ka bang program para sa organization event? Pwede kang maglagay ng suggestions mo roon sa box," ani ng kaklase kong si Jeslyn.
"Oh talaga? Pwede ba akong mag suggest ng movie marathon?" ako.
"Go, go," Jeslyn.
Pero nahihirapan akong kumuha ng slip para sa suggestion box dahil maraming mga taong nandoon.
Hindi ko sinadyang maitulak ang isang babae.
"Aray!" react niya at sinamaan ako ng tingin.
Oh no, iyong new student pala ang naitulak ko, si Fume. Sobrang suplada talaga ng aura.
"Hoy, sinadya mo talang itulak ako no?" sagot niya.
Tapos nakita ko sa premonition ko na bubugbugin niya ako ilang segundo, yataps na. Run Klyde!
"At ayaw mo pang mag-sorry ha!" sagot niya tapos handa na sanang sabunutan ako pero may pumigil sa kaniya.
"Stop, Fume," ani ng kapatid niyang si Lexi, ate niya.
Woah, hindi ko nakita sa premonition ko na pipigilan siya ng ate niya ah. This is the first time na nangyari ito.
Lexi and Fume are new students since last month, pero ang dali lang nilang nag-rank up, kasi in one month, si Lexi ay naging diamond ranker na while si Fume naman ay kaparehas kong gold ranker.
"Bakit hindi ka tumakbo? Alam mo namang sasabunutan ka na ng kapatid ko hindi ba?" wika ni Lexi na talagang ikinagulat ko. Paano niya nalaman?
Hindi ko rin idedeny na medyo misteryosa ang magkakapatid, parang nararamdaman kong hindi sila iyong tipo na pwede mong maging kaibigan.
Una na silang lumabas sa general hall kaya lumabas na rin ako, mamaya nalang ako magsuggest, nagtutulakan na kasi sila sa loob.
At sa wakas naman, tamang-tama dahil nakita ko si Ate Sky na pabalik na sa general hall.
Sa lahat ng estudyante rito na nakikita ko ang glimpse ng kanilang future, si Ate Sky lang ang hindi ko kayang makita, kahit pa gaano ko gustong masulyapan ang future niya ay hindi ko kaya. Baka dahil sa resistance ability niya kaya hindi siya tinatablan ng premonition ko.
--- SKY'S POV ---
Lumabas na muna ako sa general hall dahil sa daming tao roon, nakakahilo kasi eh. Kumuha nalang ako ng mga panibagong box galing sa storage room para sa mga suggestions ng mga estudyante. Hindi namin inaasahan na sobrang dami ang magsusuggest.
At namangha rin ako kasi halos lahat ng parte ng campus ay may mukha ni Cyrus.
Sobrang popular na ni dimple guy ha.
"Baka may gusto pang sumali sa Fansclub ni Cyrus diyan! Nagrerecruit pa kami!" sigaw ng mga estudyante.
At aba?! May Fansclub na rin.
"Ate Sky!" Tawag sa akin ng pamilyar na boses.
Papabalik na ako sa general hall at hindi ko namalayang may sasalubong sa akin na dalawang babaeng estudyante at hindi na naming naiwasang magbanggaan.
Aray.
Sobrang lakas ng pagkakabangga namin ng babaeng mas matanda pa sa isa. Pero pagkatingin ko sa kaniya ay parang wala lang siya. Pero inirapan niya ako.
Nagtagpo ang aming mga mata pero agad kong napansin ang badge niya, isa siyang diamond ranker.
I suddenly felt a chill, tumingin ako sa dalawang babae at nararamdaman kong may kakaiba sa kanila.
"Uhh, mga new students sila ate, sina Lexi at Fume," wika ni Klyde na kakalapit lang sa akin.
"Oh Klyde, ang taas mo na ah?" bati ko sa kaniya.
"Talaga ate? Tumaas ako?" Klyde.
"Oo naman, dati noong Zodiac Circle ritual ay kasing-taas ka lang ng balikat ko pero ngayon ay sa tenga ko na," tugon ko.
"Hmm, oo nga no, at speaking of height, kasing tangkad mo pala si Lexi, Ate Sky," Klyde.
Pero hindi ko na inisip pa ang dalawang babae kaya nagpatuloy ako sa paglalakad. Tiningnan ko si Klyde na sumabay sa akin at halos abot na sa tenga ang ngiti.
"Ah ate, para saan nga pala iyang mga box?" tanong niya.
"Ito? Para sa suggestion box," tugon ko.
"Oh! T-teyka Ate Sky, may i-susuggest ako," Klyde.
"O-okay, may slip akong dala rito," aniyo. Binigyan ko siya ng slip.
"Yey!" Klyde.
Ngiti lang siya nang ngiti.
Hindi ko akalaing ganito pala ka-masayahing bata si Klyde. 5 Years ago kasi, pag-aalala ang una kong nakita sa mukha niya, at masaya rin akong naging gold ranker na siya na dati sana ay silver.
"Ah by the way Klyde, ano nga palang meron sa Fansclub ni Cyrus?" curious ko.
"Eh kasi gwapo raw si Kuya Cyrus," tugon niya.
"Gwapo?" nagtatakang tanong ko.
"Ayaw na nila nina Third, Grus, at Crater kasi may mga jowa na raw," bulong niya sa akin.
Well, that makes sense. At kung iisipin ko, popular na rin naman si Cyrus simula dati pa na nasa bronze pa lang kami. Palagi niyang sinasabi na wala siyang kaibigan sa campus pero pinagpipilahan na siya ng mga babae noon.
"Heto Ate, ang suggestion ko hehe," Klyde.
Ipinasok niya ang slip sa butas ng box pero bigla siyang napapikit sa kaniyang mata at parang may dinamdam siyang sakit sa kaniyang ulo.
"Klyde! Klyde! Okay ka lang?" natatarantang tanong ko.
"A-Ate Sky, ang sakit ng ulo ko," wika niya bago siya nahimatay kaya gumamit na ako ng ability kong i-teleport ang mga boxes sa table sa loob ng general hall at inalalayan si Klyde. Nagteleport na rin kami tungo sa clinic.
"Sky? Anong nangyari?" bungad ni miss Twinkle.
"H-hindi ko po alam, bigla na lang siyang nahimatay pero sabi niya na masakit daw ang ulo niya," report ko kay miss Twinkle.
"S-sige ako na ang bahala rito, maaari ka ng bumalik sa general hall," miss.
Umatras ako habang pinapanood si miss na ginagamot si Klyde.
"Don't worry Sky, Klyde will be fine," assurance ni miss.
Ibinigay ko na ang tiwala ko kay miss Twinkle tapos lumabas na ako sa clinic. Kinagabihan, tulog na ang mga girls at ako naman ay pinilit ang sarili na makatulog. Pero natatakot ako na baka bangungutin na naman ako at hindi na magising, iniisip ko nalang ang panaginip kong paulit-ulit nalang, halos gabi-gabi na pare-parehong scenario.
"Sky, the battle is not yet over."
Bakit bumabalik ang kaba na nararamdaman ko 5 years ago? Pero kampante ako na wala na ang Dark Source. Ano ba ito?
--- MISS TWINKLE'S POV ---
Masaya ako't gumising na ulit si Klyde.
"Masakit pa rin ba ang ulo mo?" tanong ko.
"Ano pong nangyari?" tanong niya.
"Nahimatay ka kanina, mabuti nalang at naidala ka kaagad ni Sky rito," tugon ko.
"A-ate Sky?" Klyde.
Bumangon siya at kinokondisyon muna ang sarili. Binigyan ko siya ng tubig para ma relax ang katawan niya.
"Miss Twinkle, sa unang pagkakataon, nakita ko ang future ni Ate Sky kanina bago ako nawalan ng malay," ani niya.
"Pero hindi ba sabi mo na hindi mo kayang makita ang future niya?" kompirma ko.
"Opo, pero kanina, nakita ko po, at hindi po siya maganda," tugon niya.
××××××
Zodiac University :
Travel Back in Time
© Axinng 2021
Please do not forget to vote for this chapter and follow me. See you on next chapter.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top