Chapter 9
*** Photo above is Grus Mason ***
*---*---*---*
Nanlaki na naman ang nga mata ko sa sobrang laki ng General Hall. Naglelevitate ang ibang estudyante tungo sa upper wing.
"Tara sa upper wing tayo, nandoon din kasi mga classmates natin," Cass.
"Sige arats!" ako tapos nagsimulang maglakad.
"Saan ka papunta Sky?" gulat na napatanong ni Cass. Nakatingin din ang girls sa akin.
"Sa upper wing hindi ba, sa hagdan?" ako.
"Uh walang hagdan dito," sagot ni Ara.
Napakamot ako sa aking ulo, tapos tingin sa upper wing, tingin sa paligid naghahanap ng hagdan.
"Eh paano tayo makakapunta sa upper wing?" ako.
"Levitation lang," Ara.
Bumalik ako sa tinatayuan ko kanina.
"Guys, hindi ako marunong mag levitate," bulong ko sa kanila.
"Okay lang marunong naman akong magteleport," sabi ni Cass.
Hinawakan niya kaming dalawa ni Ara at nagteleport tungo sa upper wing.
Nyemas! Nahihilo ako sa teleportation, pero bumalik ang sense ko nang makita ko ang pwesto namin, agad naman akong na amaze dahil nasa itaas kami, and I smiled to other students na nandoon.
Biglang may round light na huminto sa amin, parang fairy o alitaptap? I touched it.
"Hahaha! Nakikiliti ako!!" bigla nitong pagsasalita.
Tapos naging hugis tao ito, wow! Si Oe pala. May kakayahan syang mag shapeshift? Super cool!
"Halika Sky, ipapakilala ka namin sa mga classmates namin," sabi ni Ara at kinaladkad ako sa kung saan.
"Hey girls! Ipapakilala ko sa inyo ang bagong roommate namin, si Sky," masiglang pagpapakilala ni Ara sa akin sa kaniyang mga classmates.
"Hey! I'm Kim, nice to meet you Sky," sabi ng magandang girl na nakabraid ang hair. Nakikipagshakehands sya sa akin tapos ako nagawkward smile.
Eh sino namang hindi magiging awkward kung lahat ng nasa upperwing halos nasa diamond rank.
Iba sila, iba ang environment, sobrang confident. You get what I mean? Parang kausap mo mga high officials, naiintindihan ko na kung bakit respetado ang mga high tier.
Maihahalintulad ko sila bilang mga fast learner class sa normal world.
Sa bagay mataas ang rank, parang ang hirap abutin, parang mga celebrity.
"She's a cutie," sabi naman ng kakarating na cute girl na may bangs. Shems! Mas sya naman ang totoong cute ah hindi ako.
"Hi, ako si Anna, and you are?" pagpapakilala niya.
"I'm Sky," ako.
"Nasaan si Carina?" tanong ni Kim kay Anna.
"Nag cr sandali," sagot niya.
Kinalaunan, dumami na ang mga estudyanteng umupo sa upperwing, kanina puro diamonds lang na rank nandito ngayon may halong gold at silver na, ako lang yata ang bronze dito.
Biglang may napadaan na mga lalaki sa harap namin, nakatayo pa rin kasi kami dahil nakikipag chika pa sina Ara, Cass at Oe sa mga kaklase nilang babae.
"Ehem!"
Napatingin ako sa lalaking huminto sa harap ko. Si Crater pala.
"H-hello Crater!" bati ko.
Hindi siya kumibo, tiningnan ko si Cass na kung saan nakatingin, parang nagpaas-if na walang pakialam kay Crater, tapos si Crater naman nagpapalusot na nakikipag-usap sa akin eh klarong-klaro sa mga mata kung saan nakatingin.
Parang ewan itong dalawang ito.
"Tara na Crater!" sabi ng isang lalaki na chinito rin.
Silang dalawa mga diamonds din. So meaning ba nito na magkaklase sina Crater at Cass? Sana all.
"Guys, nasaan si Third?" tanong ni Oe sa dalawa.
"Ewan Oe, umalis na iyon sa dorm kaninang umaga, hindi na bumalik kaya nagbabasakali kaming dumiretso na rito," sagot ng lalaking kasama ni Crater.
"Dapat lang na aattend sya, kundi lagot sya kay sir Polaris," tugon ni Oe.
Hinila na ako ni Cass para umupo na kami sa nireserve nyang upuan para sa aming apat. Kitang-kita namin ang buong General Hall.
Nakita ko din si Cyrus na nakaupo sa pinaka-gilid ng left lower wing. Tahimik lang sya. Oo nga pala, sinabi nya sa akin na wala syang kaclose sa school.
I feel uneasy.
"Cass, pwede ako humingi ng favor?" bulong ko kay Cass.
"Ano iyon?" siya.
"Ibaba mo ako please, pupuntahan ko lang mga kaklase ko," sabi ko.
"S-sure walang problema," agad nyang tugon at nagteleport kami pababa, tapos bumalik naman siya agad sa itaas.
Dumaan na ako sa likod ng mga upuan sa left lower wing para hindi medyo awkward. Nilapitan ko si Cyrus.
"Huy," ako sabay tapik sa balikat niya.
Bumungad na naman sa akin ang malaki niyang ngiti nang makita ako. Tinabihan ko na sya.
"Bakit ang tahimik mo? Para kang out of this world ah?" biro ko pa.
"Hindi kasi ako masyado nakikipaghalu-bilo sa iba, mabuti naman at nakita mo ako," sabi niya.
"Oo, galing ako sa upper wing kasi nandoon ang mga kaibigan ko, eh parang na aawkward ako roon kasi ako lang ang bronze," pagtatapat ko.
Tumingin siya sa upper wing, "oo nga, mga high ranks iyong nandoon, eh wala pa kasing mga beginner tier na marunong mag levitate kaya rito lang kami sa baba."
"Uy dumating si Third," sabi ng random girl na malapit sa amin.
Napatingin ako sa upper wing kung sino si Third. Iyong maputi na guy na may supladong aura, katabi nina Crater, siya si Third? Familiar.
"Anong pangalan mo?" Naalala ko ang isang pangyayari sa may elevator. Hala tama! Siya iyong nanghahawak bigla sa elevator dati ah. Siya rin pala iyong kinakausap ni Oe dati.
"Na miss ko sya," random girl.
"Minsan nalang kasi siya nagpapakita sa public," random girl.
Celebrity rin yata si Third. Halatang-halata.
"Good evening students!" sir Polaris with a microphone.
Lumitaw din ang tatlo pang mga guro.
Si miss Lydia, si miss Twinkle, at si miss Kareen.
Nagsidatingan pa ang ibang teachers na dumaan sa entrance hanggang sa upuan na nakalagay sa harap ng General Hall Stage.
"Settle down! Because we have an important announcement this evening," sir Polaris.
Tahimik na ang buong General Hall, nakaka-impress ang pagiging disiplinado ng bawat isa.
"Alam naman nating lahat na dalawang buwan nalang mangyayari na ang ritual ng Zodiac Circle, at ang rare phenomenon na blue moon," pagsisimula niya.
"Inanyayahan ko ang bawat isa sa pagnominate ng gusto ninyong Zodiac Circle candidate simula sa susunod na linggo, kung hindi kayo makakaboto o makakanominate ipapa-expell namin kayo diretso, kung na nominate kayo o napili bilang candidate at bigla kayong magforfeit, ipapa-expell namin kayo, you must know the rules and regulation of the school otherwise mapipilitan naming i-ban kayo sa school at hinding-hindi na kayo makakabalik pa," sir Polaris.
Grabe naman noon, istrikto sila sa election, sa bagay importante ang Zodiac Circle sa school.
"Miss Lydia will show you the qualifications for Zodiac Circle candidate," sir Polaris.
Nagstep forward si Miss Lydia at gumawa ng hologram gamit ang kaniyang mga kamay.
"Students consider your candidate that he or she must be a high to god tier, in other words kailangan nasa diamond rank to platinum rank na siya," miss Lydia.
"He or she must not have any violation more than 3, he or she must not have any past issues in the school, and he or she must know how to use purely elemental power from the zodiac signs."
Pasado sina Oe, Ara at Cassiopeia sa qualifications ah. Of course dapat lang kasi sila ang inonominate ko.
"Vote wisely and Goodluck!"
*---*---*---*
Do not forget to vote for this chapter!
You can use these hashtags:
#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle
See you on next chapter!
-axinng
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top