Chapter 8
*** Photo above are Oe and Ara ***
*---*---*---*
One week has passed.
Hindi pa rin sumuko si Oe sa akin, tinuruan niya pa rin ako gumamit ng magic.
In the past days, puro meditation ang pinapafocus sa akin ni Oe. "Meditation can unleash the energy in your body para makafocus ka sa mga bagay-bagay, connect yourself to the nature," iyan yung palagi niyang sinasabi sa akin.
"Okay Sky, let's try something else, something easier," Oe.
Nasa loob kami ng dorm namin, wala kasing pasok ngayon kasi may general assembly raw mamayang 6pm. In short, magkitakita kami lahat ng estudyante, at bawal ang hindi sisipot sa assembly.
Nag-meditation pose na naman kami face-to-face, nakacrossed-legged tapos inilapag namin ang mga kamay namin sa ibabaw ng binti namin.
"Can you feel this?" Oe.
"Oo, parang tingling," ako.
Nakaka-kalma sa mga kamay nang pinaramdam sa akin ni Oe ang enerhiya niya na lumalabas sa mga kamay niya.
"It's air, I am an air elemental user, an Aquarius to be exact," explain pa ni Oe sa akin.
"So ako isang fire user? Kasi isa akong Leo," sabi ko naman, at tumango siya.
"Now, you do it," Oe. "Close your eyes, and feel the energy in your stomach."
Hearing it from Oe is like really feeling something tingling in my stomach.
"You've been meditating for days, I know lalabas iyan, believe it Sky," Oe.
Tingling...tingling...tingling...
Bigla akong nabingi na parang may soundwave na pumapasok sa tenga ko.
And now something is flashing in my mind.
Ang daming images na lumalabas sa isipan ko. Random events na hindi ko alam kung nag-eexist ba kaya o kaya ay pantasya na naman.
"Sky, sweetie come here may ipapakilala ako sa iyo," boses ni mama.
Mama.. Naalala ko ulit na nakangiti ang mama ko, after 11 years.
Wait, I almost forgot about this memory, when I was 8, mama used to introduce me to her friends.
"Ang laki na niya Meggan," boses ng isang lalaki na hindi ko na matandaan ang mukha.
"Super ganda ng anak ko at sobrang wise, I know lalaki siyang palaban," those words na sobrang nakakagaan pakinggan, kung gaano ako inaadmire ni mama noon, at iyon ang dahilan kung bakit lumalaban pa rin ako ngayon.
And now I feel the tingling all over my arms.
"You are not selfish Sky, stop being someone you're not," wika ng kamukha ko, reflection ko, na dati nakikita ko lang na nakablack long dress sa salamin but this time, ako ang nakasuot ng black velvet gown. But there's still a reflection standing in front of me.
"You don't know me," dagdag ng reflection ko sa salamin.
"Who are you? Bakit hindi ko nakikita sarili ko sayo?" tanong ko.
"I am you, but a different version of you, we are the same yet different in some aspects, I'm not in my place to tell you everything, you have to know it yourself," dagdag niya.
A different version of me? Someone that even me isn't aware of? What do you mean?
Biglang nagflash ang scenario sa araw nang namatay ang mama ko, it was late night when someone entered our house and broke our window glass. I saw my mama lying on the floor covered with blood.
I tried to reach her, pero sabi niya "Magtago ka Sky, umalis ka sa bahay at magtago ka malayo rito."
Biglang umilaw ang kamay ni mama.
Magic?
Gumawa siya ng dimension sa tapat ko.
Obedient child. Crying. Pumasok ako sa dimension, nasa labas na ako ng bahay at tumakbo palayo and that was the biggest regret in my life.
Hindi pa ako masyadong nakalayo, nakita kong biglang sumabog ang bahay namin, wala na ako sa sarili, gusto kong bumalik sa loob para iligtas si mama pero bigla akong nahimatay.
And the saddest part there, I lost all those memories until now. Ngayon ko lang ulit naalala lahat ng iyon. After that incident, nagka-amnesia ako. Maybe it's because of trauma.
Why would I even forget such a very tragic moment?
"Sky," Oe.
Napamulat ako na basa ang aking mga mata. And I saw my hands glowed. Nagulat ako.
"You did it," masiglang sambit ni Oe sabay bigay ng congratulations look.
"O-Oe, I-I remember, the day when my mama died, m-may ability sya Oe, may magic ang mama ko," hagulhol ko.
"Well, then that explains why you have to be in this school, baka kagustuhan iyon ng mama mo," Oe.
Umiyak ako nang umiyak, bakit ngayon ko lang naalala iyon?
Pero pinilit ko pang tandaan ang ibang ala-ala. Piece by piece lang na bumabalik ang mga ala-ala ko.
Iyak pa din ako nang iyak, niyakap naman ako ni Oe at tinapik-tapik ang aking balikat. "I'm here for you Sky."
Kakarating lang nina Cass at Ara with matching anong-nangyari look.
"Guys, she did it, she released her energy," sabik na pagbabahagi ni Oe sa dalawa.
"Really? Awww congrats Sky," sabay nila tapos sumali sa pagyakap sa akin.
"I knew you can do it!" sabi ni Ara.
"Pero malungkot sya kasi naalala niya ang tragic moment nya dati," Oe.
"Sky nandito lang kami, tatlo kami na pwedeng pumunas sa luha mo," sabi ni Cass.
At dahil ayoko nang mag-alala pa ang tatlo, tumayo na ako't pinunasan ang mga luha ko. Binalik ko ang masigla kong mood. Medyo nanghihina ako dahil sa pagrelease ko ng energy.
"Okay girls, magready na tayo kasi malapit na 6pm, better be early than to be late or else we'll get an F," masigla kong sabi.
Nakita ko naman na ngumiti ang tatlo, "Okay let's go!" react nila.
At sabay na kaming naghahanda, nagbihis na ako ng school uniform at sinuklayan ang buhok ko, nilagyan ko na rin ng pulbo ang mukha ko para hindi halata na umiyak ako.
Habang nakaharap ako sa salamin, napansin ko ang logo ng uniform ko na may bronze badge. Biglang lumaki ang ngiti ko dahil sa progress na ito.
Agad ko iyong ibinahagi sa girls and they congratulated me... again.
"Oh Sky that's wonderful!!"
"Congratulations!!"
"Let's eat something sweet mamaya!!"
Parang nakakagaan sa pakiramdam ah. Na may kaibigan kang masabihan ng sarili mong progress.
"Come on girls! Let's go!" sabi ni Ara sa kaniyang cute na boses, na nasa labas na ng dorm kumakaway sa aming tatlo. Lumabas na rin kami at nilock ni Oe ang pinto.
Papunta na kaming apat sa General Hall na kung saan mangyayari ang general assembly.
*---*---*---*
Do not forget to vote for this chapter!
You can use these hashtags:
#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle
See you on next chapter!
-axinng
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top