Chapter 73
*** Photo above is Sky Nunez ***
*---*---*---*
Namulat ako sa init ng ulo ko. Ginamot pala ako ni miss Twinkle. At ang unang bumungad sa paningin ko ay ang mukha ng tatlong pinakamatalik kong kaibigan.
"Are you crazy?" tanong ng napaiyak na si Oe.
"Mabuti naman nagkamalay ka pang babaita ka," sita sa akin ni Cass.
"Ilan ang daliri ko? Sumagot ka Sky!" Ara.
Hindi na ako nagdadalawang-isip na yakapin sila. Sobrang saya ko ngayon na okay na sila. Sobrang saya ko na naging matino na sila ulit. Sobrang saya-saya ko.
Pero nanlaki ang mga mata ko nang iba na ang lugar namin. Nasa isang madilim na kwarto kami kasama ang ibang kasamahan namin.
"Nasaan si Third?" tanong ko.
"Ayun, umalpas," Ara.
Tumayo na ako't napatingin sa mga kasamahan naming puno na ng sugat ngayon.
"And Cyrus?" dagdag ko.
"Umalis din siya," Cass.
"Si sir Polaris?" dagdag ko ulit.
"We don't know," sila.
"Let's find Third, tara," ako.
Pagkabukas ko sa pintuan ng room ay parang nag-ooptical illusion ito. Nag-iiba ang labasan ng room.
"Ano ito?" ako.
"Parang nasa maze tayo ngayon, once lalabas tayo, magkakahiwa-hiwalay talaga tayo nito," tugon ni Grus.
Pero sa tingin ko wala pang sumubok na lumabas, nandito pa kasi kaming lahat. But we shouldn't stay here. We have to find him. Or ako, kasi responsibilidad kong harapin siya. And bring back my Third.
Umakma akong lalabas pero hinawakan ang kamay ko ni miss Friah. "We should go all together."
Napangiti ako nang konti, kahit papano may karamay ako sa mundong ito. Sapat na ito para mas magkaroon ako ng lakas ng loob. Tumayo na silang lahat at handang lumabas kasabay ko.
Naghawak-kamay kami ngayon para hindi kami magkakahiwalay. Sobrang dami na ng hallway ngayon, hindi ko alam kung saan patungo.
"Dito tayo," wika ni miss Friah.
Nangunguna ngayon si miss Friah sa amin. Siya na ang naglead sa aming lahat. Nihindi kami huminto sa paglalakad na parang alam na alam niya ang daan.
Kinalaunan ay nadatnan namin ang nakatayong si Third sa loob ng Zodiac Shrine.
"Sa wakas," bungad ni Third.
Umuusok ngayon ang aura niya. Hindi na pisces ang nasa leeg niya ngayon kundi scorpio. Pulang-pula na rin ngayon ang mga mata niya na dati sana ay green.
Nararamdaman ko ang aura niya. I've never felt a power like this before, it's so strong. So this is the power of a god?
Biglang hinawakan ni miss Friah ang kamay ko. Ngumiti siya sa akin.
"Everything will be fine, you have me," wika niya.
Napakunot ang noo ko sa pagtataka, ano bang ibig niyang sabihin? Nakatingin siya ngayon kay Third at napangiti rin. Parang kampante siya na matatalo namin ang diyos ng Scorpio.
"You will always be my favorite, my Canopus," dagdag ni miss Friah.
Nalilito ako sa pinagsasabi ni miss. Tumingin ako sa paligid at ang nakakuha sa atensyon ko ay ang estatwa sa gilid, ang estatwa na sinabi ng guro namin dati na si Canopus daw. Nagulat ako nang malinaw kong nakita ang mukha ng Canopus na 'yon. Kamukha ko siya.
"Ikaw, si Karsten at dalawa pang iba, ang descendants ng apprentice kong si Canopus, 'yon ang paliwanag kung bakit magkamukha kayo ni Karsten, nakuha n'yo iyan kay Canopus," explain pa ni miss Friah.
"T-Teyka, s-sino ka?" nauutal kong tanong.
Ngumiti na naman siya sa akin. "Ako si Hiyera, ang diyosa ng Ophiuchus."
Whaaaaaaaaaaat?
Nag-transform siya sa isang usok at sumanib sa akin. Pati ang mga kasamahan ko ay nagulat sa nasaksihan nila. Na ang dating snobberang guro ay isa palang goddess ng Zodiacus.
And now I felt the most unreal thing. I feel so very powerful.
Biglang gumalaw ang sahig at gumawa na naman ng panibagong optical illusion kaya nagkahiwa-hiwalay kami ng mga kaibigan ko. Naiwan kaming dalawa ni Third sa isang hallway.
"Let's start," wika niya.
Agad siyang umatake sa akin ng napakalakas na kapangyarihan. Halos nabasag ang mga window glass sa simpleng hit niya. Rumesponde naman ako agad ng pagkasunod-sunod na atakeng pampisikal sa kaniya.
Noong umatake ulit si Third sa akin. Nabigla ako nang umeksena si Cyrus. Kinakalaban niya si Third ngayon.
"Cyrus?" gulat na tanong ko.
Pero hindi ba natamaan din siya ng black hollow? Kaya dapat na sa akin siya kumakalaban pero bakit parang kinampihan niya pa ako ngayon?
"I lied Sky," tugon ni Cyrus.
"Ha?" ako.
"Isa na akong Dark Source dati pa, napag-utusan lang akong pumasok dito sa Zodiac University para mangyari ang ganito, hindi ko naman talaga kagustuhan lahat ng ito pero--," tugon niya.
"Anooo?!" ako.
"All those times na magkasama tayo, may mission na ako na gawin ito, at isa na akong Dark Source nun," tugon niya.
Nanlaki ang mga mata ko.
"Pero hindi ako nagsinungaling sa nararamdaman ko sa iyo," dagdag niya.
Bigla siyang tumalsik palayo nang nilabasan siya ng napakalakas na water attack ni Third.
Lumipad ako tungo sa himpapawid, at doon ko unang nakita ang nakapalibot sa buong Zodiac University. Syeeeeeet! Ang gandaaa! Ang buong campus pala ay nasa ibabaw ng nakalutang na bundok. Ito ay napapalibutan ng isang napakalawak na lawa.
Sumunod din sa akin si Third.
"Third! Gumising ka! Hindi naman natin kailangan maglaban nang ganito eh, bumalik ka na sa akin please," wika ko.
Sa halip ay naglabas siya ng kakaibang kapangyarihan na napapalibutan ng tubig. He never smiled. He just looked at me coldly. Sobrang cold mo na.
Naglabas din ako ng ability. Isang puting enerhiya na sobrang laki. Mas malaki pa sa katawan ko. Binitawan ko na 'yon nang binitawan din ni Third ang kapangyarihan niya, tumalsik ako papalayo. Naalala ko ang mukha ni Third dati sabay sabing poprotektahan niya ako. Hindi lang ako makapaniwala na kakalabanin niya lang pala ako balang-araw.
Bumalik ako sa kaniya sabay labas ng sunod-sunod na puting apoy.
Gumanti siya sa akin ng water splash ability at sunod-sunod rin na water beam. Mas malakas pa rin si Third keysa sa akin.
Binitag niya ako sa kaniyang water attack kaya gumawa ako ng shield barrier. Kayang mag-transform ang shield barrier ko sa isang matalim na sandata. At ngayo'y nakaharap ito sa direksyon niya. W-woah wait, mamamatay si Third nito kapag matatamaan. Si Third pa rin ang laman ng isip ko kahit na nasa peligro ang buhay ko. Hays.
Nung nabitawan ko iyon. Nagteleport ako tungo sa harapan niya para pigilan iyon. Narinig ko ang boses ng hinding-hindi ko inaasahan.
"Lucky star," malumanay na bulong niya sa akin.
Tinunaw ko ang shield barrier at napaharap sa kaniya. Nakita kong may tumulo na luha sa kaniyang kanang mata, pero ang kulay pa rin ng mga mata niya ay pula.
Bigla siyang naglabas ng napakalakas na energy bomb mula sa itaas kaya tumalsik na naman ako. Tumama rin sa akin ang sunod-sunod na atake niya.
Inatake ko rin siya pero hindi ko magawang labasan siya ng ultra-power. Ayaw ko siyang saktan at lalo na ngayon na sobrang lakas ng kapangyarihan ko.
Nagteleport siya sa likuran ko at sinuntok ako mula sa itaas kaya tumalsik na naman ako pero sa pagkakataong ito ay pabalik sa campus. Bumaon ang katawan ko sa diamond building hanggang sa ground floor.
Ang sakit ng katawan ko!!
Tiningnan ko lang si Third na nakatuon sa akin ngayon ang kaniyang kamay at handang bumitaw ng panglast hit na kapangyarihan. Pero noong bintawan na niya ay parang kinontrol niya ito na hindi tatama sa akin. Narinig kong sumabog ito sa malayo.
Nagteleport siya ngayon sa harapan ko. He's still raging with black smoke. Tumayo ako. Hinarap ko siya habang tumutulo ang mga luha ko. He's still there somewhere.
"Third, come back to me," wika ko.
Parang nilalabanan niya ngayon ang sarili niya. Namumula na siya sa pagpupumigil. Napaluhod siya. Napansin kong nagpapalit ang kulay ng mata niya sa pula at berde.
"Third," ako. Nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon sa kaniya.
Lumapit ako sa kaniya. Lumuhod na rin ako at hinawakan ang magkabilang balikat niya.
"S-s-stay a-away S-Sky," nauutal niyang sambit.
Nakikita ko ang mga ugat sa leeg at noo niya. Sobra niyang pinipigilang umatake sa akin. My heart shattered when he do this. Nasa kaniya pa rin ang black hollow.
Itinaas ko ang mukha niya nang dahan-dahan hanggang sa nag-abot ang mga mata namin. He's crying in pain. And I am in pain watching him suffering. Let's end this now.
"Come back to me my love, I love you," ako.
I kissed him.
Hinigop ko ang black hollow sa katawan niya. At sa puntong ito, kampante akong magiging okay na ulit ang lahat.
Sumusuka na naman ako ng dugo. But this time I am not worried anymore. I smiled.
Nakita kong lumabas sa katawan ni Third ang kaluluwa ng diyos ng Scorpio at lumabas din sa katawan ko ang diyosa ng Ophiuchus na si diyosa Hiyera. Nagpatuloy sila sa paglaban.
Nanghihina ang katawan ko, pero masaya ako nang makita muli ang nakangiting si Third.
At unti-unti akong nawalan ng malay.
When I opened my eyes. Unang nakikita ko ay ang pagmumukha ni Grinch. Niyakap ko siya nang napakahigpit.
"I thought I'd lost you forever," sambit ko.
I can feel he's smiling. "I love you too, my lucky star."
Nakita ko rin si miss Friah na nakatayo sa gilid namin. She's also smiling.
"You did it Sky," miss Friah.
"O-okay na po lahat? Nasaan na po ang hari?" ako.
"He's gone," miss.
Sabay kaming lumabas ng building. Nakita namin ang masasayang mukha ng mga estudyante na nakatingin sa amin. Pati na sina Ara, Oe at Cass, at mga kaibigan namin. Ang ganda ng sikat ng araw ngayon.
Puno pa rin ng mga pasa ang mukha namin, pero napalitan ito ng matatamis naming mga ngiti.
Lumapit ako sa mga Zodiac Circle, nandito rin si Cyrus, but he just smiled. He admitted na isa siyang Dark Source pero he saved me. And he's still my friend.
"Good job," Cyrus.
Pero nalulungkot pa rin sina Anna at Kim dahil sa pagkawala ni Carina. Lumapit na rin sa amin sina miss Lydia, at miss Twinkle.
Nakita rin naming lumabas ng building si sir Polaris at nagulat sa paligid ng nakikita niya.
"Hindi na kompleto ang Zodiac Circle, paano na 'yan?" Anna.
Naging tahimik ang grupo. Tama, hindi oras para magsaya.
"Sinong may sabing hindi kompleto aber?" sigaw ng babaeng papalapit sa amin.
At nanlaki ang nga mata namin nang tiningnan namin kung sino 'yon.
"Carina?" gulat na sigaw namin.
She approached us and hugged us. "You did well guys, even without me."
"Teyka, paano---?" Kim.
"My twin died for us. Coreen is gone, noong sinaksak kasi ako ni Grus sa likod agad siyang pumalit sa akin," Carina.
"She said na it's not your time to die sis, live life to the fullest," dagdag niya.
"Oh my goodness!" Anna. Niyakap niya ulit si Carina.
"Hays handa na pa naman sana ang farewell speech ko kay Carina eh," biro pa ni Crater.
"Ay aba, aba!" patawang tugon ni Carina.
Nag-group hug kami.
"I do apologize for the commotion, I will bring back the University to it's grounds dahil itinayo rin naman ito ni Canopus," eksena ni miss Friah.
Nang makita namin siya, hindi namin alam kung mag-bo-bow ba kami o luluhod sa isang goddess.
"Are you really a goddess?" Kim.
"Spiritually yes, but this body is not, Friah is just a shell, sinadya ko lang talaga pumasok dito para makilala ko ang descendant ng apprentice ko, hindi ko na kasi naabutan si Karsten," miss Friah.
"Kaya nga namangha ako nang makita ko sa personal si ate Sky," eksena rin ni Klyde. "Dahil kamukha niya si Canopus."
Nagtawanan kami lahat.
At the end of the day, good still wins. Kung nawalan lang sana ako ng pag-asa malamang hindi ito mangyayari.
The sun rises as it open a new door of opportunities.
I don't know but I feel great this time.
*---*---*---*
Do not forget to vote for this chapter!
You can use these hashtags:
#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle
See you on next chapter!
-axinng
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top