Chapter 71
*** Photo above is Carina Lewis ***
*---*---*---*
Hinila ako ni Anna gamit ang kaniyang thread ability. Nakahanda ngayon ang mga boys sa pag-atake.
"Blu, what's the plan?" tanong ni Vita.
"Paghiwalayin natin sila since hindi kayang pagsabayin ni Sky na higupin ang black hollow nila," sagot pa ni Blu.
Nararamdaman ko ngayon ang lakas ng aura ng paligid. Nasa itaas kami ngayon ng bronze building. Nabaling naman ang atensyon ko sa nag-fa-flash na imahe ng Zodiacus sa likod nila. Could it be? Nandoon ang hari ng Dark Source?
"S-sino ang hari?" tanong ko sa kanila.
"Si sir Polaris, Sky," tugon.
Biglang nagteleport si Crater malapit sa amin at naglabas ng napakalaking energy ball sa kamay. Agad kaming naghiwalay ng landas bago tumama ang energy ball. Pinaghatian na naming harapin ang dalawa. Me, Carina and Vita will deal with Crater, while Anna, Blu and Kim will deal with Grus.
Sunod-sunod na naglabas ng maliliit na energy ball si Crater sa amin. Sobrang bilis niya at sobrang alerto. Naglabas ako ng flame wreck sa kaniya. Naglabas din ng air attack si Carina. Sinundan din ito ng water attack ni Vita.
Binigyan ko si Crater ng triple kick at kasunod na energy bomb mula sa katawan ko. Tumalsik siya pero bumalik ulit sa amin. Binitag siya ng water ability ni Vita sabayan ng air ability rin ni Carina. Pero sa isang iglap ay natunaw ito. Itinaas ni Crater ang kaniyang kanang kamay at bigla nalang kaming napapalibutan ng sobrang lakas ng hangin na may halong maliliit na tibo ng basag na salamin. Sugat-sugat na ngayon ang braso at mukha namin.
"This is beyond my capacity, ito na ang pinakamataas na lebel ng kapangyarihan ng hangin," sigaw ni Carina.
Hindi kami makagalaw dahil sa nakakabingi na hangin sa paligid namin. Sa puntong ito, wala akong ibang maisip kundi ang magwala sa loob. Mas lalong nilakasan ni Crater ang hangin. Gustong-gusto kong sagipin ang mga kaibigan ko.
Suddenly, a raging thunder is released from my body, pinakamalakas na yata na kidlat na nagawa ko. Tinamaan silang tatlo sa kidlat ko kaya tumalsik sila. Pero itinuon ko na ang sarili ko kay Crater na nasa rooftop ng bronze building.
His stare is still as cold as ice.
Pero wala na akong inaksayang panahon kundi ang sugurin siya ng fire attack ko. Lumipad ako pababa sa kaniya na nasa harapan ko ang aking apoy. Tumama ito sa kaniya at sabay kaming bumaon sa loob ng building hanggang sa umabot kami ng ground floor. Agad ko siyang itinali sa mga bato at sinakal sabay higop ng kaniyang black hollow.
"Come back Crater, Cass still needs you," wika ko.
Napahiga ako sa sakit ng katawan ko, sumusuka na naman ako ng dugo. Pero good news ay naririnig kong umuubo si Crater sa tabi ko.
"Sky?" Crater.
Pinahinga ko muna ang sarili ko pero naluluha pa rin ako sa sakit. Sige lang, kaya ko namang matiis ito para sa kapakanan ng mga kaibigan ko.
Napatanaw lang ako sa itaas ng building na ngayo'y butas dahil sa pagkakabaon namin ni Crater. Mabuti naman hindi nagcollapse ang building.
Unti-unti akong bumangon at inalalayan naman ako ni Crater. "Hanapin muna natin si miss Twinkle, n-nasa labas siya, hindi ko mahihigop ang black hollow ni Grus sa ganitong sitwasyon."
Pagkalabas namin, nakita namin sina miss Twinkle, miss Friah at si Klyde na nakatingin sa itaas. Halos lumilindol ngayon sa buong campus sa labanan ng mga Zodiac Circle. Pinahiga muna ako ni miss Twinkle at ginagamot.
"M-miss, nasaan ang ibang estudyante?" tanong ko.
"Ikinulong sila sa training grounds," tugon ni miss Twinkle.
Sana okay lang sila roon.
"P-pasenya ka na nagawa ko 'to sa'yo Sky," wika ni Crater.
"Okay lang Crater, masaya na rin naman ako na bumalik ka na sa dati," ako. Pinilit kong ngumiti.
"Salamat, dahil binanggit mo ang pangalan ni Cass," Crater.
"Laban lang Sky, alam kong magiging okay din ang lahat," wika ni miss Friah.
Hinawakan ko ang kamay niya at napangiti. She never failed to motivate me. I am glad na hindi namin kalaban si miss Friah. Bumangon na ako't tiningnan si Grus sa itaas. Kalaban ngayon ni Grus ang limang girls.
"Lalaban din kami," miss Twinkle.
"Thank you miss pero kami lang po muna ang bahala," ako.
Lumipad na kaming pareho ni Crater. Biglang naglabas ng mga bato si Grus papunta sa amin kaya gumawa agad ako ng shield barrier. He's a capricorn so he's much stronger than Crater.
Umatake sa kaniya si Anna gamit ang kaniyang earth manipulator ability. Kinopya naman ang mga galaw niya ni Grus. Pero makokopya kaya niya kung dalawa ang aatake sa kaniya? Umatake rin ako sa kaniya sa likod. Nilabasan ko siya ng sunod-sunod na fire attack. Nagteleport si Crater sa itaas niya at binigyan siya ng elbow hit kaya bumagsak ang katawan niya sa building.
Pero nagteleport din agad si Grus sa tabi ni Crater at ginawang bato ang katawan niya.
"Crater!" sigaw ko.
Sobrang bilis ni Grus, hindi ko siya basta-bastang matatamaan kapag mataas ang kaniyang depensa.
Pinapalutang niya ngayon ang maliliit na bato sa paligid niya. At naging matatalim ito na sandata. Nyemas! Makakapatay talaga ng tao 'yang bagay na 'yan. Ako lang mag-isa ang nasa likod ni Grus at halos silang lahat ay nasa harap niya. Doon niya itinuon ang mga sandata sa kanila. Nang binitawan niya ay agad akong nagteleport sa pagitan nila at gumawa ako ng napakalaking shield barrier para hindi makalusot ang sandata.
"Get off me!" sigaw ni Grus.
Nabaling ang atensyon ko kay Grus nang nakahawak si Carina sa kaniyang likuran ngayon. Pinch grip tie. Nagpupumilit bitawan si Grus sa kaniya pero mas hinigpitan ito ni Carina.
"Sky!" tawag ni Carina sa akin.
Umaksyon na akong higupin ang black hollow ni Grus pero bago ko pa man gawin 'yon, nakita kong sumusuka ng dugo si Carina.
"C-Carina!!" ako.
"Sky! Gawin mo na!" Carina.
Tuluyan ko nang hinigop ang black hollow sa katawan niya. Nang matapos ko na ay sabay kaming tatlo na bumagsak sa lupa.
Hindi ko na maigalaw ang katawan ko pero nakita kong nakahandusay rin si Carina malapit sa akin. She's not moving. Hindi na rin siya humihinga. Nakatitig lang siya ngayon sa kalangitan habang basa ang kaniyang mga mata sa luha. There are also blood from her mouth. I want to go beside her but I can't move my body dahil sa sakit ng tiyan ko.
"C-Carina," nauutal kong tawag sa kaniya.
Nilapitan na siya ng mga kasamahan namin. At napansin kong umiiyak sina Kim at Anna. Bakit sila umiiyak? P-papabangunin n'yo siya please.
"C-Carina?" ako.
Nabibingi ako sa sakit ng katawan ko. Hindi ko sila masyadong naririnig. Bakit sila umiiyak? Wala namang nangyari kay Carina hindi ba? Walang dapat na nangyari sa kaniya.
"Sky!" tawag sa akin ni miss Twinkle.
"M-miss gamutin n'yo po muna si C-Carina," ako.
Miss just gave me a sad reaction. Hinawakan niya ang tiyan ko at ginamot ito.
"N-no! H-heal Carina first!" sigaw ko.
Mas lalong lumakas ang pag-iyak nina Anna at Kim habang pinikit naman ni Crater ang mga mata ni Carina.
Pinilit kong bumangon. "W-what are you doing?! S-she's not---," naputol ang sasabihin ko nang umiling si Crater.
"No!" ako.
*---*---*---*
Do not forget to vote for this chapter!
You can use these hashtags:
#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle
See you on next chapter!
-axinng
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top