Chapter 70
*** Photo above is Kimberly Tarru ***
*---*---*---*
Nasa loob ako ng building, malapit na ring sumikat ang araw, sobrang tahimik ng hallway patungong principal's office ngayon. Sobrang dilim din ng daanan, parang haunted house na 'to ah. Nasaan kaya ang ibang Zodiac Circle? Nasaan din si sir Polaris?
Pumasok ako sa opisina niya at kinuha doon ang Dark Source detector. Malaking tulong ito sa akin kasi hindi ko alam kung ang kaharap ko ay Dark Source o hindi, hindi kasi nagbabago ang aura nila. Papalabas na sana ako nang madatnan ako nina Kim at Anna. Syet! Dalawang Zodiac Circle, okay pa ako nito?
Biglang nag-iba ang silid na parang nagiging optical illusion ito? Illusion trick? Nakikita kong umaatake sila sa akin pero hindi ko sila nahahawakan. They're playing tricks on me. Nakita kong kumikinang din ang mga mata nila, they are using their zodiac power.
Nadatnan din kami ni Carina na ngayo'y nasa likuran ko. Na-korner ako ng tatlo. Okay, tatlong Zodiac Circle, good luck sa sikmura ko. Napansin kong parang wala sa sarili ngayon si Carina, na parang kinakalaban niya ngayon ang sarili niya. Aatake na sana siya sa akin pero may nagpupumigil sa kaniya.
"Sky! Tanggalin mo ang black hollow sa katawan ko, ngayon din!" utos na sigaw ni Carina. Itim ngayon ang mga mata niya. Teyka, hindi si Carina 'to, kundi si Coreen.
Seems like Coreen isn't affected with black hollow, isa lang natamaan sa kanila at 'yon ay si Carina. But I am still glad na kilala ako ni Coreen at may alam din siya tungkol sa akin.
Carina is fighting against her. Sinakal niya ako pataas hanggang sa wala na akong natatapakan sa sahig. Nararamdaman kong may tingling na bumabalot sa leeg ko. Mayroon akong resistance ability kaya hindi ito tatalab sa akin. The more I am scared of getting attacked, the more I cannot resist their powers. Agad ko siyang sinipa at binigyan ng elbow attack. At nung nawalan ng depensa si Carina ay agad ko siyang sinakal sa sahig at hinigop ang kaniyang black hollow. Sumuka ako ng napakaraming dugo.
Carina's eyes turned to black again. "Thank you Sky, I'll deal with them for now, magpagaling ka muna hanggang sa bumalik ang lakas mo."
I couldn't hear anything for now, nabibingi ako sa sakit ng katawan ko, but I can see the glass windows shattered habang naglalaban ang magbabarkada. Don't lose your senses Sky, there are still more to go. You still have to save your friends, and Cyrus, and Third.
"Sky! Unahin mo si Kim sa paghigop ng black hollow kasi mas malakas siya," Coreen.
Nang bumalik na ang lakas ko, agad kong tinulungan si Coreen sa pakikipaglaban. Kasangga ko ngayon si Kim. Grabe nakakatakot siya kapag nag-fifierce look. I can sense her aura raging. Napapalibutan ng apoy ang mga kamay niya ngayon habang ang mga kamay ko naman ay napapalibutan din ng itim na usok. She stepped her right foot forward which created a fire towards me but I neglected it when I used some water splash.
"You can use water element?" nagtatakang tanong niya.
Kinontrol ko ang pinakamalapit na puno para makuha ko ang ugat nito at sinakal sa kaniya. Dumikit siya ngayon sa dingding habang tinitingnan ako sa baba. May dugo ngayon na lumalabas sa bibig niya.
"Actually, I can use all element," tugon ko sa kaniya.
Agad kong hinigop ang black hollow niya nang itinuon ko ang mga kamay ko sa kaniya, pero naputol ito nang inatake ako bigla ni Anna. Kinontrol din niya ang ugat na nakasakal ngayon ni Kim kaya nakalaya si Kim nito. Ibinaling ni Anna ang mga ugat sa akin kaya ako na ngayon ang nasakal. Isang earth elemental user din kasi itong si Anna.
"Do you have any death wish?" tanong ni Anna sa akin.
"Gustong-gusto niya talagang mamatay," dagdag ni Kim.
Biglang nagsibasagan ang natitirang window glass sa paligid namin at lumakas ang hangin mula sa labas. Napatakip ng mga mukha ang dalawa habang napalingon-lingon sa paligid. Nakita naming nakalutang ngayon si Carina na napapalibutan ng puting usok ang mga kamay niya at naging puti rin ang kulay ng mga mata niya. She dragged us outside gamit ang isang malaking buhawi. Galit na galit ngayon ang mukha niya, natangay sa itaas sina Kim at Anna samantalang ako ay nanatili sa lugar ko malapit ni Carina. When I saw the Dark Source detector, hindi ito umilaw. Carina is back.
"Sky, NOW!" sigaw ni Carina.
Tumigil na ang buhawi at sabay bumagsak sa lupa ang dalawa. Agad kong hinigop ang black hollow mula sa katawan nila nang sabay hanggang naubusan na'ko ng hininga sa sobrang sakit.
"Sky! Sky!" tawag ni Carina habang papalapit sa akin.
Unti-unti akong nabibingi at unti-unti rin akong nanghihina. I can see so much blood in my hands na galing sa bibig ko. Unti-unti ring lumalabo ang paningin ko. I can only see a grayish sky in front of me with the reflection of my friends' faces. Sobrang nag-aalala na talaga ako sa kanila, especially kay Third.
"Sky, stay with me," boses ni miss Twinkle.
Nararamdaman ko ang kapangyarihan ni miss Twinkle sa tiyan ko. She is healing me.
"Hindi mo dapat hinihigop ang black hollow nang sabay-sabay, it can kill you Sky," boses ni miss Friah.
Tuluyan nang nandilim ang paningin ko, this shit is really going to kill me. But I won't step back now, I don't care if I die, I just want to save them all.
"O-okay na ba siya?" Carina.
Napamulat ako nang maramdaman ko ang aura ni Grus. Agad akong lumutang sa itaas. Nabaling ngayon sa akin ang atensyon niya. He smirked. Kumikinang ngayon ang mga mata niya. His ability is imitation right? Kailangan ako maging alerto sa mga kinikilos ko.
Hindi siya gumawa ng anumang kilos, I guess hinihintay niya na ako ang unang umatake. He can copy my moves but he cannot copy my ability. Nakikita ko ngayon sa likuran niya ang pagsikat ng araw. His cold stares are pinching my nerves. Mas lalo akong nainis sa Dark Source. Ginawa nilang ganito ang mga kaibigan ko.
"You found me," wika niya.
I controlled all the stones around us. Pinakawalan ko lahat ng iyon sa direksyon niya. He defended himself with his arms habang papaatras nang papaatras. Pinahinto niya ang natitirang mga bato at binalik niya iyon sa akin. I surrounded myself with a shield barrier. I can see the figure of his Zodiac Guradian behind him, it's protecting him. Bigla siyang naglabas ng energy bomb papunta sa akin kaya tumalsik ako paatras pero may pumigil sa akin sa likuran. Wala akong makita pero alam kong may nagpapahinto sa akin. Nakita ko ang Dark Source detector na umiilaw. Well, there's no one else who knows how to be invisible. Aside ni Gino, mayroon kaming Crater.
"Hello Sky," unti-unti siyang nagpapakita sa akin.
He used his air attack on me para ibitag ako sa kaniyang hangin. Papaliit nang papaliit ang size nito kaya ilang minuto pwede akong pigain sa loob. Gagamit sana ako ng ability pero itinali ni Grus ang dalawang kamay ko sa likuran ko with thorn stems.
"Die," Crater said with his insanely evil stare.
"Crater wake up! Huwag mong hahayaang ma-devour ka ng Dark Source!" sigaw ko.
Halos nauubusan na ako ng hininga sa loob dahil sa sobrang hangin na nakapalibot sa akin. I can't move my hands, paano ko na mahihigop ang black hollow nila?
"Huwag mong patayin Crater," biglang wika ni Grus.
The wind stops. I looked at Grus face nung sinabi niya yun.
"The King still needs her," dagdag niya.
King? Sinong King?
Biglang sumagi sa isipan ko ang mga katagang binitawan ng una kong nakalaban na Dark Source sa healing river. He said something about their king. Ang hari daw nila ay interesado sa akin.
"Tama ka, dalhin natin siya sa hari," tugon ni Crater.
Pero nahinto silang dalawa nang may naglabas ng laser ability sa ibaba. Lumutang sa di kalayuan namin ang lima naming kasamahan na sina Vita, Blu, Anna, Carina at si Kim. At nasa likuran din nila ang kanilang mga Zodiac Guardians.
"Bago niyo hahawakan si Sky, harapin n'yo muna kami," wika ni Kim.
*---*---*---*
Do not forget to vote for this chapter!
You can use these hashtags:
#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle
See you on next chapter!
-axinng
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top