Chapter 7

*** Photo above is Cyrus Park ***

*---*---*---*

"Eh hindi naman pala forever iyong kidlat thingy ng pinto eh, hahah," sabi ko at tumawa.

"Buti naman, anong akala mo sa sarili mo ha, may lifesteal ka?" galit na sagot ni Cyrus sa akin.

"Grabe naman ito, so concern ka na rin sa akin?" biro kong tugon.

"Oo, bilang kaibigan mo," sagot niya na parang pinamukha niya talaga sa akin ang mga salita niya.

"Oo na, nagpapasalamat din ako dahil perfect timing yung nangyari kanina," ako.

Nagsimula na akong maglakad.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"S-sa cafeteria, may friends akong nag-aantay doon, sama ka?" ako.

"Ah hindi na, next time nalang, may gagawin din naman ako, kita nalang tayo sa training grounds mamaya," wika niya.

So nagbye na ako at nagtungo sa cafeteria. Bumungad naman sa akin ang malaking ngiti ng tatlo.

"Sky! Come here sweetie!" tawag sa akin ni Cass.

"Musta unang pasok mo?" tanong nila.

"Okay lang naman, ba't hindi niyo sinabi na times two pala ang kaba na ibibigay ni miss Kareen sa amin?" ako.

"Hahaha, ganun talaga iyon Sky, pampatrigger sa ability mo," sagot ni Oe.

Kumuha na ako ng pagkain at nakisabay sa kanila. As usual nagkukulitan ang mga girls. Kung hindi lang sila gumagamit ng ability normal lang naman talaga silang tingnan.

"Sky, mahilig ka rin ba sa ice cream?" tanong ni Ara sa akin.

"Ahwno? Hwinde," sagot ko habang nakanguya ng pagkain. "Hindi ko mahilig sa ice cream pero kumakain ako."

"Ilang taon ka nga pala Sky?" Oe.

"19."

"Omg magkasing edad lang tayo! Except ni Oe kasi matanda siya sa atin ng months," Ara.

"Yeah, she's our mama in our group," Cass.

Kumuha na naman ng sweets sina Ara at Cass sa counter habang nagpatuloy kami ni Oe sa pagkain.

"Ano nga pala pinapagawa ni miss Kareen sa inyo?" tanong ni Oe sa akin.

"Ano, spell casting na hindi ko naman alam kung paano gagawin," lungkot na sagot ko.

Kinuha niya ang isa sa chopstick na ginamit ni Cass kanina at isang styrocup na walang laman.

"Levitate!" sudden spell cast niya, biglang lumutang ang styrocup.

"Woah"

"Spell casting ang pinaka-basic na paggamit ng kapangyarihan, it's only a simple witchcraft, I can teach you if you want," alok niya.

"Talaga?" me with excitement.

Nabaling ang atensyon niya sa may likuran ko kaya napatingin na rin ako. Malalim ang tingin niya sa mga group of boys na papasok sa cafeteria. Halos lahat ay may badge na diamond. Familiar iyng isa nila na may headphone sa leeg. Ay wait si Crater ba yun?

"I'll be right back," sabi ni Oe tapos tumayo parang patungo sa mga lalaki.

"Oh, saan papunta iyon?" tanong ni Ara sa akin na kakabalik lang at may dalang mango float kasama si Cass.

"I'm not sure," ako. Nag heart-heart naman ang mga mata ko sa mango float, apat na slice ang dinala nila tapos tig-iisang nilagay ni Cass sa mga side namin.

Nag-enjoy muna kami sa pagkain.

"Ano nga palang meron sa training grounds?" tanong ko.

"Well, except sa favorite part ko iyon ng school, training grounds ang lugar na kung saan malaya kang nakapag-gamit sa iyong ability, it's a wide field or like a dimension na walang katapusan, at isa lang ang pasukan at labasan, ginawa daw iyon ng pinaka-unang Zodiac Circle ng paaralan, as graduation project nila dati thousand years ago, as what I've learned," sagot ni Ara.

"Ano iyong Zodiac Circle? Parang Student Council Officers?" ako.

Tumango siya. "Oo, parang ganun na rin," Ara.

Naubos na naming tatlo ang aming mango float pero hindi pa rin bumalik si Oe. Nawala rin siya sa paningin namin na kanina ay nasa entrance lang siya ng cafeteria. Bigla naman akong naiihi.

"Um excuse me guys, may cr ba malapit dito?" tanong ko sa kanila.

"Yeah, sa may entrance ng cafeteria," sagot ni Cass.

Tumayo ako at nagtungo sa cr, pagpasok ko sa girls' comfort room grabe! sobrang ganda na pang hotel ang kagandahan ng cr, ang laki ng salamin tapos may yellow light sa ilalim nito. Pero back to reality, naiihi na talaga ako. Pagkatapos ay naghugas na ako ng kamay at nanalamin. Grabe kitang-kita ang pores ko sa kintab ng salamin. Halos kulay white and gold ang nasa paligid ko.

"Super cute din ng uniform," bulong ko.

Lumabas na ako at tamang-tama naman ang pagkakarinig ko na parang may nag-aaway. Walang ibang tao sa area ng tinatayuan ko ngayon kaya sinundan ko ang boses ng nagtatalo. May ibang hallway pala malapit sa boys' comfort room at nandun sa first door ang boses.

"ANO BA THIRD!" sigaw ng nasa loob na boses babae. Huminto ang mga paa ko nang makalapit na ako sa kwarto.

Teyka familiar yata yung boses na iyon ah, parang boses ni Oe.

"Wala ka ng pakialam doon Oe, pabayaan mo na nga lang ako," sagot naman ng lalaking boses.

Si Oe nga talaga, tapos Third naman iyong lalaki.

"Nasisiraan ka na nga talaga, why would you suddenly want to give up your rank? For what huh?" sumbat ni Oe.

"Tss!"

"5 months na ang lumipas Third! Stop acting like this please, hindi ka na rin pumapasok sa klase," Oe.

Ano kayang issue ng dalawang 'to? Nevermind, makaalis na nga. Nang-iisue na ako rito hahaha.

"Bumalik ka na sa dati Third, at alam kong iyon din ang gustong mangyari ni Karsten sa'yo," Oe.

Huminto ang mga paa ko nang marinig ko ang pangalan ni Karsten, lover yata ni Karsten itong si Third.

"Kaya nga ako nagkakaganito dahil sa kaniya," Third.

"Third, don't be selfish, kapakanan din ng paaralan ang nakasalalay dito, kailangan ka ng Zodiac Circle, nag-aalala rin sa iyo si sir Polaris," Oe.

"Are you done talking? Step aside, lalabas na ako," Third.

Dali-dali naman akong umalis sa area.

"O saan ka galing?" tanong ni Ara sa likuran ko, si Oe pala nakasunod sa akin.

"Tidying things up," Oe.

"We saved you your mango float," nakangiting sambit ni Cass. Napaupo na kaming dalawa ni Oe. Gusto ko sanang i-open up iyong about sa cr kaso baka isipin nya na napakachismosa ko.

I understand how Karsten affects all of them. I feel bad and I know how it feels losing someone you care so much, it's the same with me losing my mom when I was eight. And it changed the whole me.

"Sky--?"

"H-huh?" ako.

"Sasamahan ka namin sa training grounds, diba roon ang next class mo?" Cass.

"S-sure mas mabuti na nga iyan para hindi ako maligaw," tugon ko. Tumayo ako't pumunta sa water despenser ng cafeteria. Sobrang sweet kasi ng mango float.

"Friend mo pala si Cassiopeia?" biglang may nagsalita sa likod ko na boses lalaki, agad ko namang nilingon, si Crater pala.

"H-hi Crater, um si Cass ba? Eh kasi roommate kami," ako.

"Ah, oo nga pala," ani niya.

"Bakit? Type mo ba siya?" Sabi ko at uminom ng tubig.

"H-ha? H-hin-- uh, sabihin mo nalang sa kaniya na nangangamusta ako," Crater. Halatang namumula pisngi ng isang ito, napatingin naman ako kay Cass na tumatawa habang nakipagkwentuhan sa mga girls. Bagay din sila, kasi gwapo itong si Crater tsaka maganda si Cass.

"Aysus, crush mo no? Sige lang sasabihin ko talaga sa kaniya iyan," kompirma ko.

Lumabas na kaming mga girls sa cafeteria para ihatid nila ako sa training grounds.

"Cass, kamusta ka nga pala raw sabi ni Crater," sabi ko nang nasa harap na kami ng entrance ng training grounds.

Napatingin naman silang tatlo sa akin na parang may nasabi akong nakakaintriga.

"Uh, may nasabi ba akong mali?" ako.

"S-si Crater?" Cass.

"Oo, halatang may crush nga sa'yo eh," ako.

"May iba pa ba syang sinabi?" Cass.

"Wala na, iyon lang," ako.

Biglang natahimik si Cassiopeia. May nasabi ba talaga akong mali?

"Alam mo, mukhang suplada lang si Cass pero marupok iyan," Oe.

"Ay wait? May something ba ninyo?" ako.

"Silly! ex boyfriend ni Cass si Crater!" Oe.

"Oh, really?" tugon ko.

Huli na pala ako sa balita.

Fast forward. The day is over, I feel exhausted kaya nag-ready na ako ng pantulog, first time kong sinuot ang pajama ng school, sobrang lambot.

Walang masyadong nangyari sa training grounds namin kanina, ayun makulit pa rin si Cyrus, and Oe kept her promise na tuturuan niya ako ng simple magic spell.

Looking forward for some improvement sana.

*---*---*---*

Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top