Chapter 68

Zodiac University..

Zodiac Circle...

Oe, Ara, Cass...

Third...

Nagising ako nang may umaalog-alog sa akin, I can smell the sweetness of egg sandwhich at egg pie na bagong luto. Hay parang nagugutom na ako ah?

"Ate gumising ka," boses ng bata.

Napamulat ako, nasa isang malaking kwarto ako at nakahiga sa isang queen size bed. Nakasuot din ako ng mamahaling night gown na kulay pink. Napalingon-lingon ako sa paligid, maraming mga picture ko sa silid. Ang tanong, nasaan ba ako?

"Iha, ipinagluluto kita ng scrambled egg," bungad sa akin ng isang matandang babae.

W-wait, this doesn't feels right. What is going on?

"Sino po kayo?" tanong ko.

"Nagbibiro ka ba apo?" lola. Nagtaka naman ako nang tinawag niya akong apo. Sino ba 'tong matandang ito?

Agad akong bumangon at tiningnan ang labas ng bintana, maraming bahay sa lugar, kaninong bahay ba 'tong pinasukan ko? Marami ring tao sa labas na parang naglalaro. Bumaba na ako't mas tiningnan nang malapitan ang labas. Sino sila? hindi ko pa sila nakikita sa buong buhay ko. Nasaan ba ako? Diba dapat nasa Zodiac University ako?

"Apo, ano bang nangyayari sa'yo?" lola.

Napatingin ako sa isang malaking portrait sa gitna ng guest room. Nakita ko ang mukha ni mama na katabi ang matandang babae. Where am I really?

"Namimiss mo ba ang mama mo?" tanong ng matanda.

"Sino po kayo?" tanong ko din.

"Sky, ako ang lola mo," tugon niya.

"Wala akong lola, sino ka ba talaga?" ako.

"Lola mo ako, ako si Aitana Nunez, at anak ko si Meggan Nunez, ang mama mo," tugon niya.

Napatingin sa buong paligid, sobrang laki at sobrang daming expensive furnitures, nyems! ito ba ang mansion ng mga Nunez? Iyong sinabi ni miss Twinkle na mayaman daw ang mama ko, ito ba iyon? At siya ang lola ko?

But why am I here?

"Maligo ka na kasi malelate ka na sa klase mo," aniya niya. Napakunot ang noo ko.

Klase? What the heck is going on? I still have to go back to Zodiac University dahil nasa peligrong kalagayan ngayon ang buong paaralan.

"Kailangan kong bumalik sa Zodiac Univ," sambit ko at nilagpasan siya. Nalilito ako kung magbibihis pa ba ako o pupunta na agad doon?

"Sa Phoerexia International University ka nag-aaral iha, nakalimutan mo na ba?" lola.

What? Phoerexia International University? Hindi ako pamilyar sa pangalan ng paaralan, but step that aside, "I-I need to wake up if this is a dream," ani ko.

Biglang umilaw ang mga kamay ni lola na parang binigyan niya ako ng hypnotizing dust sa mukha ko, paglingon ko nasa kwarto ulit ako.

"You must be very lonely, Sky," lola.

She has powers!

"Huh?" ako.

"When your friends died, it was hard for you to move on," lola.

Died? Friends? Who?

"Oe, Ara and Cassiopeia," dagdag niya. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Ano raw? Patay na sila? What?

"Don't joke around like that, t-they're not dead," ako.

"You're really stubborn Sky, just like your mom," lola. 

"If ikaw talaga ang lola ko, sabihin mo sa akin kung paano ako naging Ophiuchus?" deperada kong tanong. Napangiti naman siya. Kinakaway niya ang kamay niya kaya biglang gumabi, at may fireplace din ang kwarto ko na pinapaapoy ni lola.

This dream is different from my typical dreams. Nanaginip ako sa taong hindi ko pa nakikita sa buong buhay ko.

"Ang Nunez family ay nabibilang sa elemento ng apoy iha, isa akong Sagittarius, at Aries naman ang mama mo, pero itong si Meggan kasi, sobrang tigas ng ulo nito, umibig siya sa taong hindi dapat iibigin, umibig siya sa isang Scorpio," pagkukwento pa ni lola.

"Forbidden love?" ako. Bahagya siyang ngumiti.

"Oo apo ko, mahal na mahal niya ang papa mo talaga pero one sided love lang ang nangyari, hindi sinuklian ng papa mo ang pag-ibig ng mama mo, sa halip ay iniwanan ang mama mo habang pinagbubuntis ka pa niya," lola.

"Iniwan niya ang mama ko?" ako. Ang salbahe naman pakinggan.

"Produkto ka ng forbidden love apo, itinuring kang kaparusahan sa mata ng ibang tao pero ipinaglaban ka ng mama mo at pinalaki nang maayos," lola.

Produkto ng forbidden love.

"P-pero patay na po ang papa ko hindi ba?" tanong ko.

"Hindi, buhay pa siya iha, at noong malaman niya ang espesyal sa'yo, tinangka ka niyang kunin mula sa mama mo," pagpatuloy niya.

Si papa pala 'yon? Si papa ang pumatay kay mama. Tsk.

"Alam kong nalilito ka ngayon Sky, ang laki ng responsibilidad na hinaharap mo ngayon, ikaw ang bumuhat sa kasalanan na nagawa ng mama at papa mo," lola.

I am a product of forbidden's love, I am the only Ophiuchus existed in the world now, I have a doppelganger but she died tragically, what else do I have to take responsible for? Ang pagmamahal ko kay Third?

"Sino ba ang gumawa ng forbidden love na 'yan?" inis na tanong ko.

"Si Diyosa Hiyera," lola.

"Bakit pa niya ginawa ang forbidden love? May galit ba siya sa mga nag-iibigan?" tanong ko.

Hinahaplos-haplos ni lola ngayon ang buhok ko.

"Sa pagkakaalam ko, na-broken hearted si Diyosa Hiyera dati dahil pinagtaksilan siya ng matalik niyang kaibigan nang akitin nito ang kasintahan niya, si Diyosa Hiyera kasi ang pinakamalakas na diyosa dati kaya nagawa niya 'yon," tugon ni lola.

Biglang sinunog ni lola ang braso ko kaya nabigla ako, "a-anong ginagawa mo lola?!" sigaw ko. Sobrang lakas din ni lola, hindi basta-basta ang kapangyarihan niya, kung hindi lang din ako fire elemental user, malamang sunog na ako.

Huminto naman ang mga apoy sa braso ko, salamat naman.

"Ito ang ability na hindi mo alam na meron ka," lola.

"P-po?" ako.

"Meron kang resistance ability," lola.

Biglang nag-iba ang lugar, nasa loob ako ng clinic, noong araw na dinala si Blu sa clinic dahil sa pagkakahulog niya mula sa railings dati. Nasa Zodiac University na ulit ako? Pero parang hindi nila ako nakikita, nasa gilid lang ako habang pinapanood sila.

"Sabihin mo, ano ba talagang nangyari?" tanong ni miss Twinkle kay Blu.

"It was just a misunderstanding miss, tinulungan lang ako ni Sky," Blu.

"Mabuti naman kung ganoon ang nangyari," miss.

"Pero may kakaiba kay Sky miss," Blu.

"Bakit?" miss.

"Kasi noong nakakapit ako sa kaniya, binigyan ko siya ng flame wreck para mabitawan niya ako, pero hindi siya natablan, parang hindi siya tinatablan ng fire elemental power ko," Blu.

"Sky really do brings us surprises, isn't she?" miss.

"Kaya nga iniisip ko kung paano ko siya matatalo sa tournament," Blu.

"I also noticed that Blu, dahil sa lahat ng pasyente kong natamaan ng black hollow, si Sky lang ang naka-survive, hindi siya basta-basta natatablan ng kahit na ano," miss.

So that's how I survived the black hollow before? Dahil may resistance ability ako?

"Now you understand Sky," boses ni lola.

Bumalik ang paligid sa hinihigaan ko sa mansion ng Nunez.

"This is actually not a dream, nasa future ka Sky, 2 years later pagkatapos mawasak ang Zodiac University, and our world right now is really not in good shape," dagdag niya.

Napatingin ulit ako sa paligid, nasa future ako?

"I only made an artificial environment para sa mga pamangkin mo, pero ang kalagayan ng nasa labas nito ay sobrang wasak na dahil sa Dark Source."

"You know Sky, you are from the past, and the present Sky always told me na darating ang araw na makakausap ko ang nakaraan niya, hindi ko alam na ngayong araw na pala iyon. Yes, Sky, you can also travel in time."

"It is true that your friends died in the war, so the Sors is giving you a chance to change it, save them Sky, save them all, and if success ang mission mo, I will be here, waiting for you, always," huling sambit ni lola at nagising ako sa loob ng Zodiac Shrine.

*---*---*---*

Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top