Chapter 67
Pumasok na ang Zodiac Circle members as well as some teachers. Tinarayan na naman ako ni Vita.
"What are you doing here cripple?" Vita.
"Makinig kayo guys, huwag niyong ituloy ang ritual," ako.
Nagulat naman sila nang sabihin ko 'yon. Parang sasabog na ang mukha ng isang guro nang sabihin ko 'yon.
"Wow, looks like someone's jealous ah, hindi mo pa rin ba tanggap ang pagkatalo mo?" Vita.
"How dare you say that?" sita sa akin ng isang babaeng guro.
"This only happens once in a blue moon, sino ka ba para sabihin na huwag ituloy ang ritual?" sita rin sa akin ng isang lalaking guro.
"Know your place kid, show some respect to your Zodiac Circle," sita rin ng isa pang guro.
Naging kasalanan ko na naman kahit na gusto ko lang gawin ang tama. Agad na hinawakan ni miss Twinkle ang kamay ko para patahimikin ako. It's useless to say it na.
"Kailangan kang masali Sky," bulong ni miss Twinkle sa akin.
"Miss Twinkle! How could you bring up some outsider students in this room!" sigaw ng isang mataray na guro kay miss Twinkle kaya tumaas ang alimpatakan ko sa inis.
"Get her out of here!" dagdag niya.
Bigla akong hinila ng dalawang lalaking guro pero umayaw ako at nagpupumilit na manatili sa loob. "NO! I'LL STAY HERE!" sigaw ko.
"Get your hands off her!" sigaw ni Third sa mga guro.
Seryosong mukha ngayon si Third. At pati na ang ibang Zodiac Circle members.
"You shouldn't do that in front of us if you want to keep this ritual," dagdag din ni Oe sabay cross-arm.
"Tama," Cass.
"Tama," Ara.
"Fine, then let's proceed, close the door! No time to waste!" tugon ng mataray na guro, mas mataray pa ito kaysa kay miss Kareen eh.
Pumwesto na sila sa gilid habang pinapalibutan ang wooden box sa mesa.
"We will start the ritual now," isang gurong babae.
Nasa gitna na ang bilog ng buwan kaya maliwanag na ngayon ang gitna ng mesa kung saan inilagay ang wooden box. Tiningnan ko ang mukha ni miss Twinkle, kahit madilim ay alam kong umiiyak siya habang nakapikit ang kaniyang mga mata.
Hinawakan ko ang kamay niya para iparamdam ko sa kaniya na magiging-okay-din-ang-lahat.
Nasa gilid lang ang mga guro habang pinagmasdan ang Zodiac Circle. Hindi kaya kasabwat sila sa Dark Source? Ohhh noooes!
Kinalaunan ay dumating na si sir Polaris para masaksihan ang ritual. Umupo na siya sa may tabi at hinayaan ang ibang guro na magfacilitate.
Wala talaga akong ibang maisip kundi ang sirain ang wooden box eh. Kung tama man si Klyde, dapat mawasak na ito agad-agad.
Speaking of Klyde, wala na siya sa loob, clever kid.
"IN THE NAME OF THE FOUR ELEMENTS, THE EARTH, THE WATER, THE AIR, AND THE FIRE! IN THIS TIME AND IN THIS PLACE I CALL UPON THE POWER OF ALL OF THE CONSTELLATIONS TO BE WITH THESE STUDENTS AS THEY ARE NOW CHOSEN TO BE THE NEW ZODIAC CIRCLE MEMBERS."
Lumiwanag ang buong sahig ng tinatapakan ng Zodiac Circle at biglang nagkaroon ng outerspace effect sa loob. Iba't-ibang imahe ng planeta ang nakakalat ngayon. Sa astrology kasi, bawat zodiac sign ay may nakabantay na planeta, parang kontrolado ng isang planeta ang isang sign.
"Aries is ruled by Mars," guro. Lumutang si Kimberly mula sa kinatatayuan niya at kumikinang. Kumikinang din ang simbolo sa kaniyang paa. Lumabas ang Zodiac Guardian niyang Ram sa likuran niya, napakalaking hayop ng Ram, sobra.
"Taurus is ruled by Venus," guro. Lumutang din si Cass mula sa kinatatayuan niya at kumikinang. Kumikinang din ang simbolo sa kaniyang likuran. Lumabas ang Zodiac Guardian niyang Bull sa likuran niya gaya ng Ram.
"Gemini is ruled by Mercury," guro. Lumutang din si Carina mula sa kinatatayuan niya at kumikinang, gaya ng nangyari nina Kim at Cass. Kumikinang din ang kaniyang simbolo, at lumabas ang kaniyang Zodiac Guardian na Twins sa likuran niya.
"Cancer is ruled by the Moon," guro. Lumutang din si Ara mula sa kinatatayuan niya at kumikinang. Kumikinang din ang kaniyang simbolo, at lumabas ang kaniyang Zodiac Guardian na Crab sa likuran niya.
"Leo is ruled by the Sun," guro. Lumutang din si Blu at kumikinang din, pati na rin ang kaniyang simbolo, at lumabas ang kaniyang Zodiac Guardian na Lion sa likuran niya.
"Virgo is ruled by Mercury," guro. Lumutang din si Anna at kumikinang din, pati na rin ang kaniyang simbolo, at lumabas ang kaniyang Zodiac Guardian na Babaeng Maiden sa likuran niya.
"Libra is ruled by Venus," guro. Lumutang din si Crater at kumikinang din, pati na rin ang kaniyang simbolo, at lumabas ang kaniyang Zodiac Guardian na Scales sa likuran niya.
"Scorpio is ruled by Pluto," guro. Lumutang din si Vita at kumikinang din, pati na rin ang kaniyang simbolo, at lumabas ang kaniyang Zodiac Guardian na Scorpion sa likuran niya.
"Sagittarius is ruled by Jupiter," guro. Lumutang din si Cyrus at kumikinang din, pati na rin ang kaniyang simbolo, at lumabas ang kaniyang Zodiac Guardian na Archer sa likuran niya.
"Capricorn is ruled by Saturn," guro. Lumutang din si Grus at kumikinang din, pati na rin ang kaniyang simbolo, at lumabas ang kaniyang Zodiac Guardian na Goat sa likuran niya.
"Aquarius is ruled by Uranus," guro. Lumutang din si Oe at kumikinang din, pati na rin ang kaniyang simbolo, at lumabas ang kaniyang Zodiac Guardian na Water Bearer sa likuran niya.
"Pisces is ruled by Neptune," guro. Lumutang din si Third at kumikinang din, pati na rin ang kaniyang simbolo, at lumabas ang kaniyang Zodiac Guardian na Fish sa likuran niya.
"And then another one," guro. Nagulat ako nang lumutang na rin ako tungo sa kanila hanggang sa umabot ako sa gitna ng mesa, pati ang mga kaibigan ko ay nagtataka kung bakit ako nasali.
"Sky?"
"What? Sky?"
Lumilipad din ang buhok ko para makita nila ang simbolo na nasa batok ko. Kumikinang din ito gaya ng kumikinang na simbolo ng mga Zodiac Circle.
"What is the meaning of this?"
"What is that?"
Nasa gitna ako ngayon ng mesa kaya ginawa ko iyong rason para sirain ang wooden box, pero wala itong laman. What? Walang laman?
"What are you doing?" Vita.
"I knew you'd do that," eksena ng hindi ko inaasahang tao, nabaling ang atensyon namin sa kaniya.
"Sir Polaris?" ako.
May hawak siya ngayon na panibagong wooden box at inilapag sa mesa. "Nandito ang totoong wooden box, Ophiuchus," aniya. His eyes turns to red. Sir Polaris?
Nakalutang pa rin kami kaya hindi kami basta-basta nakakatakbo rito, hindi pa tapos ang ritual, biglang may lumabas na itim na usok mula sa wooden box. Familiar ang usok na ito ah, parang usok ng black hollow.
"Students!" sigaw ni miss Twinkle na may bahid ng luha ang mga mata.
Unti-unting pumasok ang black hollow sa katawan namin, wala kaming kalaban-laban dahil nakalutang pa rin kami, naluha na ako sa nangyayari, all the Zodiac Circle will be devoured by the Dark Source.
Sumigaw ang ilan sa sakit dahil sa black hollow, ganito rin kasi ang nangyari sa akin dati nung tinamaan ako sa black hollow ni Gino. My friends are suffering, Third also, and Cyrus. Nang tumingin ako kay Blu na kanina pa pala nakatingin sa akin, ang daming dugong lumabas sa bibig niya pero nagawa pa rin niyang ngumiti sa akin sabay thumbs up. Anong ibig sabihin niyan?
"Sky, it's okay, alam kong makakaya mo ito, survive Sky and save us all," bulong ni Blu sa isipan ko. But how? how can I save us?
Unti-unting nagblur ang paningin ko at nawalan ako ng malay.
*---*---*---*
Do not forget to vote for this chapter!
You can use these hashtags:
#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle
See you on next chapter!
-axinng
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top