Chapter 66
"Ladies and gentlemen, to my dear beloved staffs, students and to other great people behind the success of this event, I, Augustin Polaris, would like to greet you all a marvelous evening," bungad ni sir Polaris.
Nagsiupuan na ang lahat habang pumalakpak kay sir Polaris.
"This is a special evening in the history of Zodiacus, a new set of Zodiac Circle Members will be reborn in at least two hours from now--," sir. Sabay nagteteleport ang lahat ng Zodiac Circle members sa entablado katabi ni sir.
"--these amazing students in front of you were not just chosen by the Sors, but it was already written in the stars that it's their destiny to be in this place, but this is not the end of our journey, we will still continue working hard to enhance our ability for the sake of the future," sir Polaris.
Nagsipalakpakan ulit ang lahat.
"Miss Lydia will announce the awardees of the night later on, for now.. just enjoy the evening," huling speech ni sir Polaris sabay toast.
Tumugtog na naman ang pop-music para pasiglahin ang lahat ng estudyante.
"Let's dance!" hila ni Cass sa akin, nakisayaw na rin sa amin ang mga girls dahil sa sobrang jolly ng music ngayon. Ineenjoy ko nalang muna ang moment at hindi na iniisip ang ibang bagay. Sobrang swerte ko na nakilala ko sila. Ang talkative pero sweet na si Ara, ang kikay at open-hearted na si Cassiopeia, at ang matalino at maparaan na si Oe.
Hindi ko inaasahan na ganito ang madadatnan ko sa Zodiac University na ang unang akala ko lang ay gagawin kong takasan sa mapait kong realidad, parang escape card ng real world, pero ito pala ang magiging daan para mamulat ako sa katotohanan ng buhay. There're really more beyond just in our naked eye.
Kinalaunan ay umeksena na si miss Lydia sa stage para iannounce ang couple of the night, crown prince of the night at crown princess of the night.
"Sky," tawag sa akin ni miss Twinkle.
"Po?" ako.
"--At ang couple of the night natin ay sina--," miss Lydia.
"Halika rito," miss Twinkle.
Lumapit ako sa kaniya sa may exit way ng garden.
"---Vita Marso and Cyrus Park!" announce.
Natigil ako nang marinig ang balita.
"Sky, I have an emergency," miss Twinkle.
Nagpatuloy nalang ako. "Bakit po?" ako.
"Let's go to the Zodiac Shrine now," miss.
Kinaladkad niya ako papasok ng building at agad kaming sumakay ng elevator.
"Bakit miss? May nangyari ba?" ako.
"I have a bad feeling about this," miss.
"Ho?" ako. Umabot na kami sa floor ng Zodiac Shrine at agad na lumabas ng elevator. Miss really look so worried kaya hinawakan ko ang kamay niya at pinahinto siya.
"Miss?" ako.
"We're all in danger," miss.
"Miss ano pong problema?" ako.
"The Dark Source will attack after the Zodiac Circle's ritual," tugon niya kaya nanlaki ang mga mata ko.
"A-attack?" ako.
"And now they have you too, hindi ko na alam, parang nahuli na tayo sa pagkilos, after all this time nasa paa na pala tayo ng Dark Source," miss.
"W-what are you talking about?" ako. Kinikilabutan na ako.
"Zodiac University is in danger," miss.
"Pwes h-hindi dapat natin hahayaang matuloy ang ritual," dagdag ko.
"It's also risky Sky, with or without Zodiac Circle, aatake pa rin ang Dark Source dito, and if without the Zodiac Circle mas lalo tayong walang kalaban-laban sa kanila, our elemental powers are nothing against them," miss.
"P-pero if matuloy ang ritual po at makuha nila ang kapangyarihan ng Zodiac Circle, magwawagi pa rin po sila," ako.
"Isa lang ang naisip ko," miss.
"Ano po 'yon---," ako. Pero kinaladkad na naman niya ako bago ko matapos ang sasabihin ko.
Nakita naming bukas ngayon ang Zodiac Shrine. Pumasok kami sa loob, and just like the first time I saw it, ganoon pa rin ang nasa loob. May malaking mesa nga lang sa gitna ngayon ng Shrine at ang labing-dalawang Zodiac Guardians ay natutulog habang nakapalibot nito. Nakikita namin ang buwan sa itaas na nagbibigay liwanag sa buong kwarto. Ang buwan ay unti-unting naging kulay asul. Blue moon.
Nakita ko rin ang malaking estatwa na nasa gilid, hindi malinaw ang mukha dahil napakadilim ng itaas na bahagi ng kwarto.
"Nasaan ang guardian ng Ophiuchus?" ako.
Sigurado akong nakita ko ang Ophiuchus dito dati. Nasaan kaya ngayon?
Napansin kong may isang wooden box sa gitna ng mesa gaya ng wooden box na may laman ng Dark Source detector.
"Sky, kailangan mong sumali sa ritual ng Zodiac Circle bilang panglabintatlong miyembro," miss.
Eeeeh? T-teyka mas lalo nang magkakaroon ng advantage ang kalaban dahil kompleto ang labintatlong simbolo hindi ba?
"It's the risk we have to take, it's only our last hope," miss.
Biglang may pumasok na babaeng silver ranker sa Shrine. "Miss, nakuha ko na po."
Dinala niya ang ritual book ng Zodiac Circle, luma na ito at may kakaibang sulat. Inilapag niya ang libro sa mesa.
"Sino ka?" tanong ko sa kaniya.
Napatingin siya sa akin at parang namangha, "Woah, kamukha mo talaga siya no?"
Sino ba 'tong batang 'to? Kilala ba niya si Karsten? Pa'no niya nalaman na magkamukha kami?
"Salamat Klyde," miss.
Agad pumwesto si Klyde sa tabi ng mesa at hinawakan ng dalawang kamay ang mesa habang nakapikit ang mga mata.
"Bago lang si Klyde dito, at nalaman ko rin ang ability niya na magagamit natin sa pag-iimbestiga, she can see a glimpse of the future," miss.
See the future, wow ang cool naman nun.
"Miss, hindi ko lang kasi malinaw na nakikita talaga, pero may kakaibang laman ang wooden box na iyan," sabay turo ni Klyde sa wooden box na nasa mesa.
"Anong laman?" miss.
"Hindi ko po ma-explain nang maayos, pero kahit ano pong laman niyan, diyan magsisimula ang pagkakabagsak ng paaralan at susunod ang mundo," Klyde.
"Edi sirain na natin 'yan," ako. Akma ko sanang lapitan ang mesa pero dumating na ang Zodiac Circle Members.
*---*---*---*
Do not forget to vote for this chapter!
You can use these hashtags:
#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle
See you on next chapter!
-axinng
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top