Chapter 64
*** Photo above is Josette Designer ***
*---*---*---*
Naco-conscious na tuloy ako kung anong meron sa batok ko. Hindi ko mapigilang tingnan ang sarili ko sa salamin pero hindi ko rin naman makita ang batok ko.
Pagkatapos naming maglunch, pumunta na kami sa may gate ng school, may dalawang iba't-ibang portal ang nasa harapan namin ngayon, ang sabi raw ay papunta ito sa isang boutique.
Mangyayari lang daw ito kapag may events sa school na kung saan nangangailangan ng wardrobe ang mga tao.
Pumasok na kaming apat sa isang portal...at sobrang damiii ng mga damit, gowns and accessories. Sobrang dami naming pagpipilian.
Ang theme daw namin ay prince and princess of Zodiacus so obviously ang kakailanganin namin ngayon ay ballgowns.
"Hello sweeties!" bungad ni Josette sa amin. Napakakikay niya ngayong araw.
"Hi Josette," bati ni Oe. Nagbeso silang dalawa.
"Miss Lydia invited me to take part in this so-called event, I couldn't say no naman," Josette.
Bawat portal pala ay may boutique ng iba't-ibang designers sa mundo. At ngayon ang dami ng estudyante sa boutique ni Josette.
"Dahil special kayong lahat sa akin, doon tayo sa VIP section," Josette at hinila niya kami sa isang secret room.
Halos puno ng salamin ang room na ito. Pinatayo niya sa gitna si Ara. Umupo na kaming tatlo sa guest bench habang pinapanood silang dalawa.
"May regalo kayo galing sa akin," excited na wika ni Josette.
"Ano naman 'yon?" Oe.
"I will make your ballgowns customized," Josette.
"Wow! Really?" Ara.
"Of course, all of you are the members of the Zodiac Circle hindi ba? So dapat special ang sa inyo," Josette.
Sky Nunez left the group.
"For you dear, you are perfectly fit for a yellow shell-like design ballgown," Josette.
Biglang kumikinang ang kamay ni Josette sabay pa ng unti-unting paglitaw ng gown na suot na ngayon ni Ara.
"Wow! So that's how you made all those perfect dresses!" puri ni Cass.
"Yes, I just need a model for it and then voila! A perfect, well-fitted, and magnificent fashion cloth is born," Josette.
Ang galing naman, bagay na bagay ni Ara ang sout niyang gown ngayon, glitterized pa, it is a style of gown na hinding-hindi ko pa nakikita sa buong buhay ko.
"Next in line is Oe," nakangiting sambit Josette.
Tumayo na si Oe sa gitna at kami naman ni Cass at todo puri sa gown ni Ara, ang ganda talaga.
"Bagay na bagay sa iyo ang red ballgown," Josette.
Unti-unting lumitaw ang ballgown ni Oe sa kaniyang katawan. Ang unique ng style kasi kulay red sa upper with many glitterized beads design sa kaniyang may tiyan, then sa lower part ay may halo na kulay pink and purple, parang gradient style. Kumikinang din ang gown na suot niya. Para siyang isang mamahaling princess sa twenty-first century.
"Ang ganda, sobra," Cass.
"Syempre lahat ng ginawa ko para sa inyo ay puro magaganda," Josette.
"Ay oo naman," Oe.
Next in line si Cass. Nakatayo na siya ngayon sa gitna ng kwarto katabi si Josette.
"Holo ballgown ang bagay sa'yo," Josette.
Unti-unti ring lumabas ang ballgown sa katawan ni Cass ngayon, ang ganda talaga ng kulay ng holo, simple lang ang design pero nakaka-stand out siya tingnan lalo na kapag gabi.
At syempre ako na ang susunod.
"Ang bagay sa'yo ay black velvet ballgown," Josette.
"Velvet? Hindi ba ang bigat dalhin nun?" ako.
"Nope, you'll do fine," Josette.
I can feel something tingling in my body, lumitaw ang napakagandang ballgown sa katawan ko. Modernized style siya, tube sa upper with big flower design sa upper right and wavy like the ocean sa lower part, makikita ang paa ko sa harapan. Ang cool lang kasi kumikinang siya na type of velvet.
Nilagyan din niya ng mga pangalan namin sa aming mga gown.
"Sobrang thank you talaga Josette!"
"You're the best!"
"This is the night I'll always remember."
"Great job as always!"
Pagkatapos ng ilang oras naming nasa boutique ni Josette, bumalik na kami sa aming dorm and we prepared everything today kasi magiging busy kami bukas sa preparation.
Kinabukasan, pagkatapos kong magpakabusy sa garden para tulungan si Oe, pumunta muna ako sa clinic para bisitahin si miss Twinkle.
"Hi miss," bungad ko.
"Oh Sky, tamang-tama dahil may pabor ako sa'yo," miss.
"Ano po 'yon?" ako.
"Bukas, naassign kasi ako sa Zodiac Shrine, magpapatulong sana ako sa'yo sa paghahanda para sa ritual ng mga Zodiac Circle," miss.
"Ah opo, makaka-asa po kayo," ako.
"Ano nga pala kailangan mo?" miss.
"Ah napadalaw lang po ako sa inyo, at actually miss may itatanong na lang din po ako," ako.
"Yes dear," miss.
"Ano pong meron sa batok ko? May sakit po ba ako?" ako. Itinaas ko ang buhok ko para makita niya, pero hindi siya sumagot agad.
"Isang simbolo," miss.
"Simbolo po? Ng ano? Sa Leo po ba?" ako.
"Hindi," miss.
"Ah, eh ano po?" ako.
"Isang simbolo na matagal na sanang nawala sa mundo," miss.
"Huh?" ako.
"May nabasa ako tungkol sa simbolong iyan, hindi ko alam na nag-eexist pa rin 'yan hanggang ngayon," miss.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko, nag astral projection na ako para makita ko kung ano bang klaseng simbolo ang nasa batok ko.
"Teyka, pamilyar ang simbolo na ito ah? Saan ko nga ba ito nakita?" ako.
Bumalik na ang projection ko sa katawan ko.
Flashback noong una akong nakapasok sa Zodiac Shrine..
Parang mga bituin na nagniningning ang nakapalibot sa buong pintuan, tapos may mga constellations din ito, kung ako ang tatanungin parang isang door na may live wallpaper ang nasa harapan ko, it seems so real paano kaya nila nagagawa ang ganito?
Napaatras ako nang bigla itong bumukas.
"Uh h-hello? May tao po ba d'yan?"
Hinintay kong sumagot pero walang sumagot.
"Hello po, magtatanong lang po sana ako kung nasaan ang cafeteria?"
Pumasok ako sa loob, pero iba ang nakikita ko, parang nasa outerspace ako, ang daming stars, parang outer space 3D? sobrang dilim sa may itaas pero nagliliwanag naman ang mga nakalutang na forms ng constellation. Ang galing!
"Buti nalang nag-aral ako ng astrology, alam na alam ko ang mga nakalutang na forms, 'yon ay Aries, tsaka Libra, at 'yong isa naman Leo, isa.. dalawa...," muni-muni ko.
"Teyka..,"
End of flashback..
"Naalala ko, nakapasok ako sa Zodac Shrine dati noong una nating pagkikita miss, pero may kakaiba lang sa loob," ako.
"Nakapasok ka sa Zodiac Shrine?" miss.
"Opo, bigla kasi itong bumukas," ako.
"Bakit kakaiba? Nakikita mo ba ang labing-dalawang zodiac guardians?" miss.
"Opo, pero ang kakaiba po, hindi po labing-dalawa ang nandoon sa loob kundi labintatlo po," ako.
Speechless si miss Twinkle ngayon, pero para bang may na-realize siya, na parang nasagot ang kaniyang mga katanungan.
"So iyon pala ang dahilan? Sky, I-I hate to say this pero---," miss.
Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"---there will be a war coming soon," miss.
"W-war?" ako.
"If my calculations are correct, more likely na mangyayari ang pinakanakakatakot na digmaan sa kasaysayan ng Zodiacus," dagdag niya.
"H-huwag ka namang magbiro ng ganiyan miss," ako.
"Naniniwala ako na hindi lang si miss Friah ang kasabwat ng taga Dark Source, marami pa sila, kaya pala ang Anniversary Night ngayon ang pinakamahalagang anniversary night sa buong Zodiacus, dahil kompleto ang labintatlong miyembro ng Zodiac Circle," miss.
"Huuuuuh?" nanlaki na ang mga mata ko.
"At ikaw lang ang makakasagip sa ating lahat Sky," miss.
"P-po?" ako.
"Dahil isa kang Ophiuchus," miss.
*---*---*---*
Do not forget to vote for this chapter!
You can use these hashtags:
#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle
See you on next chapter!
-axinng
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top