Chapter 63
Nasa dorm ako ngayon, kakapasok lang din ng mga girls. Parang binigo ko silang lahat eh.
"Hi Sky, okay ka lang?" Ara.
"It's okay Sky, may mga bagay talaga na nangyayari for some reason," Cass.
"Love ka pa rin namin, huwag kang mag-alala," Oe.
Niyakap nila ako. I guess Zodiac Circle isn't for me. I think I'll agree with what Cass said na nangyayari ito for a reason.
"Pero namangha talaga ako sa ipinakita mo kanina Sky, parang namamanipulate mo rin ang ibang elemento," Ara.
"Pero mas naunahan ka nga lang ni Blu, hindi bale na winner ka pa rin naman sa amin," Cass.
"Well now, how about we go to the cafeteria and grab some nice meal, tapos matutulog na tayo, kasi bukas magshoshopping tayo," Oe.
"Shopping?" ako.
"I mean hindi tayo lalabas ng school, may portal lang patungong dress wardrobe para sa Zodiac Anniv," Oe.
"Ah okay," ako.
Kinagabihan, binabangungot na naman ako.
Dreaming..
"Sky," tawag sa akin ng kamukha ko na nakasuot ng black long dress.
"Karsten?" ako.
"Sa wakas, nakilala mo na rin ako," Karsten.
"Bakit-- tayo magkamukha?" ako. Napatitig na ako sa mukha niya. Medyo curly nga lang ang hair niya pero magkapareho kami ng body figure at height.
"It's not for me to say," Karsten.
"Kilala mo na ba ako dati pa?" ako.
"No, nakilala lang kita pagdating mo rito-- sa Zodiac University," Karsten.
"Teyka, bakit tayo nag-uusap? Matagal ka ng patay hindi ba?" ako.
Nakita ko ring may lumitaw sa tabi ni Karsten.
"Sky," lalaki na nakasuot ng itim na damit.
"G-Gino?" ako.
"It's nice seeing you again," Gino.
Napayakap ako kay Gino, grabe parang totoo 'to.
Bakit ko sila napapaginipan? Bakit ko sila nakakausap?
"Sky," tawag na naman sa akin ng isang pamilyar na boses.
"Sky, makinig ka, protektahan mo ang Zodiacus," Gino.
"Bakit? May mangyayari ba?" ako.
"I am asking you a favor, dahil wala na ako diyan sa tabi ninyo para tulungan kayo," Gino.
Nararamdaman kong lumulutang ako sa higaan. When I open my eyes, nag-astral projection ako. I can see my original self sleeping, I can also see the girls sleeping.
"Protect them Sky, ikaw lang ang makakagawa niyan," Gino.
Protect them? How? What power do I have to do that? I just proved myself unworthy kanina sa tournament.
"Sky," boses ni miss Friah sa isipan ko.
Miss Friah? She knows telepathy too?
"Sky, I know you won't talk to me, but just hear me out," miss.
Bakit parang masaya ako ngayon nang marinig ko ang boses ni miss Friah and as well as natatakot? It's like I shouldn't talk to her and I am also glad that I talked to her.
"Ano po 'yon miss Friah?" tugon ko.
"You must become a member of Zodiac Circle Sky, kahit anong mangyari dapat masali ka sa Zodiac Circle, 'yon nalang ang paraan para mailigtas mo sila," miss Friah.
"Ano?" ako.
Nagising ako nang namalayan kong nagsleep-talking na ako. Buti nalang hindi ko nagising ang mga girls.
Why do I have to listen to you? Bakit ako? Bakit sa ganitong sitwasyon? Who am I to do all your favor? Who am I to save everyone? In reality, I am just Sky Nunez, isang babaeng walang ibang papel sa mundo kundi ang i-survive ang sarili, ang sarili lang, wala akong kapangyarihan para iligtas ang iba.
"Rise and shine guys!" gising ni Cass sa aming lahat. Hindi na ulit ako nakatulog dahil sa panaginip ko.
Sabay na kaming nagpunta ng cafeteria at kumain, halos lahat ng nadadaanan namin ay nagbibigay-galang sa mga kasamahan ko, yeah right, they're members of Zodiac Circle after all.
"Sky, tutulungan mo nalang ako sa pagdedecorate bukas ah," ani ni Oe. Tumango naman ako.
"Sa pagkakaalam ko, bubuksan ang portal mamayang lunch time, anong gagawin natin ngayon?" Cass.
"Magpipicnic tayo," Ara.
"Oh ba, magandang ideya 'yan," Oe.
Kinalaunan, pumunta kami sa lugar ng maraming puno kung saan kami parating nag-e-estambay ni Cyrus dati.
"Sige, maglalaro tayo," Cass.
"Truth or dare hahaha," Ara.
Ang daming dalang pagkain ni Oe sa picnic area namin.
Nag-spin the bottle na kami, pinaghandaan din ni Cass ang truth or dare na'to. Sinadya rin niyang dalhin ang bote ng softdrinks mula sa cafeteria.
"Yown, Ara, truth or dare?" Cass.
"Hmmm, truth!" Ara.
"May gusto ka ba ngayon?" Cass.
"Yes, meron, pero hindi ko muna sasabihin kasi baka mawala siya," agad na sagot ni Ara.
Napansin kong ang lakas ng hangin sa paligid namin kaya nangungulit ngayon ang buhok ko sa mukha ko.
"Cass, truth or dare?" Ara.
"Truth din," Cass.
"Kung makikipagbalikan si Crater sa'yo, papayag ka?" Ara.
Biglang napatingin si Cass sa akin, ah oo nga alam ko na nakikipagbalikan si Crater sa kaniya dati pero hindi siya pumayag.
"Kahit masakit para sa akin, mas mabuti nalang kung magkaibigan kami, ayaw kong masaktan kami pareho pagdating ng panahon," Cass.
Sinabi ni miss Friah na lahat ay posible sa love, pero ngayon may dalawang tao ang nahihirapan sa love na 'yan. Bakit may forbidden love pa sa mundong ito?
"Oe, truth or dare?" Ara.
"Truth lang," Oe.
"Anong meron sa pagitan ninyo ni Reymart?" Ara.
Nagulat si Oe sa tanong ni Ara na parang sinabi niyang what-in-the-world-are-you-talking-about?
"Wala naman, magkaibigan lang kami," Oe.
"Baka nakalimutan mo na mayroon tayong couple of the night sa Zodiac Anniv, at number one trending kayo sa campus," Ara.
"Talaga?" ako.
"Mas mabuti pa iyong walang plano sa lovelife, nagkaka-lovelife," Cass.
"Alam n'yo guys, hindi naman sa pinagbabawalan ko ang sarili ko sa pagkakaroon ng lovelife, pero hindi ko rin pwedeng pilitin ito na darating sa buhay ko no, kapag oras na magkakalovelife na ako then why not? Hindi ko minamadali ang bagay na iyan," Oe.
Dumampi na naman ang buhok ko sa mukha ko eh kasi naman sa aming apat ako lang ang hindi naka-ponytail.
"Sky, truth or dare?" Cass.
"Hmmm truth," naiinis na ako sa buhok ko, kaya agad akong tinulungan ni Oe.
"Halika, itatali natin ang buhok mo," Oe. Tumalikod na ako sa kaniya at si Cass naman ang gumawa ng hair tie ko.
Pero biglang huminto si Oe na parang may nakita siyang kakaiba sa batok ko.
"Sky? May tattoo ka ba sa batok mo?" tanong ni Oe.
"Tattoo? Wala naman. Bakit? Anong meron sa batok ko?" ako.
"May kakaibang simbolo kasi," Oe.
"Baka birth mark?" Ara.
Kakaibang simbolo?
*---*---*---*
Do not forget to vote for this chapter!
You can use these hashtags:
#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle
See you on next chapter!
-axinng
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top