Chapter 62
Kinabukasan, nagsimula na ang huling araw ng Zodiac Circle Tournament. Nasa loob na ako ng isang room kasama ang ibang fire elemental user. Nginitian naman ako ni Cyrus, mas masaya pa siya ngayon dahil bumalik na raw ako sa dati.
Nagstretching na ang ibang warriors samantalang ako, hindi ko alam kung anong intro-intro ko rito, first time ko kasing masali sa ganito, noong high school pa ako halos puro pananakit ng ulo lang ginawa ko sa kapwa ko.
"Galingan mo Sky ah," wika ni Cyrus. Napatingin siya sa kwentas ko, pero binaling niya agad pabalik sa mukha ko at ngumiti ulit, 'yong dimple talaga.
"Ang unang maglalaban ay ang Aries, tapos Sagittarius, at ang huli ang Leo," bungad ng isang guro sa amin at lumabas ulit.
Magsisimula na ang labanan ng Aries, nagteleport na sina Kim at Elizabeth sa loob ng dome, hindi namin makikita ang laban kasi bawal kami lumabas ng room kapag hindi pa oras namin.
"Sky," Cyrus.
"Bakit?" ako.
"Ano, um, pwede ba kitang yayain, sa ano, Zodiac Anniversary Night?" Cyrus.
Hala, inanyayahan niya ako, sobrang sincere din ng pagkakasabi niya. Eh pa'no na 'yan? Kapartner ko na si Third.
I didn't answer.
"Ah may kapartner ka na," dagdag niya.
Bakas sa mukha niya na parang maluluha na siya nang marinig niya ang responde ko. Ayaw ko talaga siyang masaktan eh, pero ayaw ko rin naman na umasa siya sa akin.
Lumipas ang ilang minuto, sobrang ingay na ng training grounds. Dineklara na rin ang nanalo sa Aries, nanalo si Kim. Pasunod na sa laban ang Sagi, pero iba na ang aura ngayon ni Cyrus sa akin. Kahit pa man gaano niya ipilit ang sariling niyang ngumiti sa akin, obvious pa rin na nasaktan siya.
"I don't want this to end," pagsasalita niya.
"But you chose him anyway," dagdag niya.
"Sana nga ingatan ka ng taong pinili mo," huling wika ni Cyrus sa akin bago pa siya nagteleport tungo sa loob ng dome.
Taong pinili ko? Si Third ang taong pinili ko, I know tanga ako sa part na 'yon dahil alam ko balang araw sakit ang ibabalik sa akin nito.
Nararamdaman kong nagsimula na ang labanan nina Cyrus. Hindi ko mapigilang mag-alala, sana magiging okay lang siya.
Nararamdaman ko ang aura ni Third sa labas ng dorm. Kilalang-kilala ko na ang aura niya.
Parang ang init na ng labanan ng mag-Sagittarius ah.
Nakita ko si Blu na kalmado lang ding naka-upo sa gilid.
Ilang minuto ay nagsalita siya.
"I know you want to win, pero hindi ko maibigay sa'yo ang gusto mo Sky, I also want to win, for Gino," Blu.
"I know Blu," tugon ko.
"You improved a lot Sky, ibang-iba ka sa pinakaunang pagkikita natin," Blu.
Unang pagkikita namin? "Tama, sa classroom n'yo dati diba? 'Yong nagkabanggaan kami dati ni Gino?" ako.
"Hindi, sa principal's office, unang pagdating mo talaga rito," Blu.
Sa principal's office? Ah wait? Siya ba yung babaeng tumulong sa akin dati? Iyong may mainit na kamay sa ulo ko nang bago ako nagkamalay sa loob ng opisina ni Sir Polaris? Iyong araw na dinukot ako ng taga Dark Source at napadpad dito?
"AND THE WINNER IS, CYRUS PARK!" announce.
Wow, nanalo si Cyrus. Mabuti naman.
"Magready na kayo girls, kayo na ang susunod," wika ng guro.
"You are really special Sky Nunez," Blu.
Tumayo na kaming dalawa at naghanda para sa pagteteleport namin. Why do they always keep saying na special ako? Sa ano bang paraan?
Nasa loob na kami ng shield dome. Ang daming tao ngayon sa loob ng training grounds. Naririnig ko naman sina Oe na nag-ch-cheer sa akin. Okay this is it, I have to do my best.
"Start!"
Agad na umatake si Blu sa akin gamit ang kaniyang fire jet sa kamay. Sobrang bilis niya.
Agad akong umilag at binigyan siya ng fire attack sa likuran, tumalsik siya.
Bigla siyang nagteleport sa likuran ko at iginapos ako sa kaniyang mga braso, I can feel her arms burning, isa rin akong fire elemental user kaya makakaya ko ito, hindi ako tatablan nito.
Agad akong gumawa ng shield barrier para hindi siya makalapit sa akin. Nilabasan ko siya ng flame wreck sabay kidlat pero ang bilis niyang nakailag. Ang hirap niyang tamaan, sobrang bilis niya.
Gumawa siya ng illusion trick sa akin kung saan bawat kilos niya ay may reflection niya na nananatili, hindi ko akam kung saan ang totoong Blu. Sunod-sunod niya akong tinamaan ng fire attack kaya nasubsob ako sa sahig.
"Do not hold back Sky!" sigaw ni Blu.
Naglevitate ako at naglabas ng matatalim na mga bato mula sa sahig, pinalutang ko ang mga ito at itinuon sa kaniya. Tinamaan siya isa-isa sa mga binitawan kong bato.
"What the?!" Blu.
Naglabas siya ng raging fire sa paligid namin, halos nasusunog na ang buong sahig, at tinunaw niya din ang mga bato ko. Sobrang lakas din niya.
Inatake ko siya at ginamitan ng physical strength, puro depensa lang ang ginawa niya ngayon. Naputol ang aming pagsanggaan nang naglabas siya ng energy bomb at binigyan ako ng fire attack sa mukha.
Huy aray!
Pareho na kaming nakalutang sa ere. Pinapalibutan siya ngayon ng isang mainit na apoy habang samantalang ako ay pinapalibutan ng mga kidlat. Biglang may lumabas na itim na apoy sa mga kamay ko.
"I won't hold back anymore," ako.
Sabay kaming patungo sa isa't-isa at nung tumama kami ng aming mga kapangyarihan ay isang malakas na energy bomb ang lumabas mula sa aming dalawa, napansin naming biglang nag-crack ang shield dome.
Pero hindi pa nagtatapos, kung kailan tinodo ko ang paggamit ng kapangyarihan ko, mas itinodo ni Blu ang paglabas ng kaniyang elemental power.
Naglaban pa rin kami sa aming pisikal na kakayahan, at halos punit-punit na ang nga suot naming damit. Napakaliit lang ng dome para sa aming kapangyarihan.
"Ang lalakas nila pareho," Ara.
"Kaya nga, hindi ko rin alam kung sino ang mananalo sa kanila," Cass.
"Sobrang lakas na ng nilabas nilang kapangyarihan pero hindi pa rin nagpapakita ang simbolo sa kanilang katawan," Oe.
Para nang nasa loob kami ng microwave oven ni Blu, at sobrang bilis na rin ng sanggaan namin. Napansin kong napapalibutan na kami ng fire tornado.
Sabay kaming bumagsak sa sahig at humihingal, napapagod na ako, pero bakit hindi pa rin lumabas ang leo sign ko? Pati rin kay Blu.
Sabay kaming tumayo at sabay din kaming nagrerecharge. Napapalibutan na siya ng asul na apoy at napansin kuminang din ng kulay asul ang mga mata niya.
Napapalibutan na rin ako ng itim na apoy at nagwawalang nga kidlat sabayan pa ng isang malakas na hangin sa paligid ko. Naging dilaw na rin ang mga mata ko.
Umatake ulit ako sa kaniya at pareho kaming nakataas ang depensa, binigyan ko siya ng elbow attack at agad siyang bumitaw ng napakabilis na sipa sa paa ko. Sabay kaming naglabas ng fire attack kaya sabay din kaming bumagsak ulit sa lupa. Huminto na ang mga apoy sa katawan namin.
Aatake pa sana ako pero biglang tumayo ang gurong judge sa gilid at nag-announce. "AND THE WINNER OF THIS FIGHT IS...,"
Humiga ulit ako at humihingal, may idedeklara na palang panalo. Akala ko talaga magpapatayan na kaming dalawa rito.
"--BLU KENSAN!" announce.
Naghiyawan ang mga estudyante.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Nanalo si Blu.
Lumapit si Blu sa akin, asul pa rin ang kulay ng mga mata niya. At napansin kong may leo na simbolo ang lumabas sa noo niya.
Mas una pala siyang nakapalabas sa kaniyang zodiac sign. Okay lang 'yan Sky, okay lang matalo.
Tinulungan na ako ni Blu na makatayo, "you did well," sabi niya.
Lumabas na kami ng dome. Parang ang bigat sa pakiramdaman. Dahil nabigo ko ang mga taong umasa sa akin. Ginalingan ko naman pero hindi pa rin sapat. This title isn't for me.
*---*---*---*
Do not forget to vote for this chapter!
You can use these hashtags:
#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle
See you on next chapter!
-axinng
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top