Chapter 61

Nasa cafeteria kami ngayon, umupo na kaming mga girls sa bakanteng mesa samantalang si Third na ang kumuha ng ice cream sa counter.

"Sky, hindi mo ako napanood sa laban kanina," Ara. She sounds disappointed, I know I failed them dahil sa taas ng pride ng bitch self ko.

"I'm sorry," ako.

"Galingan mo sa huling tournament Sky ah," wika ni miss Twinkle.

"A-ah opo," ako.

"Alam mo ba, sobrang tagal nagsimula ng labanan nina Third kanina?" Ara.

"Huh? Bakit naman?" ako.

"Kasi parang may hinintay na tao si Third bago pa niya napagpasyahang umatake," tugon niya.

Omg, hindi ko alam na ganoon ang nangyari sa training grounds. Kasalanan ko na naman.

Inilapag na ni Third ang mga ice cream sa mesa. Ayun kumain na kami.

"I heard na nagkaroon ng tragic accident ang mom mo Sky," miss.

"Opo, may umatake kasi sa amin, bata pa ako noon," ako.

"Mga Dark Source ba?" Ara.

"Hindi, mukhang nagtatalo sina mama noong time na iyon dahil sa akin, it was a man," ako.

"Bakit naman?" Third.

"Ewan, pinagtatalunan nila ako," ako.

"Oh is it your dad?" Ara.

"Huh? No, matagal ng patay ang papa ko, hindi ko alam kung sino 'yon," ako.

"Baka uncle mo o kaya'y distant relative n'yo?" Ara.

"Sa pagkakaalam ko, marami ngang relatives si Meggan, at ang dami ding naiinggit sa kaniya," miss.

"Bakit naman po?" ako.

"Kasi nag-iisang anak lang si Meggan sa pinakamayamang pamilya ng mga Nunez, at siya lang din ang nag-iisang tagapagmana ng lahat ng kayamanan na galing pa sa lolo't lola niya, at ayun gustong agawin ng mga relatives n'yo," miss.

"Huh? Mayaman pala si mama dati? Hindi ko alam 'yon," ako.

Pero anong rason ni mama na magtatago kami palayo sa mga tao?

Nagpapasalamat ako kay miss Twinkle sa impormasyon.

Kinalaunan, nagsiuwian na kami sa aming mga dorm. Niyakap ko sina Cass at Oe bilang paumanhin sa nagawa ko sa kanila.

"Sorry guys, hindi ko talaga sinadya na pagsalitaan kayo nang ganun," ako.

Salamat naman at pinatawad nila ako. Maaga kaming nagpahinga ngayon pero hindi ako makatulog. Para antukin ako, nagbabasa ako ng libro na bigay ni miss Friah sa akin.

Protect Zodiacus, Destroy the Dark Source.

Bakit kaya ako binigyan ni miss Friah ng ganitong libro? Kung kasabwat naman siya ng Dark Source?

"Sky, bakit hindi ka pa natulog? Mag-aalas dos na ng madaling araw," sita sa akin ni Oe na nakapansin sa akin dahil naka-on pa ang lampshade ko.

"Sorry, nagising ba kita?" ako.

"Okay ka lang ba? May problema ka ba?" tanong niya.

"Sobrang dami lang ng iniisip," ako.

"Epekto siguro for being a higher-tier no? Minsan nakakabagot din kapag mas marami kang alam sa mundo," Oe.

"Parang unti-unti na akong nagsisisi na naging isa akong diamond ranker, hahaha," ako.

"Matulog ka na, may ipapakita ako sa iyo mamaya," Oe.

Itinago ko na ang libro at pinilit ang mga mata na makatulog.

Pagkagising ko, wala ang mga girls, hindi nila ako ginising? Ah bawi na rin 'to kasi hindi ko rin sila ginising noong nakaraang araw.

Bumangon na ako't nag-unat-unat, napatingin ako sa bintana namin, bakit ang taas na ng araw, anong oras na ba? Nyemaaas bago lang nag-aalas onse? Grabe naman ng tulog ko, lunch na ako nagising.

Naligo na ako't nagbihis tapos pumunta na ako sa cafeteria.

"Daming tao," bulong ko.

Halos mga mata ng mga tao ay nasa akin. Oo nga pala, I kinda made a scene noong nakaraang araw. Okay lang 'yan Sky, just act normal.

Kinalaunan, nakita ako ni Oe. Dinala niya ako sa garden ng school.

"Walang tao rito ngayon, off limits kasi muna sa mga students, kasi dito gaganapin ang Zodiac Anniversary Night natin sa sabado," Oe.

"Ah, that's four days from now," ako.

"Nakapagpasya ka na ba kung sino ipapartner mo?" Oe.

Hindi ko masabi sa kaniya na si Third ang kapartner ko sa Zodiac Night. Papagalitan na naman ako nito.

"Eh ikaw? Mayroon ka na ba?" ako.

"Inanyayahan ako ni Reymart, bilang peace offering na rin dahil sa labanan namin," Oe.

"Mabuti naman," ako.

"Galingan mo sa tournament bukas ah, magiging busy na kaming mga committee next day para sa paghahanda sa Zodiac Night," Oe.

"May maitutulong ba ako sa inyo?" ako.

"I will be assigned in the decoration team, pwede ka sa akin tumulong," Oe.

"S-sige ba, ang hilig mo talagang magplano no?" ako.

I am trying to make it up for her. Ako nalang kasi ang nakakaalala sa samahan naming dalawa, dahil once na gagraduate ka sa Zodiac High at magpapatuloy ka sa Zodiac University, makakalimutan mo ang mga ala-ala. Depende na rin siguro kung may bagay na makapagpaalala sa'yo ng mga iyon.

"I will tell you how to unleash the zodiac power in you as a leo warrior," Oe.

"Talaga? Sige ba, give me some tips," ako sabay ngisi.

"Though hindi ako masyado expert but I guess magkapareho lang naman tayo ng paraan kung paano maipalabas ang ating simbolo sa katawan," dagdag niya.

Naglabas siya ng mga holographic images sa ere gamit ang kaniyang air ability. Iba't-ibang hugis ang nakapaligid sa amin ngayon.

"Leos are the most powerful out of 12 zodiac signs, kaya I think mas madali mo itong mapalabas kapag nakakaramdam ka ng pagkagalit o mas nagtitrigger ang sarili mo," Oe.

"So, paano ko matatalo ang kapareho kong Leo?" ako.

"Ikaw lang 'ata ang makakasagot niyan, dahil mas kilala mo ang sarili mo eh," Oe.

Kung gayon, delikado kalabanin si Blu, ako nga nahihirapan akong kontrolin minsan ang sarili ko, tapos ngayon mas may makakalaban ako na katulad ko ng kapangyarihan at may mas maraming experience kaysa sa akin.

Gumawa ng zodiac figures si Oe na nakapalibot sa amin. Tinamaan ko naman ang leo na sign sa sarili ko ding ability. Nawala ang holographic images kaya nagulat ako.

"Anyare?" ako.

"Malay ko, hindi ko alam na makakapagkontrol ka pala ng ibang elemento," Oe.

*---*---*---*

Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top