Chapter 58

Abot tenga ang ngiti ko nang tumingin si Third sa akin tapos kumaway pa. Si Oe naman, panay abot ng kilay nang tumingin sa akin. Hinila niya naman si Third palabas ng Training Grounds.

Sa isipan ko, nandito ako para suportahan si Cass, pero ang puso at mga paa ko gustong-gusto sundan ang dalawa. Hindi pa nagsimula ang kompetisyon pero alam ko na na mananalo si Cass dito. Nagpaalam muna ako kay Ara para mag-cr, pero sa totoo lang susundan ko sina Oe.

Pagkalabas ko sa Training Grounds, nakita kong papasok ang dalawa sa building, I can see Oe's face really angry, bakit kaya?

Sinundan ko pa rin sila, tapos pumasok sila sa changing room ng PA Uniforms. Ano kayang gagawin nila dito?

Biglang sinigawan ni Oe si Third na rinig na rinig ko mula sa kinatatayuan ko, dahil walang ibang tao sa changing room, naririnig ko lahat ng pinag-uusapan nila.

"What the heck are you doing Third?!" sigaw ni Oe.

"What I do-- is obviously none of your crappy business," tugon ni Third.

Ano bang dahilan ng pagtatalo nila? Bakit ba sila nagtatalo? May nangyari ba?

"Stop doing that to Sky," Oe.

Me? Bakit naman ako nasali sa usapan nila?

"At ano?" Third.

"Ako ang makakalaban mo," Oe.

Bakit Oe? Ano bang ginawa ni Third sa akin? Or tangkang gawin pa?

"Mind your own business Oe, bakit ka ba nangingialam sa aming dalawa?" Third.

"Dahil bestfriend ko ang pinaglalaruan mo!" Oe.

P-pinaglalaruan? Who? Third? to me?

"I am not playing with her, you know that," Third.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Hindi ko alam kung anong pinag-aawayan nila tungkol sa akin pero nakaka-intriga ito. Charot HAHAHA.

"JUST STOP THIRD," Oe.

"No, I will stay by her side, isipin mo ng gusto mong isipin Oe, hindi ko responsibilidad na ipaliwanag sa'yo lahat," Third.

Bakit kaya tutol si Oe sa aming dalawa. May iba pa bang dahilan maliban sa forbidden love?

"Alam ko na sa simula pa lang-- lumalapit ka lang sa kaniya dahil kay Karsten," Oe.

And the topic shifted to Karsten. Noon din, first day of school ko, narinig ko rin na pinag-uusapan nila si Karsten. But why? Anong koneksyon ko kay Karsten?

"Are you doing this to Sky dahil magkamukha sila?" Oe.

Parang huminto ang oras sa narinig ko.

What?

What?

What?

M-magkamukha?

"Don't play safe Oe, lahat naman tayo lumapit sa kaniya dahil kamukhang-kamukha niya si Karsten," tugon ni Third.

M-magkamukha? Magkamukha kami?

Hindi ko alam kung ano ng nararamdaman ko ngayon, sobrang nagulat ako sa narinig ko. M-magkamukha kami ni Karsten ba ka mo? K-Karsten? Imposible, kasi nakita ko naman ang mukha ni Karsten sa isang picture. H-hindi naman kami magkamukha.

Nararamdaman ko ang labis na panginginig sa mga naririnig ko.

"So stop doing that to her because of that fucking reason, she will never be a replacement of your fantasies," Oe.

Hindi na ako makapag-isip ng tama sa kinatatayuan ko, hindi ako makapaniwala.

Umalis na ako't pumunta sa dorm namin. Hindi naman kami magkamukha ni Karsten, I saw it, I saw her picture. Kinuha ko ang litrato niya sa cabinet ko, and then mas nanlaki ang mga mata ko nang...,

makita ko ang mukha ni Karsten...,

na mukha ko din.

Parang gumuho ang mundo ko sa nasaksihan ko ngayon. Ever since day one noong una kaming nagkita ni Oe sa labas ng Zodiac Shrine, gulat na gulat talaga siya. Iyon na pala yun? And me being here is a total replacement of Karsten. The day na na-infectionan ako ng Black Hollow, miss Twinkle said na hindi ako katulad ni Karsten, and Gino also said na kahawig ko si Karsten, hindi naman kahawig lang kundi exact replica ko talaga. Is that why sobrang nag-aalala sila sa akin? Na ayaw nila akong mapahamak? Dahil akala nila na ako si Karsten?

Pero bakit kami magkamukha? Paano nangyari ito? Magkakambal ba kami?

They've been hiding this from me since day one.

How could they? They should've told me.

How--could--they?

Unti-unti akong nakaramdam ng init sa katawan ko, umuusok ng itim ang mga kamay ko, at nakita ko ang mga mata ko sa salamin na naging kulay dilaw.

"I-I want to kill them all, hindi ko kayang papalagpasin ito," sambit ko.

I can sense my power getting enraged, more and more enraged. Hindi ko na makontrol ang emosyon ko na parang unti-unti itong naglaho.

Wala akong ibang maisip kundi ang pumatay ng tao ngayon. Galit ang nangingibabaw sa akin ngayon. I want to kill anyone who comes in my way.

Bigla akong nagteleport tungo sa principal's office without my permission. Someone used a summoning ability para mapunta ako rito. Nakita ko si sir Polaris at si Cyrus sa harapan ko. Bigla akong itinali ni Cyrus ng isang malaking kadena.

"Cyrus! Pakawalan mo ako!" sigaw ko at nagwawala. Mas lalong lumakas ang itim na usok na lumalabas sa kamay ko.

"Sky! Huminahon ka!" sigaw ni sir Polaris.

"Shut up!" sigaw ko.

"You are in no place to use a magic like this," tugon ni sir.

"You all lied to me! You lied!" sigaw ko.

"Sky! Look at me!" sigaw ni Cyrus sa harapan ko, inilapit niya ang mukha niya sa akin.

"Sky, tumingin ka sa mga mata ko, huminahon ka, kilalanin mo ako," Cyrus.

Nararamdaman kong unti-unting tumulo ang mga luha ko. Unti-unti ring huminahon ang usok ko. Ang galit sa puso ko ay napalitan ng sakit.

"S-sabihin mo sa akin sir Polaris, ito ba ang pangalawang rason kung bakit ka interesado sa akin?" tanong ko.

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo Sky, huminahon ka muna," sir.

Umiyak ako sa sakit, niyakap naman ako ni Cyrus. I feel so betrayed, una si miss Friah, ngayon ang mga kaibigan ko.

I thought I became part of them as me, but I was wrong, I just became part of them because I look like someone they lost.

In my dream, was that Karsten trying to communicate with me? A-akala ko reflection ko. Shit, I was naive to think it that way.

"Sky, nandito lang ako, huwag kang mag-alala," wika ni Cyrus na nakayakap pa rin sa akin hanggang ngayon.

Huminahon na ako. Tanggap ko na na naging magkaclose kaming mga girls dahil kamukha ko si Karsten, pero ang hindi ko lang matanggap ay ang pagtrato sa akin ni Third, sobrang caring at sweet niya-- iyon pala dahil kamukha ako ng ex-lover niya.

Fuck this necklace!

Nasira ko agad ang kadena at tinanggal ang kwentas sa leeg ko.

How could you--Third?

"We don't know what happened Sky, but always remember na isa ka pa ring candidate ng Zodiac Circle kaya be responsible with your actions," sir Polaris.

Tama. Sobrang dami ko na kasing iniisip tapos dumagdag pa'to.

"Yes," ako.

"Ayan! The old Sky is back," Cyrus.

"Magpapahangin na muna ako sa labas," paalam ko at lumabas. Naglevitate ako tungo sa tuktok ng pinakamataas na building ng school, and I stayed here until gumabi to refresh my mind.

*---*---*---*

Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top