Chapter 56

*** Photo above is Carina Lewis***

*---*---*---*

Pangatlong lumitaw sa loob ng dome sina Carina at ang kalaban niyang lalaki. Kinalaunan ay tumabi na rin sa amin si Oe na puno pa ng gasgas ang katawan at mukha.

"You are amazing Oe, as always!" puri ni Ara.

Kumikinang pa rin ang zodiac sign sa kaniyang kaliwang braso.

"Pero mas grabe ang sugat na natamo ni Crater, nakita ko siyang dinala sa clinic kasabay si Solina," Oe.

"Oo nga naman, sobrang lakas kasi ni Solina tapos si Crater naman nagpupumigil sa kapangyarihan niya," Ara.

"Kilala na namin si Crater, ayaw talaga manapak ng babae 'yon," sabay ni Grus.

"Teyka, nasaan ba si Cyrus? Bakit hindi kayo magkasama ngayon?" tanong ni Oe kina Third at Grus.

"Ewan ko sa isang 'yon, parang may sariling mundo," Grus.

"Nakita ko siyang pumasok sa principal's office kanina," Third.

Napansin ni Oe ang kamay namin ni Third na magkahawak kaya inalis ko agad iyon. Sobrang tutol kasi talaga niya sa aming dalawa ni Third, ewan ko ba, pero may point din naman siya, ayaw lang niyang masaktan ako pagdating ng panahon dahil sa forbidden love na iyan.

Nagsimula na ang labanan ng mag-Gemini. Halos puro wind attacks muna ang ginagawa nila. Kalmadong-kalmado lang si Santiago habang nakikipaglaban kay Carina, dahil kaya mas malakas pa si Santiago kaysa kay Carina?

Parang kinabahan na tuloy ako sa laban namin ni Blu. Pero dapat may tiwala rin ako sa sarili ko na makakaya ko ito.

Naglabas ng wind beam ang kalaban kay Carina. Tumalsik si Carina. Hindi namin malinaw na nakikita sa labas ng dome ang mga nangyayari sa loob dahil sa wind ability na inilabas ni Santiago, parang nasa loob sila ng buhawi eh. Nag-wind speed si Carina para mas bumilis ang kaniyang pagkilos kagaya ng hangin. Aatakihin na sana niya ang kalaban pero nadakip siya nito at sinakal. Pero agad na bumawi si Carina nang nasipa niya ang weakpoint ni Santiago.

"Bakit parang walang kalaban-laban si Carina?" tanong ko.

"Oo nga eh, si Santiago kasi ang pinakamalakas na Gemini sa school in terms of elemental power kaya mahihirapan talaga si Carina sa kaniya," Cass.

Naglabas ng wind attack ang kalaban na may halong blades. Sunod-sunod itong tumama kay Carina. Hindi namin marinig ang ingay sa loob ng dome pero alam kong sumisigaw si Carina sa sakit.

"Hindi natin sila naririnig sa labas pero naririnig nila tayo sa loob," Oe.

"Go Carina!" sigaw nina Kimberly sa kabila.

Lumaban ka Carina! Makakaya mo 'yan!

Pero nag-aalala na ako nang hindi na gumalaw si Carina sa loob. Nagpatuloy pa rin si Santiago sa pag-atake sa kaniya.

Hindi kami pwede magreklamo kung mas malakas ang lalaki kaysa sa babae kasi sa mata ng lahat, pantay-pantay ang bawat isa sa labanan.

"Bakit hindi pa tapos ang laban! Nanghihina na si Carina sa loob, bakit wala pang idineklarang panalo?" pag-aalala ko.

"Kasi wala pang nakapalabas ng zodiac power nila," Oe.

"P-pero mas may unang mamamatay na tao nito kaysa mailabas ang zodiac sign," ako.

Biglang may lumabas na usok sa katawan ni Carina at lumutang siya sa ere. When she opened her eyes, it's all black. Anong nangyayari sa kaniya?

"Oh no," Ara.

Nararamdaman naming lumindol saglit. At sobrang lakas ng inilabas na hangin ni Carina ngayon sa loob. Hangin na may dalang kidlat. Sobrang bilis na niya ngayon. Inaatake niya ang kalaban na hindi mo basta-bastang nakikita sa mga mata mo. At ngayon naging punit-punit na ang damit ni Santiago.

"Bumalik siya," Cass.

"Good luck, Santiago," Ara.

"Bakit? Bakit? Anong nangyari kay Carina?" ako.

"Hindi 'yan si Carina, si Coreen na 'yan," Oe.

"Coreen? Sino?" ako.

"Si Coreen ang kambal ni Carina na ngayo'y nasa katawan niya," Ara.

"Explain ko sa'yo Sky, parang angel at devil, si Carina ang angel at si Coreen ang devil, they are sharing the same body but they have two souls, and that's the real power of Gemini, when they combine their power, sobrang lakas talaga," Cass.

"Coreen is stronger than Carina, kaya hindi siya basta-basta na makakalaban mo talaga," Ara.

So meaning, kay Carina ngayon ang advantage? Nag-last hit si Carina ay este si Coreen sa kalaban kaya nawalan ang kalaban ng malay. At ang idineklarang panalo ay si Carina. Nung kumalma na ang lahat, bumalik na siya sa normal.

"Pupunta muna ako sa clinic," pagpaalam ni Cass.

Pupuntahan niya yata si Crater. Go Cass! Suportado kita!

Tapos na ang day one ng tournament at alam na natin ang Official Zodiac Circle Members under Air element. Mabuti naman nanalo lahat ng kaibigan ko.

Kinabukasan, dahil relax day ng mga candidates, nag-lakad-lakad na naman ako sa loob ng diamond building. Bukas ay labanan na naman ng Earth elemental users, no reason to miss it dahil mag-ch-cheer talaga ako kay Cass.

"Sky," tawag sa akin ni Cyrus.

Act normal Sky, act normal.

"H-h-hey yow Cyrus, hindi ko akalaing makikita kita rito," ako with awkward smile.

Inirapan niya lang ako. "Talaga? Pero araw-araw naman tayong nagkikita rito ah?" tugon niya.

Oo nga no? Buset.

Nabaling ang atensyon ko sa box na dala-dala niya, kaparehong box na dala niya noong nakaraang araw.

"Napadalas 'ata ang pagpunta mo sa principal's office ah," ako.

"Ah dahil ba nito? Eh kasi napagpasyahan kong sumali sa police officials," tugon niya.

"A-ah kaya pala," ako.

"Sky, na-aawkardan ka ba?" Cyrus. Nahalata niya?

"A-alam mo Cyrus, m-may gagawin pa pala ako, usap nalang tayo mamaya ah?" ako.

Umalis na ako't sumakay ng elevator, pababa ako ng kahit anong floor basta makalayo ako sa kaniya. But why are you running away from him Sky?

At nang bumukas ang elevator, paglabas ko, nadatnan ko si miss Friah.

"Hi Sky, masaya akong makita ka ngayon," malumanay na bungad niya.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko sa takot. Natatakot ako sa kaniya. Kalaban siya. I-I should run away.

"Sky, halika may ipapakita ako sa iyo," wika niya.

Pero tinitigan ko lang siya na parang tutulo ang mga luha ko. She's a great teacher for me. She taught me many wonderful things.

"May problema ba?" dagdag niya.

"M-miss, totoo ba?" ako.

"Ang alin?" siya.

"Y-yung tungkol sa Dark Source at sa'yo," ako.

Bigla siyang nag-smirk sa akin at nag-cross arm.

"Anong pinaniniwalaan mo Sky?" naging iba ang tono ng pananalita niya.

"A-ayaw kong maniwala sa kanila pero, --pero iba kasi ang nararamdaman ko, n-na kailangan kong maniwala?" ako.

"It's all up to you kung anong paniniwalaan mo," tugon niya.

"Bakit miss? Bakit ako? Ano bang pakay mo, --sa akin?" ako.

She laughed. "It's true that I want to be close to you and only you. So what if I told you that I want your powers? Will you believe it?" tugon niya.

Aray naman. So totoo nga?

"Hulihin n'yo siya," sigaw ng kakarating lang na si Vita at dalawa pa niyang kasamahan.

"Why are you with her, cripple? Kasabwat ka ba niya?" masungit na tanong nito.

Hinawakan na si miss Friah sa dalawang police officials din. Vita rolled her eyes on me. "Let's go!"

"Sky," pahabol na tawag ni miss Friah sa akin. Our eyes met.

"You will always be my favorite," huli niyang sabi.

I just remained standing, speechless, couldn't do anything, and don't know what to think. Tiningnan ko lang si miss Friah na dinakip ng mga police officials. She may be from the Dark Source pero ang laki ng naging parte niya sa puso ko.

Her words hit me. Is this a new way to trick me again? I am so gullible. Nyemas.

*---*---*---*

Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top