Chapter 55
Nagising ako sa ingay ng kwartong hinihigaan ko.
"She needs to be disqualified! She tried to kill Blu, I saw it in my own eyes," sigaw ni Vita.
Nakita ko na nagtatalo sina Vita at Oe sa harap ni miss Twinkle. Nasa clinic pala kami. Pero hindi ko nakita si Blu.
"Are you okay na Sky?" tanong ng nasa gilid ko na si Ara.
"Good you're awake," wika din ni Cass.
"You don't have any evidence na tinangka talagang patayin ni Sky si Blu," wika ni miss Twinkle.
"Oh Gosh! Are you kidding me?" Vita.
"You are from the police officials pero hindi mo alam ang protocol ng ganitong insidente?" Oe.
"Why are you picking her side!" sigaw ni Vita kay miss Twinkle.
"The only thing we do now is to wait for Blu's recovery para siya na mismo ang magsabi sa totoong nangyari," miss Twinkle.
Lumabas na kami ng clinic at pumunta sa aming dorm.
"Ano ba kasing nangyari Sky?" Oe.
"I just tried to stop Blu from committing suicide," ako.
"Edi hero ka pala eh, pabida talaga 'tong si Vita," Cass.
"Pero kahit na ganoon ang nangyari, it's all up to Blu na kung sasabihin niya ang totoo o hindi," Oe.
"Ano nga pala ang schedule? Hindi ba una si Oe sa atin?" ako.
"Oo eh, alternate ang sched, magsisimula bukas tapos the next day ay relax day tapos the day after that ay laban na naman," Ara.
"Then you should rest na Oe, big day mo tomorrow," ako.
Pagkatapos naming maghapunan ay nagpahinga na kami. Kinabukasan, ang daming tao sa training grounds, at ang malaking stage sa gitna ay may nakapalibot na parang shield dome na pangharang mula sa amin at ng maglalaban.
"Ginawa iyan for safety measures daw para malayang makakapag-gamit ng kapangyarihan ang dalawang maglalaban sa loob na hindi madadamay ang nanonood," Ara.
Ang cool naman, sana hindi masira ng maglalaban ang dome. Hahaha!
"Ladies and gentlemen! The Zodiac Circle Tournament will start any minute," wika ng isang gurong lalaki na ngayo'y announcer.
"Unang maglalaban sina Crater kaya napaaga si Cass ngayon," bulong sabay tukso ni Ara sa gitna namin na si Cass.
"Guys, stop it, nandito tayo para kay Oe okay?" react ni Cass.
"Aminin mo na kasi," Ara.
"Fine, I am just a little worried about him," Cass.
In the end, inamin niya rin na may affection pa siya kay Crater.
Kinalaunan ay nagsimula na ang labanan ng mag-Libra. Nagulat naman ako nang biglang may tumabi sa akin, si Third pala kasama si Grus. Seryoso siya ngayong nakatingin kina Crater at ng kalaban niya. Bakit ang gwapo niya? Mas gwapo siya tingnan sa malapitan.
"Crater ayusin mo diyan kundi lagot ka sa akin!" biglang sigaw ni Cass nang sobrang lakas kaya nagulat kaming mga kaibigan niya.
Nakita naming napangiti sa loob ng dome si Crater na parang kinilig habang nagwawarm-up. O-okay what is going on?
"Abot tenga ang ngiti ng loko," react ni Grus.
Nagsimula nang umatake ang kalaban kay Crater kaya agad na tinaasan ang dipensa niya rito.
"Gusto ko ang buhok mo ngayon," bulong ni Third sa tenga ko.
Syet, my heart!
Naglabas ng sharp blades si Crater sa kalaban at nag-iinvisible. Nagulat naman ang kalaban, sa tingin ko hindi marunong mag-invisible ang kalaban. Binigyan ng elbow attack ni Crater sa mukha ang kalaban niya kaya nasubsob ito sa sahig.
Agad na naglabas ng tornado ability ang kalaban at binitag sa loob si Crater.
Napansin naming hindi na kontrolado ni Crater ang pangyayari kaya natangay siya hanggang itaas ng buhawi. Pagkabagsak niya sa baba ay punit-punit na ang damit niya at ang daming sugat sa katawan niya.
"Hala si Crater," react ko.
Pati ang mukha ni Cass ay parang wala na sa Earth. Eh sino ba namang hindi mag-aalala na hindi na gumagalaw si Crater sa loob.
"Tss, pinaglalaruan lang ni Crater ang isang 'yan," wika ng katabi kong si Third habang naka-cross arm.
Biglang nawala si Crater sa pwesto niya kanina tapos naglabas ng wind ability tungo sa kalaban. Nasa itaas ngayon si Crater naka-levitate habang tinitingnan ang kalaban na tumalsik.
"Kailan ba matatapos ang laban?" tanong ko.
"Matatapos lang kapag isa sa kanila ang makapabuhay ng zodiac power nila at 'yon ang idedeklarang panalo," Ara.
Gumanti ang kalaban kay Crater at binigyan siya ng isang napakalakas na wind attack. Tumama si Crater sa shield dome.
Pero biglang sumulpot si Crater at sinipa niya ang kalaban mula sa likuran nito.
Biglang nag-bell ang isang judge sa gilid. "Panalo si Crater!"
At doon namin napansin na may puting ilaw ang dibdib ni Crater. Ang simbolo ng Libra.
"Matagal ng zodiac liner si Crater, kaya easy lang sa kaniya ito," Third.
Pangalawang lumitaw sa loob ng dome ay sina Oe at ang kaniyang makakalaban.
"Go Oe!!!" sigaw ko. Kumaway siya sa area namin.
"I-cheer mo rin ako nang ganiyan ah," pagpapacute na wika ni Third. Inirapan ko siya.
"O sige, basta galingan mo," tugon ko. Ngumiti siya.
Omg, bakit ba ang cute niya.
Nagsimula na ang labanan ng Aquarius. Pero parang nag-uusap pa ang magkalaban. Naglabas agad ng wind speed ang kalaban. Ipinakita nila ang galing nila sa combat.
Para ring lalabas ang puso ko sa dibdib ko nang nararamdaman kong hinawakan ni Third ang kamay ko. Nyemas!
Pero bumalik ang atensyon ko kina Oe nang biglang tumalsik si Oe. Naglabas ng pamaypay ang kalaban at kada-pamaypay niya kay Oe ay may kapalit na atake na hindi nakikita sa mata. Sunod-sunod na naglabas ng wind attacks ang kalaban kay Oe.
Sobrang lakas ng kalaban at sobrang bilis, hindi man lang binigyan ng pagkakataong umatake si Oe. Ang ginagawa lang ngayon ni Oe ay dumipensa.
"Kawawa si Oe nito 'pag natamaan ang weak point niya," Grus.
Eh? So ibig sabihin nasa peligro ang buhay ni Oe ngayon?
"Oe! Kaya mo 'yan!" sigaw ko.
Nagtransform si Oe into a light. Naalala ko na nakakabulag din ang ilaw niya. Dahil sa sunod-sunod na pag-atake ng kalaban hindi siya nagkaroon ng opening para maka-atake pero ngayon huminto ang kalaban dahil sa ilaw ni Oe, at mas nilakasan pa niya ito, halos ilaw nalang ang nakikita namin sa loob ng dome. Hindi na malinaw ang mga tao sa loob.
At nung bumalik na sa normal ang liwanag, nakita naming nakahandusay na ang kalaban at humihingal si Oe.
Biglang umilaw ang braso ni Oe, nagpapakita ang simbolo ng Aquarius.
Bell rings. "Panalo si Oe!"
Hay jusmiyo, mabuti naman, kinabahan ako doon.
*---*---*---*
Do not forget to vote for this chapter!
You can use these hashtags:
#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle
See you on next chapter!
-axinng
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top