Chapter 52

Papabalik na ako ng clinic pero nakita ko na ulit si miss Twinkle. Dinala na niya ako sa cafeteria para sa ipinangako niyang ice cream sa akin.

"Wala ka bang balak na sumali sa mga school clubs?" miss.

"Po? Mayroon po bang ganoon?" ako.

"Oo naman, ang makakasali nga lang ay mga diamond rankers pero diamond ka na naman ngayon," tugon niya.

"Miss may hihingin lang sana akong advice sa'yo," ako.

"Ano naman 'yon?" miss.

"Kung kayo po, lumaki kayong kinalimutan ang nakaraan ninyo pero the thing is, hindi mo alam kung bakit mo nakalimutan iyon, ano pong pipiliin ninyo, ang maalala ulit iyon? O hahayaan nalang iyon?" ako.

"Hindi kita gets Sky, pero to answer your question, it seems like nakalimutan mo ang isang bagay na intentional na kinalimutan, I mean parang sinadya talagang mangyari, maybe para sa ikakabuti, so mas mabuti kung hindi nalang maalala," tugon niya.

"Pero hindi ka ba macucurious minsan?" ako.

"Given naman iyan, macucurious talaga ako, but you know what Sky, maaalala naman ng isang tao ang bagay na nakalimutan niya, kapag for some reason, kinakailangan niyang maalala ulit iyon," miss.

Natahimik kaming dalawa ng mga ilang minuto at nagpatuloy sa pagkain ng ice cream.

Pinutol ko na ang dead air. "Bakit kaya may mga Dark Source na gustong kumuha sa akin?" bulong ko.

"What?" miss.

"A-ah w-wala po," ako.

Nabigla ako nang hinawakan ni miss ang ulo ko at nararamdaman kong may tingling na lumalabas sa kamay niya. I can also see some green light glowed in her hands.

Biglang sumakit ang ulo ko at nagblur ang paningin ko. Napatingin ako sa paligid, at napansin ko ang sarili kong mga mata sa reflection ng counter glass na dumidilaw ang kulay nito.

"Argghhh!" sigaw ko.

"I am trying to soothe the pain in your mind Sky, I can feel there's so many lacking memories, let me help you refill it," miss.

Biglang may mga nagflash na mga ala-ala sa isipan ko.

Remembering..

And now, all I want to do is to..

kill...

that...

son of a bitch!

Naalala ko ang gabing na nasa healing river ako, may maitim na usok na lumalabas sa mga kamay ko.

I can see the Dark Source na nakalutang sa harap ko with his thirsty stare at me. I feel so strong, this ability is much more stronger that any elemental power, is this what they called the zodiac power?

"You will never have what you want you motherfucker!" sigaw ko.

And I remember I fought him back that time, yes I remember I really did that, ngayon alam ko na ang kasagutan kung bakit ako biglang naging diamond ranker.

"Ganito pala ang kapangyarihan mo," wika ng Dark Source warrior.

"Hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo," tugon ko.

"Kaya pala sobrang interesado ng kaharian namin sa iyo, lalong-lalo na ang hari," wika niya.

"I don't care about your stupid kingdom!" sigaw ko naman.

Biglang bumitaw si miss Twinkle sa akin at napasandal siya sa mesa.

"Ack!" sigaw ko.

"A-ang lakas ng kapangyarihan ng gumawa sa iyo niyan," aniya.

"Miss?" ako.

"Hindi ko alam kung sino ang nagsadyang alisin sa iyo ang nakaraan mo, huwag kang mag-alala Sky, the gap will be filled in no time, you will remember everything again," hina niyang sambit at napasandal siya sa mesa.

Nanghihina si miss. Miss sobrang laki po talaga ng naitulong mo sa akin. Miss used up her healing energy para sa kapakanan ko, nakatulog na tuloy siya.

Inalalayan ko na siya tungo sa clinic at pinahiga na. Lumabas ulit ako para pumunta sa usual place namin ni Cyrus.

May bad girl side pala ako? 

Pagkarating ko sa ilalim ng puno kung saan kami parating magpipicnic ni Cyrus, wala pa si Cyrus. Bakit ang aga ko?

"Hi Sky," Cyrus.

"Ano nga pala ang pag-uusapan natin?" ako.

He sat beside me while looking at the school's campus kaya umupo na rin ako. He's just trying to be the typical Cyrus tonight just like the old days, except for his stares at me at medyo na weweirduhan ako sa kaniyang kilos.

"May sasabihin ka sa akin?" tanong ko.

"Mayroon," ikling sagot niya.

Binigyan ko lang siya ng ano-naman-yon look. Ngumiti na naman siya, typical Cyrus.

"I took this moment for us Sky, because I am afraid na baka hindi na ako magkakaroon pa ng pagkakataon na makahingi ng oras sa iyo," tugon niya.

"What?" ako. Itinulak ko siya pero friendly push lang. "Ano bang trip mo ngayon ha? hahaha."

Binigyan niya ako ng hindi-ko-din-alam look.

"Alam mo, ang weird mo ngayon," ako.

"Mag to-two months ka na sa university hindi ba? Ako mas nauna lang ako ng isang linggo sa iyo rito," Cyrus.

"Ah talaga ba? Oo nga no? Dalawang buwan na, ang dami na ring nangyari sa mga buhay natin," ako.

"Naalala ko pa nga sobrang lampa mo dati, kahit hindi mo alam pinaggagawa mo, pinagpatuloy mo pa rin," dagdag niya.

"Oo nga, sobrang trying hard ko dati hahaha," ako.

"Kaya 'yon din ang nagustuhan ko sa iyo," siya.

Nabigla ako sa sinabi niya.

"Nagmamatapang ka kahit alam kong naduduwag ka," pagpatuloy niya.

"Cyrus," ako.

"Kaya nga nachachallenge ako sa iyo, nakakalimutan ko lahat kapag kasama kita, parang nahihirapan ako sa mga bagay-bagay na sobrang dali lang sana sa akin, at gustong-gusto kitang kasama palagi," pagpatuloy niya.

"Ano bang---," ako.

"Kahit na kaya kong mag rank-up agad, pero hindi ko nagawa dahil ayokong maiwan ka, gustong-gusto kitang maprotektahan," siya.

"Ano bang sinasabi mo?" ako.

"Gusto kita Sky," direkta niyang sagot.

"Ha?" ako.

"Gusto mo rin ba ako?" tanong niya. "Haha, hindi mo kailangan sagutin ang tanong ko, dahil alam kong masasaktan lang ako."

"H-hindi ko lang inexpect ito," ako.

"Sa iba kasi nakatuon ang atensyon mo, nakalimutan mong nandito ako," Cyrus. Ngumiti siya sa akin.

Sobrang blangko ng isipan ko. Hindi ako makareact sa kaniya. Nyemas!

*---*---*---*

Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top