Chapter 51

Papunta na ako ngayon sa principal's office.

"Blu teyka nga!" sigaw ng pamilyar na boses kaya nabaling atensyon ko kung anong nangyari.

Sinundan ni Vita si Blu habang naghahagulhol. Is she still upset? Malamang, wala pang one month simula noong namatay si Gino.

It's obvious, mutual feeling sana ang dalawa kung buhay pa ang isa. Sayang, they are compatible sana, leo at aries, pero katulad din pala sila ng iba na ipinagtagpo pero hindi itinadhana.

"Oh anong tinitingin mo riyan cripple?" taray na naman ni Vita sa akin.

Hindi ako kumibo, pero hinarangan niya ako ng water thread. "Hey, don't ever turn your back on me, I am talking to you," sumbat niya. Ayan na naman, papatayin na naman ako ng isang 'to.

"Let me make myself clear once again and for the last time, stay-away-from-Third-Luan, you got that?" dagdag niya.

"Who are you para utusan ako?" sagot ko.

Bigla niya akong sinakal nang napakahigpit pero hindi ako lumaban sa kaniya.

"I can fucking kill you this instant but I won't, next time cripple, hindi na ako magdadalawang-isip, know your place, you're still a low-tier to me," tugon niya.

Umalis siya. Huminga ako nang malalim para ibalik ang hininga ko, sobrang higpit kasi ng pagkakasakal niya sa akin. 

Nakarating na ako sa principal's office at nadatnan ko rin na papalabas si miss Lydia mula sa loob.

"Oh Sky? Anong kailangan mo?" tanong ni miss Lydia.

"Magandang hapon po miss, inutusan po kasi akong ibigay ito kay sir Polaris galing kay miss Twinkle," tugon ko.

"Ah, may importanteng meeting si sir Polaris ngayon eh, nasa mini room sila, pero pwede mo na ring ilagapag iyan sa mesa niya, just don't make any noises baka ma-istorbo mo sila," tugon din niya.

Umalis na si miss kaya pumasok ako. Walang tao sa main office ni sir Polaris, pero saan kaya ang mini room na tinutukoy niya?

Inilapag ko na ang mga documents at akmang papalabas pero narinig ko ang pag-uusap nina sir Polaris tungkol kay miss Friah.

"Hindi pa tayo pwedeng gumawa ng kilos baka maaapektuhan ang buong school nito, kaya kung maaari ilihim na muna natin sa ibang estudyante ang pagdakip sa kaniya," boses ni sir Polaris.

"Yes sir," boses ng lalaki.

Ilihim? Pero kalat na kalat na kaya sa buong campus ang tungkol sa issue na ito.

Sabay na lumabas sina sir Polaris at ang kausap niya mula sa mini room kaya agad din akong lumabas ng opisina. Napadaan ako sa bulletin board ng school na may nakakuha ng aking atensyon. Zodiac Circle nominees will be revealed tomorrow.

So may general assembly kami bukas, wala na namang pasok pero bahala na, mukhang mas exciting ngayon ang malaman kung sino ang mga mapapabilang sa Zodiac Circle. I heard this event will be the most important even ng history ng Zodiac University.

"Oh Sky, saan ka papunta?" biglang tanong ng lalaki sa likuran ko.

"Cyrus?" ako. Napatingin ako sa dala-dala niyang isang wooden box.

"Ah ito ba? Inutusan kasi ako ni sir Polaris nito," tugon niya.

"Busy ka rin 'ata ngayon, ako lang ba ang walang ginagawa sa campus?" ako.

"Mas mabuti na nga 'yon para makapagrelax ka," Cyrus.

"Ano nga palang laman niyan?" tanong ko.

"Hindi ko rin alam eh, hindi rin naman ito mabubuksan," Cyrus.

"Gusto mo samahan na kita sa principal's office?" ako.

"Huwag na, by the way Sky, busy ka ba mamaya?" tanong niya.

"Mamaya? Hindi naman, alam mo naman na para akong multo sa campus hindi ba? Kahit saan nalang pagala-gala," ako.

"Great! Then I'll see you later, may sasabihin lang ako sa'yo, sa usual place natin," Cyrus.

Hindi pa nga ako tumango ay umalis na siya. Ano 'yon? Auto agree?

Papasakay na sana ako ng elevator nang biglang may humawak sa braso ko at kinaladkad ako. Nyemas si Third na naman. Ang hilig talaga manghila ng taong 'to. Pero masaya ako dahil nagkita kami ngayon.

Bigla siyang may inilagay sa leeg ko kaya nagulat ako, pagkatingin ko ay isang gold na kwentas at may star-shaped diamond na pendant na sobrang cute.

"A-ano 'to? Para saan 'to?" ako.

Ngumiti siya sa akin at pinisil-pisil ang pisngi ko. 

"Para sa iyo 'yan, my lucky star," tugon niya.

I am confused. Lucky star?

"Promise mo sa akin na hindi mo huhubarin iyan kahit kailan," siya.

"Kahit maliligo ako?" ako.

"Syempre, para na rin na mararamdaman mong nandiyan ako palagi sa tabi mo," siya.

Ano bang nakain ng grinch na ito ngayon? Bakit sobrang romantic niya these days?

"Ayusin mo nga mukha mo," dagdag niya.

Bumalik ako sa sarili ko dahil bigla akong na conscious. Bakit? May dumi ba sa mukha ko?

"Ang pula na kasi ng mukha mo," dagdag niya.

Nyemas! Agad akong tumalikod sa kaniya sa hiya. Oo nga naman talaga. Even me, I can feel my face burning. Kumalma ka Sky, ilugar mo ang kilig mo.

Bigla niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko at pinaharap ang mukha ko sa kaniya.

"Aking lucky star, ikaw ang dahilan kung bakit ako nabigyan ng panibagong lakas na ipagpatuloy ang kompetisyon ng Zodiac Circle, kaya always stay by my side, lalong-lalo na sa araw ng tournament, okay?" Third.

"O-oo," nauutal kong sambit.

"And also, huwag mo na ulit ibahin ang hairstyle mo, mas maganda ka sa natural lang," dagdag niya.

"Ha? Teyka, anong masama sa hairstyle ko? Si Oe nga ang gumawa ng mga hairstyle ko eh, at isa pa it's my hair kaya may freedom akong gawin ang gusto kong gawin nito," ako.

Pero ngumiti lang siya, nakakagigil kasi mas lalo siyang pumogi sa ngiti niya. Umalis na rin siya pagkatapos. Is this really happening? First time kong makaranas na binigyan ng regalo sa isang tao. Iingatan ko talaga ang kwentas na ito.

*---*---*---*

Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top