Chapter 5

*** Photo above is Cassiopeia Mita ***

*---*---*---*

"You look gorgeous!" puri ni Oe sa akin nang mapansin akong kanina pa nakatitig sa sarili sa malaki at eleganteng salamin namin.

"Really?" mahinang nagagalak na sagot ko naman. Nakasuot na rin kasi ako ng school uniform nila.

"Yes, you do! And we should get going na 'cause today is super sweet day, We must not miss the strawberry cake!" excited na sabi ni Cass na kanina pa nasa pintuan at gusto na talagang lumabas.

Dinala ko na ang mga gamit ko na nakuha ko lang din sa cabinet ng katabi ng higaan ko, may unused notebook kasi roon, at ballpen, at small black backpack.

"Yey!"

Inilapag ni Oe ang isang round strawberry cake sa mesa namin. Nasa cafeteria kaming apat, sabay na nag-almusal. We are all wearing our uniforms. Any minute now ay magsisimula na ang mga klase namin. Class starts at 8.

"You're the best Oe!" sabi ni Ara.

"It's already 8 guys, let's hurry up," paalala ni Oe.

"Okey dokey, Mommy Oe," tugon ni Cass na sumusubo pa rin ng cake.

Tahimik lang akong nakaupo habang inoobserbahan sila. Matagal na siguro silang magkakaibigan 'no? Ang kukulit kasi nila. I envy them.

"I'm full already, hindi na mapasok sa tummy ko ang iba." Hindi na makaupo nang maayos si Ara dahil sa pagkabusog niya.

"E kasi naman, sinolo mo ang half ng cake," tukso naman ni Cass kay Ara.

"O sha! Tara na, legow!" Ara.

Tumayo na kami para umexit na sa cafeteria. Natatawa ako kay Ara kasi sumikip daw ang skirt niya, takaw, e. Si Cass naman ay kanina pa nag-ti-twirl ng buhok niya. Si Oe naman, well-behaved.

Bumukas na ang elevator na sasakyan namin. Pumasok kami at si Oe na ang pumindot sa ground floor. From 35th floor to ground floor.

"Are we on the same building?" tanong ko.

"Nope," sagot ni Oe. Tumingin siya sa number ng floor na pababa ang bilang tapos tumingin sa akin. "Uh, technically speaking, malayo ang building natin sa isa't-isa."

"Wha-what do you mean?" I curiously asked.

"The buildings are divided by ranks, mayroon tayong bronze building, silver building, gold building, at diamond building," tugon niya.

Nanatili akong tahimik habang pini-picture out ang sinasabi ni Oe.

"I know what you're thinking, but the buildings are not made of by its name ha. Title lang nila 'yon sa building but they're not actually made of bronze, silver, gold and diamond," clarify niya.

"Ta's saan ako?" Tanong ko na naman.

"For now, you're in bronze, nakadepende sa rank mo ang klase mo."

Kanina pa niya binabanggit ang rank rank na iyan, pati rin si Crater kagabi, nabanggit niya rin ang rank, ano ba ibig sabihin niyan? May top 1, top 2 ba?

"We have five ranks, the first one is the bronze or the beginner-tier, second is silver or the mid-tier, third is gold, fourth is diamond, which are the high-tiers, and the god-tier is platinum," dugtong ni Oe nang bumukas na ang elevator sa ground floor.

"Kita mo ba 'to Sky? Itong logo sa left part ng dibdib na may badge sa gitna, indicator ng kung ano na ang rank mo, and in my case, diamond," sabi ni Cass sabay turo dun sa logo ng uniporme niya na may diamond sa gitna. Ganoon din kina Ara at Oe.

"Pero wala pa ako niyan, walang laman ang badge ng logo ko," ako.

"Dahil hindi mo pa nagamit ang ability mo, ang Sors (Destiny keeper) lang ang huhusga sa iyong rank base sa taglay ng ability mo," sagot ni Oe.

"Paano naman kung wala talaga akong ability?---"

"Meron nga Sky, 'wag kang nega, baka kailangan mo lang ng something na makakapatrigger sa self mo para lumabas iyon?" wika ni Ara.

Bago sila dumiretso sa kanilang classroom, sinamahan muna nila ako sa classroom ko, halos lahat ng nadadaanan naming estudyante ay nagbibigay-galang sa kanila, celebrity ba itong mga kasama ko?

"Nandito na tayo!" Cass, huminto kami sa isang malaking pinto.

"Don't be nervous, you'll do fine." Tinapik ni Cass ang balikat ko bilang cheer up.

"I'm actually already.. nervous," sagot ko.

"Anong ginagawa ninyo rito girls? Pumunta na kayo sa klase ninyo!" masungit na bungad ng isang teacher na bigla nalang lumitaw sa likuran namin.

"Hello, Miss Kareen," bati ng tatlo tsaka nag-bow.

"See you later, Sky," Ara at Cassiopeia.

Napaspeechless naman ako, at mukhang madrasta ang teacher, I am starting to feel super nervous. Parang mangangain ng tao ang tingin niya.

"New Student?" tanong niya sa akin.

"O-opo," sagot ko.

"Pasok," taray nyang sabi.

Mas mataray pa siya sa landlord ko, a.

At syempre obedient ako, agad akong pumasok sa classroom namin at bumungad naman sa akin ang magulong classroom at nagkukulitang mga estudyante, bigla silang tumahimik nang makita ang guro namin.

"Good morning, Miss Kareen!" bati ng lahat.

"May bago kayong kaklase." Tumingin siya sa akin, "Anong pangalan mo?"

"Ako po si Sky Nunez," malumanay na sagot ko.

"Sige, maupo ka na," taray na taray niya.

"Settle down class! Magkakaroon tayo ng film showing sa umagang ito," teacher.

"Hey! New girl! May vacant seat dito sa tabi ko!" Tawag sa akin ng isang lalaking nag-iisa sa likuran. Wala rin naman akong ibang choice kasi iyon nalang ang natitirang vacant seat sa room na 'to.

"Hindi ka nakadala ng halaman no?" tanong niya sa akin nang makaupo na ako. Nag smile sya, sa totoo lang kanina pa sya naka-smile, may dimple pa.

"Ha? Para saan ang halaman?" tanong ko. Malay ko ba, 'no? Unang araw ko pa kaya ngayon. Chor, suplada et.

"Ah, activity kasi raw sabi ni Miss Kareen, mag spell casting kasi tayo mamaya," sagot niya.

"Ah," tumango nalang ako. "Ehh? Spell casting?"

"It's the basic magic activator, every beginner must know spell casting, iyon ang alam ko," explain pa niya. " 'Wag kang mag-alala, may extra halaman ako rito, sayo nalang 'to."

Napatingin ako sa may left part ng paa niya, may nakalagay na dalawang halaman. Grabe, a? Boyscout.

"Grus! Paki-set up nalang," utos ng teacher sa estudyanteng pumasok sa aming room at may dalang malaking salamin.

Napansin ko 'yong badge ng lalaking 'yon na may diamond sa gitna, so high-tier siya. Tiningnan ko naman ang badge ng mga kaklase ko, halos lahat ay bronze ang badge kagaya ng katabi kong lalaki na ito, pero may iilan din naman na kagaya kong wala pang badge sa logo.

Kinalaunan, nagsimula na ang film showing. Dumilim ang buong classroom tapos may iba't-ibang hugis na lumalabas sa salamin na naging sanhi ng 3D viewing namin.

"Anong papanoorin natin?" tanong ko sa katabi kong lalaki.

"History ng paaralan," sagot niya.

"Noong unang panahon, ang buong mundo ay napapalibutan ng iba't-ibang uri ng abilidad ng mahika, mapa-masama man ito o mabuti, ang lugar ng Zodiacus ang kaharian ng mga diyos at diyosa, ang naging sanhi ng lahat ng ito.

Bawat diyos at diyosa ng kaharian ay may sariling tagapagbantay, ito ay ang Aries, Libra, Saggitarius, Virgo, Leo, Gemini, Pisces, Scorpio, Taurus, Aquarius, Cancer at Capricorn.

Ang pinagmulan ng mabuti at masamang kapangyarihan.

Nahahati ito sa apat na grupo, na kung saan ang Aries, Leo at Saggitarius ay nabibilang sa elemento ng apoy.

Ang Pisces, Cancer at Scorpio naman ay nabibilang sa elemento ng tubig.

Ang Taurus, Virgo, at Capricorn ay nabibilang sa elemento ng lupa.

At ang Aquarius, Gemini, at Libra naman ay nabibilang sa elemento ng hangin.

Kinakailangan makompleto ang apat na elemento upang balanse ang takbo ng mundo."

"Ako nga pala si Cyrus Park, anong pangalan mo?" bulong ng katabi kong lalaki sa akin.

"Ako si Sky Nunez," sagot ko naman sa kaniya.

"Wala kasi akong masyadong close sa school kaya masaya akong naging katabi kita," dagdag niya. So, friends na kami, ganun?

"Ngunit sinalakay ng Dark Source ang Zodiacus ilang araw pagkatapos nang nagkawatak-watak ang labing-dalawang diyos at diyosa.

At doon, pinagsamantalahan ng Dark Source ang kahinaan ng kaharian kung kaya't isa-isa nilang napatumba ang mga namumuno nito. Ang natirang diyosa na si Hiyera ay isinakripisyo ang sariling buhay upang protektahan ang buong Zodiacus.

Isinara niya ang Zodiac Shrine na kung saan natutulog ang mga tagapagbantay ng buong uniberso at walang ibang makakapasok kundi ang bagong mamumuno ng kaharian. Ang Zodiac Circle.

Walang ibang makakapasok sa lugar kundi ang may kapangyarihan lamang."

Walang ibang makakapasok sa lugar kundi ang may kapangyarihan lamang? Isa kayang napakalaking misteryo kung paano ko nagawang makita at makasalamuha ang mga taga-rito?

Bakit ba naman kasi hindi ko na matandaan ang nakaraan ko. Tch.

"Lumipas ang ilang henerasyon, itinayo ang Zodiacus bilang paaralan na nagtuturo kung paano gamitin nang tama ang kapangyarihan mula sa Zodiac.

Zodiac University.

At pinamunuan ito ng Zodiac Circle."

Interesting story. There must be a reason kung bakit ako napadpad dito, at kung ano man iyon ay aalamin ko talaga.

*---*---*---*

Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top