Chapter 48
Game of Generals, gaya ng hierarchy ng aming school, pinakamataas na rank ay ang 5 star general gaya ng diamond rankers at ang pinakamababa ang private gaya ng bronze rankers. Isa lang ang goal ng bawat grupo, 'yon ay ang makuha ang flag ng kalaban o kaya'y ang flag ng grupo ay makaabot sa base ng kalaban.
Ma-eeliminate ang piece kapag ang kasangga niyang rank ay mas mataas kaysa sa kaniya. Iba naman pagdating sa Spy kasi kabaliktaran ang mangyayari, ang ma-eeliminate niya ay ang mas mataas na rank maliban sa private. Ang private lang din ang makaka-eliminate ng Spy.
My group mates are excited, parang alam na alam nila kung paano laruin ang game na ito.
"Red team! Bumunot na kayo sa inyong piece dito," wika ng guro.
So bawat members ay may kani-kaniyang piece na gagampanan. Alam ko naman kung paano ito lalaruin kaso hindi ako masyado expert sa strategy nito.
"Blue team! Bumunot na kayo!" wika na naman ng guro.
Ang pagkakasunod-sunod ng pieces ay five to one star General, Colonel, Lt. Colonel, Major, Captain, first Lt., second Lt., Sergeant, dalawang Spy, anim na Private, at isang flag.
Nagsimula kaming maglaro ng human game of generals. Tatlong game lang ang mangyayari at kung sino ang unang makakuha ng dalawang puntos ang siyang panalo.
"Akala ninyo na ang pinakamataas na rank ang pinakamakapangyarihan? Nagkakamali kayo," wika ng guro.
Tama, kahit na ikaw ang nakakuha ng five star general, ma-eeliminate ka naman dahil sa Spy.
Ang unang naganap na laro ay naipanalo namin, ako ang gumanap sa isa sa anim na private.
"Ang Spy ang may pinakadelikado na role, hindi ninyo alam kung sino ang Spy sa kalaban, kung kayo ay magwawalang-bahala sa paligid ninyo, tiyak na babagsak kayo," Guro.
Totoo ngang hindi namin alam kung sino ang Spy sa kalaban, hindi mo alam kung ito ay kaibigan mo o hindi.
Out of 50 plus groupmates, 21 lang ang pwedeng makapaglaro, at ang hindi kasali sa current game ay magiging spectator.
"Pero matatalo ang Spy sa isang private, ang private ang pinakamababang rank sa game of generals, pero bakit kaya ang pinakamababang rank ang binigyan ng kakayahang mag-eliminate ng piece na gaya ng Spy?" Guro.
Isa akong private kaya responsibilidad kong eeliminate ang Spy.
"--dahil na rin sa hindi magsususpetsa ang Spy sa mga mababang rank," dagdag niya.
In real life situation, totoo ngang hindi magsususpetsa ang isang Spy sa mga mababang rank dahil wala naman itong kalaban-laban sa kanila. Kagaya ni Gino na nadevoured ng Dark Source, isa siyang diamond at wala akong nabalitaan na may sinaktan siyang bronze ranker. For them, low-tiers are the least of their worries.
"Ingatan ninyo ang inyong flag, hindi ba nakakagana maglaro kapag alam mong may kailangan kayong protektahan? Huwag ninyong hahayaang makuha ng kalaban ang flag ninyo," Guro.
Nagsimula na naman ang pangalawang laro na kung saan ang ginampanan kong piece ay ang Spy.
Gumawa na kami ng mga hakbang, natakot na tuloy ako sa mga private nyemas. Nasa likod ko ngayon si Carina, ang flag namin. Lahat ng dumadakip sa akin ay puro matataas na rank, nalaman na yata ng kalaban na isa akong Spy.
Biglang may lumapit sa akin na isang lalaki, balak niya akong dakpin pero hindi ako sigurado kung anong piece siya, baka private?
Umiiwas ako sa kaniya pero sinusundan niya ang hakbang ko sa chessboard, nahalata na yata niya. Alam na alam ko na isang siyang Private, maraming mapanlinlang na strategy sa larong ito, hindi dapat ako magpapadakip.
Napansin kong wala nang nakapalibot kay Carina, syeeet ang flag namin! Nasaan na ang mga private at matataas na rank?
Bumalik ang mga hakbang ko kay Carina para ma protektahan ko siya, pero wrong move dahil nabigyan ko ng chance ang kalabang private na madakip ako, at chance na malaman nilang si Carina ang flag namin.
At nang nasa harap ko na siya, omg I'm dead!
Sisigaw nalang ako na HUHU SORRY CARINA!
Pero nabigla ako nang may nagsalita na "I caught you," sa gilid niya. Nakita ko si Third na unang nakadakip sa kaniya. At nung tiningnan ng spectators, naeliminate ang private na kalaban, 'yong nagtangkang dakipin ako, naunahan siya ni Third, sa palagay ko napansin ni Third ang mga kilos niya, isa palang sergeant si Third. Phew! Muntik na iyon.
"Mag focus ka, protektahan mo si Carina," bulong ni Third sa akin.
Nang bumalik na ako sa pwesto ko kanina sa harap ni Carina, nabigla ako nang may sumigaw sa gilid ng "I caught the flag." Hala omg, oh no.
Natalo kami sa pangalawang laro.
At sinisisi na naman ni Vita ang pagkatalo namin sa akin. Nyemas! Hindi mo alam pinagdadaanan ko ah.
Sa pangatlong laro, ang gagampanan ko naman na piece ay ang flag. Gumawa ng bagong plano si Blu at ang mga advisors. Ang cool tingnan ni Third na nagbibigay ng idea sa kapwa advisors. Isa kasi siyang Pisces na more on intellectual skills, si Oe naman ay more on determination bilang isang Aquarius, kaya tama talaga ang pagkakapili nila ni Blu.
"Sasama sina Grus, Vita at Cyrus kay Sky, protektahan ninyo ang flag natin," wika ni Third.
"Ano bang piece mo Third?" tanong ni Crater.
"Isa akong spectator ngayon," tugon niya.
Nag-assemble na kami sa chessboard, at nagsimula na ang game. Pati ang kalaban ay nagbago na rin ng arrangement. Wala ang kanilang leader, sa tingin ko spectator din si Excel.
Tumingin ako kay Third bago magsimula ang last game, ngumiti lang siya sa akin na parang sinasabi niyang makakaya ko ito.
Hindi ko dapat bibiguin ang mga groupmates ko. I will do my best to protect myself as the flag.
Nagkakalat na kami ngayon sa chessboard at hindi binigyan ng idea ang mga kalaban kung sino ang flag.
Nang magsimula na ang laro hakbang lang kami nang hakbang paharap. Every set go ni miss ay isang hakbang ang ginawa namin. Biglang may papalapit sa direksyon namin na isang babaeng kalaban. Hindi ko siya napansin kaya hindi ko alam kung anong piece siya.
Lumapit siya kay Vita na katabi ko, at na eliminate si Vita, si Vita ay isang five star general. So ibig sabihin, isa siyang Spy?
Ang dami na ring na eliminate na mga miyembro namin, kaunti nalang kami. Paano na 'yan? Obvious na ako ang flag.
Tumingin ako kay Cyrus na nasa gilid ng chessboard, parang nagsesenyas siya na palit kami ng pwesto. Oo nga pala, si Cyrus ay isa ring Spy.
Nagpatuloy kami sa paghakbang hanggang sa nagkapalit na kami ng pwesto ni Cyrus, pero biglang may dumakip sa kaniya, at na eliminate siya. Takte! Isang private ang nasa gilid ko. Pero naharangan agad ito ni Grus na isang private din kaya sabay silang na eliminate.
Nagpatuloy lang ako sa paghakbang, no looking back na. Nasa piligro na ang buhay ng grupo namin.
Napansin kong papalapit sa akin ang Spy na kalaban na dadakpin sana ni Cyrus. Hala, dead na ako nito for real.
Kada hakbang ko ay papalapit siya nang papalapit sa akin.
At nang isa nalang ang square na agwat namin, para na akong mahimatay sa kaba, dahil baka matalo talaga kami ngayon.
Pero dalawang square nalang ang tatahakin ko makakaabot na ako sa base ng kalaban, pero mukhang hindi na ako aabot dahil sa sobrang lapit na ng kalaban sa akin.
Nang kami ang humakbang, umilag ako tungo sa pinakagilid na talaga ng chessboard, at doon ko nalang namalayan na biglang tumabi sa akin si Ara sabay ngiti.
"Nice move Sky, tsa! ipanalo mo ang grupo natin," bulong niya.
A-Ara? Hindi ko napansin na nakasunod pala si Ara sa akin.
"I caught you," wika ni Ara sabay tapik sa kalaban na nasa gilid niya. Sabay silang na eliminate, isa rin palang Spy si Ara?
At naabot ko rin ang base ng kalaban.
"Panalo ang blue team!" sigaw ng guro.
Naghiyawan ang mga groupmates namin.
Ang gaan sa pakiramdam na makita mong successful ang plano ng team mo. Ang ganda tingnan ng team work. Mabuti naman naipanalo pa namin.
*---*---*---*
Do not forget to vote for this chapter!
You can use these hashtags:
#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle
See you on next chapter!
-axinng
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top