Chapter 47

Pangalawang period na, pumasok na sa classroom ang guro namin. Hindi siya familiar sa akin pero kakaiba rin ang dating niya.

"Class, we will be having a group work today, I hope all of you will cooperate dahil magagamit ninyo ang activity na ito in the near future," wika ng guro.

Ano kaya ang gagawin namin ngayon?

"First to fifth column will be the first group, and sixth to tenth column will be the second group," dagdag ng guro.

First to fifth? Kasali kaming magkakaibigan, kagroup ko rin si Third. Hehe hindi naman pala ako ganoon ka malas ngayon.

"Now, choose your leader and your advisors, we will immediately go outside dahil may inihanda akong task para sa inyo," guro.

Nagsitayuan na kami, at ang unang nag-take charge sa grupo namin ay si Vita. Siguro siya ang leader namin kasi sobrang productive niya ngayon.

"Sino ileleader natin?" tanong ni Anna.

"Hindi ba obvious? Syempre it has to be a leo liner," tugon ni Vita.

Ah oo nga pala, sa astrology kinikilala bilang leader ang mga taong may leo sign dahil nakasaad na sa mga bituin na magaling silang maghandle ng mga tao.

"Pero may dalawang leo sa grupo natin," wika ng kaklase namin.

Napatingin sila sa akin at ni Blu. Well, yes I am a Leo but never pa akong nakapaglead sa buong buhay ko.

"Let's pick Sky," boluntaryo ni Third. Nanlaki naman ang mga mata ko. Wait? Ako ba gagawin niyang leader? Of our 50 plus members? No!

"Tama, I agree," sabay ni Cyrus.

"Ako rin," Ara at Cass.

"Wait guys, I-I don't know if I can handle it," tugon ko.

"Leos are naturally born leaders, hindi mo na kailangan pagpractisan ang pagiging leader," tugon ni Third.

"Seriously? She isn't even a master user, on the other hand, Blu here is already a master user--," react ni Vita sabay akbay ni Blu.

Pero master user naman din ako. Mas eksperyensado nga lang si Blu kompara sa akin.

"---and Blu already has many leader experiences," dagdag niya.

"Kay Blu nalang tayo guys," wika ng kagrupo namin.

"I go with Blu," kagrupo rin namin.

"M-mas mabuti na rin si Blu para sa kapakanan ng ating grupo," tugon ko.

"Okay! It's settled, Blu is our leader," Vita.

"Wala ka bang tiwala sa sarili mo?" bulong ni Cyrus sakin.

"Well anyway, since a leader also needs advisors, I will pick Vita, Third, Crater, Oe and Kimberly as my advisors," wika ni Blu.

"Ano ba kasing activity natin ngayon?" tanong ng kagrupo namin.

"I hope you all will cooperate with me," dagdag ni Blu.

"Let's go outside!" ani ng guro. Gumawa siya ng dimension para makapunta agad kami sa labas ng building.

At paglabas namin, nakita namin ang isang malaking chessboard sa gitna. Teyka? Maglalaro ba kami ng chess? Nyemas! Mahina ako sa chess eh.

Ang gurpo namin ay nasa kabilang side ng chessboard samantalang sa kabila naman ang pangalawang grupo. Pinaghandaan talaga ito no?

Lumitaw na sa gitna ng chessboard ang guro namin at nagdala rin siya ng scoreboard. Ang mga nakapangalan sa scoreboard ay blue team at red team.

"This is our activity today!" Guro.

Tumabi na siya at inilagay na rin ang scoreboard sa gilid ng chessboard.

"Come here leaders! We will play a game na kung saan masusukat dito ang team work ng bawat grupo," Guro.

Pumunta na si Blu sa harapan ng guro at ang isa ring estudyanteng lalaki.

"Ang grupo ni Blu ang siyang tatawaging Blue team, at and grupo naman ni Excel ang tatawaging red team," Guro.

Leo rin yata iyong Excel na yun, pero hindi naman ako kinabahan kasi kasama ko sa grupo ang mga pride ng school. Yieeee.

Biglang may tumakbong kagrupo namin sa harap ko nang hindi ko namalayan kaya na out of balance ako, mabuti nalang may sumalo sa akin sa likuran ko.

"Okay ka lang?" tanong ni Third.

Ow syeeet! Tuuubig pleeeease! Si Third pala ang nasa likuran ko?

Nabaling ang atensyon ko kay Cyrus na kanina pa nakatingin sa aming dalawa ni Third kaya nginitian ko nalang siya.

"Hey psst, hinay-hinay lang kayo riyan Sky, kasi baka kukulo na ang tubig ni Vita sa inyo," bulong naman ni Oe sa akin.

"W-wala naman kaming ginagawang masama ah," tugon ko.

Distansya o ambulansya.

Binigyan na ng guro sina Blu ng tig-iisang box. Nang bumalik na siya sa area namin ay pinatingin niya sa amin ang loob ng box, puro tela lang nakapaloob nito na kulay blue.

"Ilagay ninyo iyan sa inyong ulo bilang indicator kung anong grupo kayo nabibilang," pagbibigay instruction ng guro.

Itinali na namin sa aming ulo ang tela, at pati na rin sa kabilang grupo. Blue team vs Red team. Pero ano nga ba ang gagawin namin?

"Oe may idea ka ba sa activity natin ngayon?" tanong ko.

"Wala eh, iba kasi si miss Lesley, paborito niya talagang magbigay ng surprise activities," tugon ni Oe.

Parang nasasabik yata ako sa gagawin namin ngayon, aside sa surprise siya, kagrupo ko naman ang crush ko.

"Makinig kayo students! Familiar ba kayo sa laro na Game of Generals?" tanong ng guro.

"Whaaaat?"

"Omg!"

"Game of generals?"

"Oo naman miss."

Game of Generals ba ka'mo? I know that game ah, kasi naalala ko na nakapaglaro ako ng game na 'yan way back normal life pa ako na nag-aaral sa university. Parati kong nilalaro sa laboratory iyan.

Pero kung Game of Generals ang lalaruin namin bakit may malaking chessboard dito?

"Yes class! Game of Generals! And you will play it like you are the piece of the game," Guro.

Piece of the game?

"We will play Human G.o.G, or Human Game of Generals, no need for magic, just your intellectual skills and team work," Guro.

Homaygaad, kami ang maglalaro as piece of the game? Now I get it, kaya pala may chessboard, dahil kami mismo ang magmomove batay sa role na gagampanan namin.

But, it feels exciting somehow.

*---*---*---*

Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top